Chapter 3

56 17 3
                                    

Nakahiga lang ako ngayon sa kama ko, inaalala ang mga nangyari kanina. Akala ko grabe na 'yung nangyari noong first day pa lang, may mas gagrabe pa pala roon.

Pagkauwi ko pa lang kanina, hinanap ko agad sina Mama at Papa pero pareho silang nasa hospital. Gustong gusto kong magsumbong. Parang gusto ko na sumuko agad. Parang gusto ko na lang na rito na lang pala ako sa bahay. Ayoko na sa labas, ayoko na sa mga tao.

Pumasok sa isip ko na, kung wala ba akong sakit, hindi ba nila ako iiwasan? Marami na akong kaibigan? Hindi na limitado ang bawat kilos ko? Sobrang daming tanong pero alam ko naman na iisa lang ang sagot. Imposible.

Akala ko kapag naging malaya na ako, magiging maayos na ang buhay ko. Na mararamdaman kong normal na ang buhay ko. Hindi ganito ang naiisip ko. Hiniling ko na sana maging malaya ako pero kasama pala rito ang isa pang sakit. Ganito pala ang takbo ng bawat araw sa labas. Ganito pala kagrabe ang ibang tao.

Naalala ko na naman 'yung sinabi ni Luan. Hindi ko naman siya kinukulit nang sobra. Dinadaldal ko lang siya kahit wala akong matanggap na sagot mula sa kaniya. Ganoon din sa mga kaklase ko. Bilang lang din sa daliri ang mga sumasagot sa akin. About sa lessons nga lang iyon.

Nag-alala lang naman ako sa kaniya! Ang laki talaga ng pasa niya sa mukha niya! Gusto ko siyang tanungin kung ano 'yon. Gusto ko siyang tulungan pero... paano?

Napabuntong hininga na lang ako.

"Sol, how was school?" tanong ni Papa habang nagbabasa ng dyaryo. Kumakain kami ngayon ng breakfast.

Naalala ko 'yung nangyari kahapon. 'Yung mga sinabi ng kaklase ko sa'kin.

Kung kahapon ay gusto kong magsumbong sa kanila, ngayon, parang umurong ang dila ko dahil sa naisip ko. Inalala ko 'yung mga gusto kong gawin habang malaya pa ako. Tsaka okay lang 'to sa akin! Tama! Hindi ito ang magpapatigil sa akin para gawin ko mga bagay na gusto ko.

Kung hindi nila ako kailangan, pwes hindi ko rin sila kailangan! Hindi naman ako para mag-beg pa para sa atensyon nila 'no! I am more than that. See the positive side, Sol!

"Ayos lang naman, 'Pa. Goods na goods po ako," malaki ang ngiting sagot ko sa kaniya. Nagthumbs up pa ako sa kaniya para ipakita talaga na okay ako.

"Buti naman kung ganoon. Tell me if there's a problem, okay? I told you many times, I don't wan-"

"Oops, shh shh. Okay lang talaga, 'Pa. Ako pa ba, duh?" pagtigil ko sa sasabihin niya pa. Tumango na lang siya at pinagpatuloy na lang namin ang pag-kain namin. Nagkaniya-kaniyang alis na rin kami. Si Papa ang naghatid sa akin papasok dahil dederetso na siya ulit sa hospital. Hinalikan ko na lang siya sa pisngi nang makarating na kami.

Nandito na ako sa campus, naglalakad papunta sa room ko. Ewan ko pero ramdam kong pinagtitinginan ako. Nilibot ko ang paningin ko at tama nga ang hinala ko.

'May sakit daw 'yan.'

'Eh? Baka makahawa 'yan, ha.'

'Bakit wala 'yan sa hospital?'

Rinig kong bulungan ng mga nadaraanan ko. Bilis naman kumalat. Ano 'to chismis? Wala ba kayong mga internet sa inyo at hindi man lang kayo magresearch muna bago kayo makichismis?

Hindi ko akalaing may mga sarado ang isip at mas piniling paniwalaan ang mga sinasabi ng iba. Naturingang mga nag-aaral pero ang mga utak ay baliktad.

Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Nang makarating sa tapat ng room, natigilan ako nang maalala 'yung nangyari kahapon. Nag-aalangan pa ako kung papasok ako o hindi. Alam ko kasing nakapasok na si Luan pero bakit ba ako kinakabahan?

Until Our Next EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon