Chapter 10

43 12 4
                                    

"Ano 'to? Overnight?" pagtatanong sa'kin ni Niel habang hawak ang checklist ko.

Kumakain kami ngayon ng lunch namin sa cafeteria. Kasama ko si Yvainne at Luan ngayon. Nakita kami ni Niel kaya nakikain na lang din siya sa'min. Buti ay hindi nagtampo noong iniwan namin siya kahapon. Busog na busog kasi ang tanawin sa mga chix niya kuno.

"Oo," sagot ko habang ngumunguya. Dinala ko kasi ito ngayon dahil nag-try ako ng hate kong ulam. Ampalaya! Pero dahil gusto kong macheck-an 'yung nasa checklist ko, nagtitiis ako sa ulam ko ngayon.

"Tara, overnight tayo sa inyo," biglang pagyayaya niya sa'kin na parang doon siya nakatira sa amin.

"Magkakalat ka lang do'n."

Gusto ko talaga sila ayain na mag-sleep over sa bahay namin. Iniisip ko pa lang na magpapaalam ako kina mama at papa, natutuwa na agad ako. Ngayon lang ako magpapakilala ng mga kaibigan, e! Naikwento ko na sa kanila once na may mga kaibigan na nga ako pero iba pa rin kapag naipakilala mo na 'no!

"Utot mo," pikon na sabi niya at nagbasa na lang ulit sa checklist ko. Tahimik naman na kumakain lang ang dalawa. "Bakit nga ulit may check din 'tong first crush mo?"

Agad nanlaki ang mata ko at nabulunan sa nabasa niya. Napatawa nang malakas si Yvainne at nabulunan din. Buti nga!

"Artista nga 'yan!" nahihirapan kong paliwanag pagkainom ko ng tubig. Inagaw ko na sa kaniya ang checklist ko kasi baka kung ano pang mabasa niya rito. Sinipa ko sa ilalim ng lamesa si Yvainne nang mapansing tumatawa pa rin ito. Kung ano-ano na naman kasi ang iniisip!

"Ah," nakangising sabi ni Niel. Napatingin naman ako kay Luan na nahuli kong nakatingin sa'kin bago tumingin kay Niel at ibalik ulit sa'kin.

"B-bakit?" Tumitig muna pa siya sa'kin at tumango nang dahan-dahan. Hindi ko mabasa ang iniisip niya! Baka nagseselos 'to kasi hindi niya alam na napag-usapan pala namin 'yung crush kong artista! "Wala 'yon, oy!"

"Okay." Tanging sinabi niya at kumain na ulit.

"Olats ka pala, e," rinig kong natatawang bulong ni Niel kay Luan.

"Hi!"

"Hello, Luan."

"Kumain ka na, Luan?"

"Bulaga!"

Nakakainis na! Kahapon pa niya akong hindi pinapansin. Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya. Kung hindi pilit na ngiti ang binibigay sa'kin, mabilis naman na maglalaho sa harap ko. Anong problema nito?

"Baka naman may nasabi ka sa kaniya?" tanong ni Yvainne habang kumakain ng tinapay.

Break time namin ngayon at nakita ko siya rito sa may bench kaya nakiupo na lang din ako. Hindi naman kasi sumama si Luan. Parang ewan.

Wala naman akong maalala! Napaka-bipolar din naman no'ng Luan na 'yon kaya hindi ko alam kung nang-aasar lang o ano.

"Wala akong matandaan. Hindi ko na naman siya nakausap nang maayos kahapon, e," nakakunot noo kong sagot sa kaniya. Noong pagkatapos namin kumain kahapon, hindi na kami nagkausap ni Luan. Umalis pa siya nang maaga kaya hindi na talaga kami nagkausap pa.

"Tanungin mo mamaya si Niel. Lagi na naman sila magkasama ngayon," suhestyon niya. Pansin ko rin na napapadalas na 'yung pagsasama ng dalawa. Mukhang nagkakaayos na rin. Tumango na lang ako sa kaniya at pinagpatuloy ang pagkain.

"Sino ba kasi 'yung crush mo?" biglang tanong niya kaya muntik na naman akong mabulunan. Tatawa tawa pa siya na mag-abot ng tubig.

"W-Wala nga. Si Sky 'yung nagsulat no'n," nahihirapan kong sagot sa kaniya. Nakita ko naman na ngumisi siya.

Until Our Next EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon