Chapter 1

117 20 5
                                    

"Soleil, ang gamot mo!"

Rinig kong sigaw ni Mama mula sa kusina. Nandito ako ngayon sa sala kasama ang aking limang taong gulang na kapatid habang inaabangan ang palabas sa tv.

"Mamaya po! Magsisimula na 'to, 'Ma," sigaw ko pabalik at mas tinuon ang atensyon sa tv. Paborito ko kasi 'to!

Ito na 'yung moment na nagkasakit iyong bidang babae at gusto na niyang palayain iyong kasintahan niya, which is 'yung bidang lalaki. Ayaw niya raw matali 'yung lalaki sa kaniya na walang kasiguraduhan ang kaniyang buhay.

Hindi ko pinansin si Mama pero nang marinig ko ang malakas na buntong-hininga niya, dali-dali na akong tumakbo sa kusina para inumin ang gamot na hinanda niya. Naabutan ko pang nakapamewang habang hawak ang sandok, masama ang tingin sa akin.

"Eto na nga, oh... iinumin na po. Smile na," pagpapacute ko at ininom na ang gamot ko. Inismiran niya lang ako kaya natawa na lang ako pagkalapag ko ng baso sa lamesa.

Bilang isang labing pitong anyos pa lamang, nakikipaglaban na ako sa sakit na myeloma. Hindi na rin lingid sa kaalaman ko na walang lunas para dito at kahit anong oras, maaaring lumala ang kondisyon ko.

Parang... iyong bidang babae lang sa paborito kong palabas.

Though ganito ang kalagayan ko, nagagawa ko pa rin naman ang mga normal na ginagawa ng isang kabataan katulad ko. Charot.

Nandito lang ako buong buhay ko sa bahay. Parehong doctor ang aking mga magulang kaya mas pinili na lamang nilang dito na lang ako at hindi na i-admit sa hospital. Bantay-sarado pa rin naman ako ng nurse at ni Mama, since siya lagi ang mas may time para intindihin kami.

Mahirap, masakit, nakakapagod. E, ano pang magagawa ko, nandito na 'to sa katawan ko. Kung pwede ko lang tirisin 'to, matagal ko nang ginawa.

May pagkakataon din na gusto ko nang sumuko sa sobrang sakit, pero pilit kong kinakaya kasi gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pang gawin ang mga pangarap ko.

"Ate, come here na!" Narinig ko ang sigaw ni Sky mula sa sala kaya hinalikan ko na lang sa pisngi si Mama at nagtatakbong pumunta sa tabi ng kapatid ko.

Nasa tapat na kami ng gate ngayon at hinahanda ko na ang sarili ko para sa pagpasok ko sa school.

"Sol, 'wag mong kakalimutan 'yung mga bilin ko sa'yo, ha. 'Yung gamot mo, nasa bag mo na ba? Pumunta agad sa clinic pa-"

Hinarang ko na agad aking hintuturo sa bibig niya para hindi na siya makapagsalita pa. Nagsalubong tuloy agad ang mga kilay niya.

Pang-isang daan na yata niya 'yan sinasabi sa'kin! Alam ko naman na hindi basta-basta ang sakit ko pero nakakayanan ko naman!

"Ma, relax, okay? Kaya ko 'to. Sabi na nga ng ibang doctor 'di ba, kakaiba ang katawan ko kasi nakakayanan ko itong sakit na 'to. Hindi basta-basta ang katawan ko, okay? Ano ba... may wonderwoman kayong anak. Dumi lang sa'kin 'to," birong saad ko sa kaniya. Inangat ko pa ang braso ko, pinapakita ang muscles ko roon kahit wala naman.

Nagsimula ang sakit ko noong limang taong gulang pa lang ako. Nakita raw ako nina Mama sa kwarto ko na dinudugo ang ilong at wala nang malay kaya sinugod nila ako sa hospital. Doon nila nalaman na may myeloma na nga ako.

"Anak naman."

"Ma naman," panggagaya ko sa sinabi niya. Nakita ko pa ang pagtutol sa mga mata niya pero wala na siyang magawa kasi gusto niya rin ako maging masaya. Alam niyang ito ang makakapagpasaya sa akin.

"Oh siya, sige na. Take care, okay? Tawagan mo kami kung makaramdam ka agad ng pain. Please. Sol."

"Opo... bye na," paalam ko na at hinalikan siya sa pisngi. Sobrang thankful kasi ramdam na ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin.

Until Our Next EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon