Chapter 17

31 12 0
                                    

It's been a month simula nang tuluyan na akong makulong dito sa hospital. I guess, wala na talaga akong choice kundi tanggapin na lang pero kagaya pa rin ng dati, wala man lang akong maramdaman na kahit ano sa puso ko.

Alam mo 'yung feeling na masaya ka pero parang hindi? Tumatawa ka pero alam mong mali. Ngumingiti ka pero alam mong pilit. Nagpapanggap na matatag kahit hindi. Iyon ang nararamdaman ko.

Simula na yata noong tumapak ako rito sa magiging lugar ko, nawalan na ako ng pake sa sarili ko. Tinatago ko lang lahat ng 'to sa sarili ko. Ayoko lang na mag-alala pa ang iba sa akin.

Naging masaya naman kami noong sumapit ang pasko. Ramdam ko ang saya nila kahit pilit lang 'yung sa'kin. Kaniya-kaniyang selebrasyon kami. Si Yvainne, lumuwas ng Batangas para mag-celebrate sa mga kamag-anak niya sa Cavite. Si Niel naman, pumuntang America.

Samantalang magkasamang nagpasko ang pamilya namin ni Luan. Sa bahay kami nagcelebrate noon. Pinalabas muna ako ni papa pero marami pa ring nakaaligid sa akin na nurse. Masaya naman. Nagkabatian, nagkwentuhan, nagkainan ng mga handa, nagbigayan ng regalo, nag-saya, at kung ano ano pa. Kami-kami lang din naman ang nagdiwang.

Noong bagong taon naman, sa bahay kami nina Luan nagcelebrate. Kasama na namin ang pamilya ni Yvainne pero naiwan pa rin si Niel sa America. Tinatawagan naman namin siya pero hindi siya sumasagot. Baka nagsasaya talaga siya ro'n. Ito namang isa, nakabusangot na lang ang mukha.

Naging magkaclose ang pamilya namin nina Luan. Alam naman nila na nililigawan niya ako. Ayun, isa 'yon sa memorable na nangyari sa buhay ko.

Ako lang mag-isa rito sa kwarto. Nakasanayan ko nang suotin ang damit ng mga pasyente, puting pajama at shirt lang. Simula na rin ng pasukan nina Luan kaya wala sila rito. Alam na rin ng school na nag-drop na ako. Siguro tatantanan na ako ng mga tao ro'n.

Sa mga nagdaang araw, walang mintis na pumupunta rito ang tatlo. Madalas nga, rito pa sila natutulog, e. Kahit nga gusto nila matulog dito, hindi ko sila pinapayagan minsan kasi may mga nag-aalala pa rin sa kanila. Kaya ko naman ang sarili ko. Kakayanin.

Naputol lang ang pagtitig ko sa kawalan nang mapatingin sa labas ng pinto ko. Nakaawang kasi 'yon para makita ako ng mga nurse sa counter. May dumaan na mga nurse habang tulak ang stretcher na may lamang lalaki. Pinagsawalang bahala ko na lang 'yon at mas tumitig sa kawalan.

Bored na bored na ako. Napahawak ako sa buhok ko. Gano'n pa rin ang ikli at kulay nito. Kakapa-itim lang nga ng buhok kahapon ng tatlo. Ayaw pa ni Niel dahil bagay raw sa kaniya 'yon pero as usual, sinabunutan lang siya ni Yvainne.

Tumayo na lang ako at lumabas para mag-ikot-ikot. Pamilyar na sa akin ang daan at kilala na rin ako ng mga tao rito. Tinuturing ko na rin 'tong pangalawang tirahan ko. Simula nang ma-admit ako rito, mas lalo nang lumalala ang sakit ko kaya naka-undergo ako sa isang treatment. 4-6 months lang daw ang tagal noon pero depende pa rin sa magiging response ng katawan ko.

Nadaanan ko ang isang bata na nakaupo lang sa helera ng mga upuan. Nakasuot siya ng bonet at napagtanto kong pasyente 'to dahil magkaparehas kami ng suot. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. Napalingon naman siya sa akin at inosente akong tiningnan.

"Hi. Anong pangalan mo?" Unti-unting kumunot ang noo niya pero agad ding nawala nang mapansing parehas kami ng suot.

"Ririn po."

"Hmm. Bago ka ba rito? Ngayon lang kita nakita," mahinahong pagkausap ko sa kaniya para hindi siya matakot.

"Opo, magpapagaling po ako." Napangiti naman ako nang bahagya. "Ikaw po? Anong pangalan n'yo po?"

"Ako si Ate Soleil." Tumango naman siya at titinitigan ang mukha ko para kabisaduhin. "Nasaan ang magulang mo?"

May tinuro siya kaya napatingin ako roon. Napaawang ang labi ko nang makita ang tsinelas at pantalon ng mama niya. Umiwas na lang ako ng tingin at napabuntong hininga.

Until Our Next EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon