Chapter 5

47 15 3
                                    

"Sky, halika." Pinalapit ko siya sa kama ko nang mapansing nakasilip na naman siya sa pinto ng kwarto ko. Natatakot man, lumapit pa rin siya sa'kin. Pansin kong malapit na siyang umiyak.

Kinuhanan na ulit ako ni Mama ng bone marrow kasama 'yung mga nurse. Nang mapatingin ako sa pinto, nakita ko na naman na nakasilip ang bunso kong kapatid.

"Don't cry, Sky. I thought you're a strong boy, huh?" Hinang hina man ako, pinilit kong patatagin ang boses ko kasi ayokong makitang umiyak ang kapatid ko.

"I'm sorry, Ate.... M-Maybe i should be the one t-there, not you," pag-iyak niya kaya natigilan ako. Sa murang isip pa lang niya, ayan na agad ang nakatatak sa kaniya.

"Don't say that, Sky. Hindi na kita bati."

Hahawakan ko sana ang kamay niya nang tumakbo na siya palabas ng kwarto ko kaya naiwan na naman ako rito sa kwarto na mag-isa habang dinaramdam ang sakit ko.

Sa paraang pagtingin pa lang nila sa'kin, nararamdaman ko na agad ang awa nila sa'kin. Na parang hanggang ganito na lang ako. Laging intindihin at pabigat sa buhay. Ewan, 'yon ang nafe-feel ko. Masisisi ba nila ako kung ganoon ang nakikita ko sa kanila? Masisisi ba nila ako na mismong ako, ganoon ang tingin sa sarili ko?

"Wow! Nagising ba ang natutulog mong diwa at nalaman mong wala ka sa North Pole?" pang-aasar ko kay Luan pagkaupo ko pa lang.

Wala kasi siyang jacket na lagi niyang suot. Naka-uniform na lang siya ngayon. Infairness, maputi pala siya. Ngayon ko lang siyang nakitang walang jacket. Makapal pa rin ang may natural na kakulutan niyang buhok na tumatakip sa noo niya. Hindi naman sobrang kulot, wavy lang. May hati naman sa gitna kaya kita pa rin ang partne ng noo niya.

Tinanong ko kasi siya noong isang araw kung bakit ba lagi siyang naka-jacket, sabi naman niya trip niya lang daw. Lakas naman ng trip niya sa buhay.

"Bakit nga kasi lagi kang naka-jacket?" pangungulit ko pa ulit sa kaniya. Wala pa ang sunod naming prof kaya dinaldal ko na naman siya. Sanay na naman siya na lagi ko siyang kinakausap.

"Pang-ilan na 'yan," sagot niya habang pinaglalaruan ang ballpen niya. Pinaikot-ikot niya pa 'to sa daliri niya.

"Kumusta na 'yung kapatid mo?" pag-iiba ko na lang ng usapan. Dalawa lang din silang magkakapatid kagaya ko.

"Ayos lang," pagsagot niya.

"Ang magulang mo?"

"Ayos lang."

"Ang mga kapitbahay n'yo?"

"Ayos lang."

"Saya mo kausap, 'no?" sarkastikong sabi ko sa kaniya. Napabaling ang tingin niya sa'kin at natawa nang mahina. Nilagay niya pa ang kamao niya sa bibig niya bago nagpekeng ubo. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Akala mo naman nakikipagbiruan. Kung kailan seryoso ako, saka naman aandar ang kalokohan!

"Kulit mo," sagot niya at pinitik pa ang noo ko.

"Aray! Nagtatanong lang! Kailangang mamitik?" sabay hawak sa noo. Napakalakas kasi mangpitik! Baka sa susunod, ang utak ko natanggal na sa ulo ko. Nakita kong tumatawa siya dahil para na akong pinagsakluban ng langit at lupa. Agang aga pa naman!

"Hilig mong tumawa ngayon, ah. Siguro may crush ka na 'no? Sino 'yan, ha? Hindi ko ipagsasabi, promise," bulong ko sa kaniya at lumapit pa ako para kunwaring sikreto ang sasabihin niya. Bihira 'tong tumawa. Kahit lagi akong nagsasabi ng mga jokes sa kaniya, titingnan niya lang ako na parang nababaliw na ako.

"Paanong hindi mo ipagsasabi, tayo lang naman lagi ang magkausap?" pang-aasar niya sa'kin. Grabe 'to! Na-hurt ako slight! Kung kailan ang hahaba ng mga sinasabi sa akin, puro naman pang-aasar!

Until Our Next EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon