Chapter 12

41 12 0
                                    

"Sabi niya, sasamahan niya raw akong gawin 'tong nasa checklist ko," sagot ko sa kaniya matapos namin manahimik. Ramdam ko naman na bumaling ulit siya ng tingin sa akin.

"Ows? Bakit daw?"

"E-Ewan ko."

"Kilig ka naman," pang-aasar niya kaya kunot noo ko siyang tiningnan. Namumula pa nang bahagya ang pisngi ko.

"Hindi, ah!" tanggi ko agad. Tumawa lang siya.

"Sige, sabi mo, e. Tara na, magpahinga ka na," yaya na niya at tumayo kaya sumunod na lang din ako sa kaniya. Pagkapasok, napatingin agad ako kay Luan. Kumunot ang noo ko nang makitang nagbubulungan sila ni Niel.

Hinayaan ko na lang sila at pumunta na lang sa kama ko para magpahinga. Nakita ko pang lumingon dito si Luan pero mas pinili ko na umiwas ng tingin kasi nahihiya pa rin ako sa kaniya. Ipinikit ko na lang ang mata ko at inantay na kainin ako ng antok.

Dapit-dahpon na nang magising ako. Wala na si Yvainne pagkagising ko kanina, babalik din naman daw ulit siya mamaya. Si Niel at Luan na lang ang kasama ko rito. Mukhang umuwi muna saglit kasi iba na ang mga suot nilang damit.

"Psst," sitsit ko kay Niel na nakaupo lang sa couch at naglalaro sa kaniyang phone. Wala rin si Luan, lumabas muna para bumili ng kape. Napatingin naman din agad siya sa'kin at lumapit.

"Oy, bakit? Gusto mo uminom? Luh, asa ka," sagot nito habang lumalapit. Napairap naman ako. Loko talaga.

"Bakit nandito pa kayo? Hindi ba kayo hinahanap sa inyo?"

Hindi ko naman kailangan ng taga-bantay pero ayoko rin na maiwan na mag-isa rito sa hospital. Wala rito si Mama kasi may trabaho pa siya. Wala rin dito ang kapatid ko kasi takot siya sa hospital. Nasa bahay lang, kasama sina Nanay Sita.

"Maghahanap kami ng ligaw na kaluluwa rito. Anong akala mo? Babantayan ka namin? Luh, as-" Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang batuhin ko na siya ng unan sa mukha. Inambahan niya ako na ibabato niya rin sa mukha ko ang unan pero hindi niya ginawa. Binato niya lang malapit sa paanan ko. "Malamang babantayan ka namin. Alangan naman na ikaw magbantay sa'min."

"Isa pa, itong kama na ang ihahagis ko sa'yo," inis kong sabi sa kaniya. Tumawa lang siya nang malakas at pabirong nilabas pa ang dila. "Hindi ka ba hinahanap sa inyo?" Pumunta muna siya sa lamesa para kumuha ng tubig.

"Hindi naman," sagot niya pagkabalik bago ibigay sa'kin ang tubig. Ininom ko muna ito at nagtanong ulit.

"Bakit?"

"Hindi naman ako hinahanap, 'yaan mo na. Daldal mo," sagot niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Saya talaga kausap nito pero atleast, mabait naman siya kahit papaano. Wala rin akong masyadong alam tungkol sa kaniya. Hindi naman kami nagkaroon ng maayos na usapan nito, puro asaran at pikunan lang. Hindi ko rin ine-expect na magbabantay talaga siya rito sa akin.

Laking pasasalamat ko talaga na nakilala ko sila. Kasi kung hindi, wala sila ngayon dito para alagaan ako. Dati, tinitiis kong mag-isa ang sakit. Wala akong karamay. Kahit pa and'yan sina Mama at Papa, wala rin naman madalas kasi may mga trabaho rin sila at pasyente. Ngayon, may tatlo ng asungot sa buhay ko na alam kong sasamahan na ako.

Napangiti na lang ako nang palihim. Hindi na rin ulit kami nag-usap ni Niel kaya naglaro na lang ako sa iPad ko. Maya-maya pa, bumukas ang pinto at pumasok na sina Yvainne at Luan. May dalang kape si Luan samantalang si Yvainne, may dalang bag. Linggo ngayon kaya dinala na raw nila ang mga uniform nila para bukas.

Sabi ni Papa, hindi pa raw ako pwedeng umuwi. Kahit pa sa bahay, wala rin naman masyadong kagamitan pang-hospital roon kahit pa nagc-chemo ako roon kaya mas pinili na lang na i-admit ako rito. Matitingnan niya rin daw ako rito kahit papaano.

Until Our Next EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon