Chapter 20

30 6 0
                                    

"Aray ko," daing ni Niel nang higitin ni Yvainne ang buhok niya, pinagewang-gewang pa ang ulo nito. Hinigit pa ni Yvainne nang isang beses bago niya ito pinakawalan. Napahawak naman sa ulo niya si Niel.

"Gago ka talaga," nanginginig ang boses na sagot sa kaniya ni Yvainne. Napatingin ako sa kaniya at nakitang naluluha na nga siya. Napansin din 'yon ni Niel kaya natataranta siyang lumapit kay Yvainne, parang nakalimutan bigla ang sakit ng anit niya.

"Alam ko." Napasapo naman ako sa noo ko nang marinig ang sagot na iyon ni Niel. Kahit kailan talaga napakapilyo! Hinampas tuloy siya sa braso ni Yvainne.

Nanonood lang ako sa kanilang dalawa. Napalingon ako rito sa katabi ko at nakitang nanonood din siya pero nang mapansin nakatingin ako sa kaniya, mabilis siyang lumingon at tinaasan ako ng dalawang kilay, nagtatanong.

"Bakit?" bulong pa nito. Ngumiti naman ako nang tipid bago umiling. Nilipat ko ulit ang atensyon ko kina Niel at Yvainne. Saktong pagbaling ko naman, napatingin sa akin si Yvainne.

Umawang ang mga labi ko nang dali-dali siyang lumapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit gaya nang ginawa niya kanina kay Niel. Napahiga tuloy kami sa sahig. Narinig ko na ang iyak niya sa balikat ko.

"I'm sorry, Sol. H-Hindi ko sinasadya 'yung mga sinabi ko sa'yo... lalo na 'yung nagawa ko. I'm sorry talaga," humihikbing bulong niya sa akin. Tinapik ko naman ang likod niya at marahan itong hinaplos.

"I'm sorry din... sa lahat din ng mga nagawa ko," sagot ko sa kaniya, naluluha na rin. Mas hinigpitan niya tuloy ang yakap niya sa akin. Niyakap ko rin siya pabalik dahil sobrang na-miss ko talaga siya. Hindi lumipas ang isang araw nang hindi ko siya naiisip. Atleast ngayon, parang may isang tinik ang natanggal sa puso ko.

Kumawala na rin siya pagkatapos at tinulungan akong umupo nang maayos. Hinawakan na lang niya ang mga kamay ko. Lumapit naman nang bahagya sa akin si Luan para punasan ang luha ko.

"Nabulag lang ako ng g-galit at sakit nang makita ko 'yon... I'm sorry," paghingi niya pa ulit ng tawad. Alam ko naman na hindi niya talaga 'yon sinasadya. Nag-alala lang siya sa akin at nabigla sa nakita niya.

Lumipas ang oras at nandito pa rin ako sa rooftop, kami na lang dalawa ni Luan. Kanina pang umalis sina Niel at Yvainne, para na rin siguro magkalinawan silang dalawa. Binigyan na lang namin sila ng privacy at time para sa isa't isa. Isang oras na lang at aalis na 'yung isa, kahit isang oras man lang, magkausap sila nang maayos.

"Nasaan na kaya 'yung dalawa?" pagtatanong ko kay Luan, nakakacurious pa rin. Ramdam kong lumingon siya sa akin pero nakatingin pa rin ako sa langit, nakatungkod ang dalawang kamay sa gilid ko bilang suporta sa bigat ko. Ganito rin ang upo niya kagaya ko.

Nagkausap na naman sila 'no? Inamin na ba nila 'yung feelings nila sa isa't isa? Nagd-date kaya sila ngayon? Kinilig naman agad ako!

Napansin yata ni Luan ang paiba-iba kong ekspresyon sa mukha dahil alam kong nakatitig siya sa akin. Rinig ko pang tumawa siya nang mahina kaya kunot-noong tiningnan ko siya. Lumapit siya nang bahagya sa akin at hinawakan na lang ang kamay ko.

"Mas kinikilig ka pa sa dalawa," mahinang sagot niya sa akin. Natawa rin ako nang mahina bago umayos ng upo, humarap sa kaniya. Taas-kilay niyang nilipat ang tingin niya mula sa kamay ko patungo sa mata ko. Para akong nahuhulog nang malalim sa tuwing tinitingnan niya ako nang ganoon.

Inangat niya ang isang kamay niya at inayos ang suot kong bonet. Pagkatapos noon, nginitian niya ako nang makitang nakatitig ako sa kaniya.

"Ang ganda mo," mahinang sabi niya. Natawa ulit ako pero pilit lang.

"Ako? Maganda? Naglalagas na nga ang buhok ko, e. Tingnan mo 'tong katawan ko, ang payat-payat na. Oh, pati itong mukha ko. Hindi mo ba nakikita 'yang mga eyebags na 'yan? Ito pang-"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 01, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Until Our Next EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon