Chapter 4

38 16 2
                                    

"Hi, Luan!"

Saktong kapapasok ko lang ng room nang makasalubong ko si Luan. Mukhang ngayon lang din siya. Nakita ko pang may band aid 'yung bandang labi niya. Mabuti naman kung ganoon.

"Hi."

Expected ko nang hindi siya sasagot kaya papasok na sana ako sa pinto nang matigilan ako sa sagot niya. Hindi ako makapaniwalang lumingon sa kaniya. Nanlalaki pa ang mga mata ko! May lagnat ba 'to?!

Lumapit tuloy ako sa kaniya at sinundot ang pisngi niya. Tinitingnan ko kung totoo bang si Luan 'to. Baka naman impostor lang kasi imposibleng babatiin ako no'n! Napalayo naman agad siya sa ginawa ko.

"Si Luan ka ba?" pagtatanong ko sa kaniya. Ngayon, nanlalaki na ang butas ng ilong ko. Kumunot naman ang kaniyang noo sa narinig.

"Huh?" sagot niya at pumasok na lang ng room. Iniwanan ako rito sa may pintuan. Nakatulala.

Sa dalawang linggong pagpasok at pangungulit ko sa kaniya, ngayon niya lang talaga ako binati. Nananaginip ba ako?

No no no, hindi siya si Luan! Impostor siya! Tama! O baka naman naalog talaga ang utak niya kahapon?

Natigil lang ang aking pag-iisip nang makitang papunta na rito ang prof namin kaya dumeretso na agad ako sa upuan ko.

Nang makaupo, napalingon ulit ako kay Luan; Pinagmamasdan ang bawat kilos niya. Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kaniya kaya inayos niya ang salamin niya at tinaasan ako ng kilay.

"May lagnat ka ba?" pangungulit ko. Tinanggal niya ang tingin niya sa akin at pinako na lang iyon sa board habang umiiling.

"Masama ba ang pakiramdam mo?"

Binalik niya ulit ang tingin sa akin. Kunot na kunot na talaga ang noo. "Hindi."

"Hala, totoo nga!" Napatakip pa ako sa bibig ko. Ngumiwi siya dahil sa inakto ko. Parang naweweirduhan na naman!

"Kinakausap mo na ako!? Bati na tayo? Friends na tayo? Pwede na ba kitang kulitin? Sabay na tayong kakain? Tsaka pau-"

"Baliw," pagputol niya sa sinasabi ko at hindi na talaga ako pinansin. Naiwang nakabuka ang bibig ko kaya inis akong tumikhim. Napaayos tuloy ako ng upo at sinimangutan siya.

Ang sungit pa rin pala! Akala ko pa naman sinaniban na siya ng isang santo o tuluyan talagang naalog ang utak niya! Magpapasalamat pa sana ako sa sumuntok sa kaniya kahapon!

"Imagination ko lang pala," bulong ko. Hindi ko alam kung narinig niya iyon. Hindi ko na ulit siya pinansin. Hindi rin naman na siya nagsalita, e. Akala ko pa naman!

Nilibot ko na lang ang tingin ko sa room. Ang iingay nila. Kaclose na agad nila ang isa't isa.

Nang makita ako noong kaklase kong babae na sumigaw sa akin noong isang araw, inirapan niya ako bigla at parang may binulong pa sa mga kaibigan niya. Nagsalubong ang kilay ko at maang silang tiningnan. Hindi ko naman sila inaano!

Mabuti nga at hindi nila ako binubully, e! Puro pasalita lang silang gan'yan! Takot at mahahawa ko raw sila kuno!

Padabog na umayos tuloy ako ng upo at humarap sa unahan. Dahil dito, nasanggi ko ang braso ng katabi ko na nagpapahinga sa armchair ko. Pagilid niya akong tiningnan kaya tinaas ko ang dalawa kong kamay.

"Ay, so-rry," sarkastiko kong sabi sa kaniya. Umayos na rin siya ng tayo. Hindi ako pinansin. Pumasok na pala ang prof namin sa OrgMa.

Salubong pa ang kilay ko! Positive thinking, Sol!

Nagsimula na ang klase kaya nag-focus na lang ako rito. Naiintidihan ko naman ang lesson. Madali rin kasing magturo ang prof. Nagtake down notes ako noong mga sinasabi niya. Ito namang katabi ko, sa libro nagsusulat. Binibili naman talaga namin ang libro namin dito.

Until Our Next EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon