Chapter 14

56 14 0
                                    

"Ayos na ba ang gamit n'yo, Sol?" pagtatanong ni Tatay Nestor.

"Opo, aantayin na lang 'yung isa naming kasama," sagot ko kaya tinanguan niya na lang ako at inayos ang sasakyan.

Nandito kami ngayong tatlo sa tapat ng bahay namin. Kami lang ni Luan at Yvainne, wala pa si Niel, mukhang late na naman. Madaling araw pa naman kasi ngayon.

Nag-aya akong mag-roadtrip, buti na lang pinayagan ako ni Papa kasi kasama ko naman si Tatay Nestor na magbabantay sa'kin. Marami lang bilin sa'kin dahil na nga sa nangyari sa akin noong isang buwan. Unang araw naman ng sembreak ngayon at wala rin silang mga ginagawa kaya sumama na rin sila. Buti na lang din at pinayagan sila.

Habang inaayos ko ang mga gamit sa likod ng sasakyan, nakita kong papalit dito si Luan, natawa pa sa mukhang pinapakita niya. Nakakunot ang noo at salubong na salubong ang kilay.

"Daya mo," sabi niya pagkalapit kaya mas lalo akong natawa sa kaniya. Naka-pants at light blue na polo shirt lang siya. Halatang iniba niya ang ayos ng buhok niya dahil nakagawi ito palikod kaya exposed ang noo niya, may ilang hibla pa ng buhok na nakababa. Suot niya pa rin ang kaniyang salamin. Lumapit ako sa kaniya at pabirong nilabas ang dila ko.

"Ble," pang-aasar ko pa at iniwanan siya ro'n mag-isa.

Naalala ko ang nangyari kahapon. Kinilig na naman ang buong sistema ko. Ang dami ganap ni Luan kahapon. Akala ko ay okay na 'yung pag-amin niya noong nasa hospital kami pero bigla siyang gumano'n kahapon. Sinabi niya rin na aayain niya raw ako dapat ngayong lumabas pero ang nangyari, lahat sila ang inaya ko kaya nagtatampo siya sa'kin ngayon.

Naiiling na ngumiti na lang ako at lumapit kay Yvainne na humihikab, mukhang inaantok pa. Naka-highwaist jeans at light brown long sleeve off-shoulder siya. Pansin kong humaba na rin ang buhok niya kasi nakatali ito sa messy bun, mas bagay sa kaniya. May denim blazer pang nakasuot dahil malamig pa ngayon. Samantalang naka-yellow floral dress lang ako na hindi lalapagpas sa tuhod at white sneakers. Nakalugay lang naman ang mahaba kong buhok.

"Pumasok ka na kaya sa kotse para matulog," sabi ko pagkalapit ko sa kaniya. Lumingon naman agad siya sa'kin.

"Okay lang. Inaantay ko lang si Niel," inaantok na sagot niya. Nanlaki naman ang mata ko sa narinig ko. Napansin niya siguro na iba ang iniisip ko kaya hinigit niya ang buhok ko. Hinawakan ko 'yon at sinamaan siya ng tingin.

"Kung ano ano iniisip mo, sasabunutan ko lang 'yon dahil ang tagal niya ngayon!" aniya. Natawa naman ako. "Ikaw nga hindi nagsasabi sa'kin, e," naningingkit ang matang pag-aakusa niya sa'kin kaya natigil din kaagad.

"Lagi mo kasing kasama si Niel," pag-iiba ko ng topic. Nakita ko naman ang pandidiri sa mukha niya.

"Girl, lagi kasi kayong magkasama ni Luan kaya napag-iiwanan ako!" reklamo niya. Inasar ko pa siya nang inasar kahit nakikita kong napipikon na siya.

Natigil lang kami nang matanaw na si Niel palapit sa'min. Naka-black ripped jeans at plain brown oversized tshirt lang siya. Nakatali pa rin ang buhok niya at may silver dogtag na suot. Napasapo ako sa noo ko nang makitang wala man lang dalang kahit na ano pagkababa ng sasakyan nila. Stuffed toy na dolphin niya lang, mukhang inaantok pa Napamasahe na lang ako sa sintido ko.

"Tara na. Bakit kasi ang aga ng usapan?" humihikab na tanong niya. Lumapit sa kaniya si Yvainne at hinila agad ang tenga niya. Nag-aaway na naman. Naningkit ang mata ko nang mapansing terno sila ng suot ngayon.

"Sadyang kupad ka lang kasi! Wala ka man lang dinala kahit ano!?"

"Aray!" nahihirapang sagot ni Niel. Lumayo agad siya kay Yvainne at niyakap nang mahigpit ang dolphin niya. "Huh? Required ba? Akala ko attendance lang ang kailangan."

Until Our Next EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon