Chapter 16

42 14 0
                                    

"Baduy ng christmas party natin 'no?" ani ng isang babae.

"Kaya nga... hindi by section, amp. Ano kaya 'yon," sagot naman ng isang lalaki. Halatang magkausap sila ngayon. "Okay na rin pala 'yung buong campus magc-celebrate, baka makahanap pa ako ng chix," dagdag pa nito.

"Ah, talaga ba, Niel? Pakyu," nahihimigan ko ang inis sa tono ng babaeng kausap niya.

"Joke lang, 'to naman. Selos ka, baby?" malokong saad ng lalaki.

"Ew! 'Wag ka nga maingay, baka magising si Sol."

Nang marinig ko ang pangalan ko sa bulungan nila, unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Nagising ako sa bulungan nila. Bulong pa pala 'yon.

Ginala ko ang aking paningin sa paligid at napagtanto kong wala ako sa kwarto ko. Unti-unti ko na rin na naramdaman ang kumikirot na kamay ko kaya napalingon ako rito at nakitang nakaswero ako.

"Sol?"

Natigil lang ang pag-iisip ko nang tawagin ako ni Niel. Napalingon din sa akin si Yvainne at gulat na gulat silang makitang gising ako. Napakunot naman ang noo ko.

"Luh, gising ka na nga. Tumambay ka pa ba sa ice cream world?" muling pagsasalita ni Niel. Lalo naman akong nagtaka sa mga pinagsasabi niya.

Magsasalita pa sana ako nang dali-daling lumapit sa'kin si Yvainne at yakapin ako nang mahigpit. Nagulat pa ako nang maramdaman kong umiiyak siya sa balikat ko.

"Kainis ka," bulong niya at mas lalo akong niyakap. Napatingin ako kay Niel na mamamatay na katatawa habang nakaturo ang hintuturo kay Yvainne.

"A-Ano bang nangyari?" pagsasalita ko. Umayos na si Yvainne at tumayo sa harapan ko habang pinupunasan ang mga luha niya. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak nang ganito.

Natigil lang ang panonood ko sa kaniya nang marinig na bumukas ang pinto. Pumasok ang dalawang nurse at sumunod si mama na abala sa pagtingin sa chart niya.

"Kumusta na ang ak-"

Hindi na niya natapos ang pagsasalita niya nang tumingin siya sa akin at gulat na makitang nakatingin ako sa kaniya. Dali-dali siyang tumakbo at sinalubong ako ng yakap.

"Anak... gising ka na," naluluha ring saad ni mama.

"A-Ano pong nangyari?" muli kong pagtatanong. Humarap sa akin si Mama at pinunasan ang kaniyang mga luha.

"Masyadong napagod ang katawan mo... Isang linggo kang tulog, anak."

Tila nahugot ang hininga ko sa huling sinabi niya. Huling naalala ko ay 'yung pagtingin namin ng grades namin at hanggang doon na lang 'yon.

"Antayin na lang natin ang Papa mo... m-may sasabihin kami sa'yo," ani mama kaya tumango na lang ako kahit naguguluhan sa mga asta nila. Chineck pa niya ako at nagtagal para kausapin ako. Nagpaalam na rin siyang tatawagin muna si papa para ibalitang gising na ako. Sumunod naman sa kaniya si Yvainne.

"Nahimatay ba ako noong tinitingnan natin ang grades natin?" pagtatanong ko kay Niel na naiwan.

"Hindi mo naaalala?" takang tanong ni Niel kaya umiling na lang ako. Magsasalita pa sana siya nang bumukas ulit ang pinto at pumasok si Luan na nakajacket at tila pinagsakluban ng langit at lupa.

Hindi siya lumilingon sa amin at pabagsak na inuupo ang katawan niya sa couch. Mukhang pagod na pagod siya. Napabuntong hininga na lang ako nang mapansing nakajacket siya at sumagi sa isip ko ang rason noon.

Napatingin ako kay Niel nang sumenyas siya sa akin. Nilagay niya ang hintuturo sa bibig niya na animo'y pinapatahimik ako. Bumaling muli siya kay Luan na nakatingala at nakapatong sa sandalan ng couch ang batok niya.

Until Our Next EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon