Chapter 15

32 13 0
                                    

"Ang sakit na ng ulo ko," reklamo ni Yvainne at mahinang inumpog ang noo niya sa lamesa ng library.

Magsisimula na ulit kasi ang exam namin next week kaya nagr-review na kami. Hindi ko naman siya matulungan kasi magkaiba kami ng strand. Joke, hindi ko nga rin maintindihan ang binabasa ko.

"Mamaya na ulit. Tinatamad na ako," reklamo pa niya na nakapatong na ang baba sa lamesa habang hinihipan ang mga papel.

"Pang-amin mo nang sinabi 'yan," natatawang sagot ko sa kaniya pero ginaya ko pa rin siya dahil tinatamad na rin ako. Lumipat ang tingin niya sa'kin at siningkitan ako ng mata. Hindi naman ako nagpatalo at siningkitan din siya ng mata. Para tuloy kaming baliw rito.

"Anong ginagawa n'yo?" Natigil ang kabaliwan namin ni Yvainne nang magsalita sa likod namin si Luan. May dala siyang tubig at tinapay bago ipatong sa table. Kumuha siya ng upuan at tumabi sa'kin.

Umayos na ako ng upo at nginitian siya bago kuhanin ang tubig na dala niya. Narinig kong suminghal si Yvainne kaya natatawang lumingon ako sa kaniya.

"Mag-aaral pa tayo!" nakangusong sabi niya kaya binato ko sa kaniya ang tubig niya. Natatawang sinalo naman niya ito at binuksan.

"Nag-aaral ba talaga kayo?" tanong ni Luan kaya mabilis kaming umiling ni Yvainne sa kaniya. Wala lang akong naiintindihan pero nagbabasa kaya ako!

Halos isang buwan nang nanliligaw sa'kin si Luan. Hindi ko pa rin makalimutan ang araw na 'yon.

Syempre, pumayag ako sa kaniya. Nag-pabebe pa ako para dalagang pilipina talaga. Sinabi niya hindi raw siya susuko makamit lang ang aking matamis na oo. Charot.

Hindi ko pa rin sinasabi ang totoong nararamdaman ko sa kaniya. Ang akala niya, hanggang kaibigan lang ang trato ko sa kaniya.

Sinabi ko na rin kay Yvainne 'yung namamagitan sa amin ni Luan. Tili nang tili pa nga habang kinukwento ko. Hindi ko pa nachichika kay Niel pero siguro naikwento na rin ni Luan sa kaniya.

Pagkauwi rin namin na 'yon, hiningi na ni Luan ang kamay ko sa mga magulang ko. Isang linggo pa ang inabot bago mapapayag si Papa, si Mama naman kilig na kilig agad. Maski kina Nanay Sita at Tatay Nestor, nagpapaalam din siyang liligawan ako. Kahapon lang noong pumunta kami sa puntod ni Tita Whenna, ina ni Luan, para ipakilala ako sa kaniya.

"Sol?" Nabalik lang ako sa ulirat nang katukin ni Luan ang noo ko.

"Ha? Bakit?"

"Ayos ka lang? May masakit ba?" nag-aalalang tanong niya agad kaya natawa ako at pabirong hinigit ang tenga niya.

"Wala... may naalala lang. Ano nga ulit tinatanong mo?"

"Kung sasama ka mamaya sa bahay para doon tayo magreview? Miss ka na raw ni Ally," sagot niya habang binubuklat ang notebooks ko.

"Wala ka bang trabaho?" nagtatakang tanong ko. MWF kasi ang trabaho niya at minsa'y pumapasok din siya tuwing weekends. Biyernes ngayon kaya paniguradong may trabaho siya.

"Wala," sagot niya at bahagyang kinamot ang tungki ng ilong niya habang nagtitingin pa rin ng notes ko.

"Sige, magpapaalam muna ako kay Papa." Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si papa para magpaalam. Last last week lang noong niregaluhan ako nina mama nito para daw i-update ko raw sila palagi.

Ang weird nga. Pansin kong mas hinigpitan nila ako kaya minsan na rin akong makasama sa lakad naming magkakaibigan. Nakukulong na naman ako sa bahay kaya madalas na sila na ang pumupunta sa bahay para doon kami magbonding.

Narinig ko pa ang usapan nina tatay at papa na agahan na raw lagi ang sundo sa akin. Tinanong ko naman sila pero ang sagot lang nila sa'kin, mas mabuti na rin daw 'yon. Hindi ko naintindihan kaya nagtatampo ako sa kanila kasi umuunti ang oras naming magkakaibigan. Hiinayaan ko na lang kasi alam kong nag-aalala lang sila sa'kin.

Until Our Next EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon