Chapter 9

40 12 5
                                    

Nakatitig lang ako kay Luan hanggang sa mapatingin siya sa amin at lumapit din sa pwesto namin. Napatingin siya sa akin nang mapansin na nakatitig ako sa kaniya.

"Hi," naiilang niyang bati sa akin at pinisil pa ang ilong ko. Binati niya rin 'yung dalawa na hanggang ngayon ay nag-aaway pa rin pero hindi siya pinansin. Pansin niya yatang nakatitig pa rin ako sa kaniya kaya napatingin ulit siya sa'kin. Nagtataka na.

"May dumi ba sa mukha ko?" Hindi na siya nakatiis.

Bakit hindi ka nagsasabi sa'kin? Sa amin? Bakit ka gan'yan? Bago ko pa malaman na gan'yan na pala ang nararanasan mo, hindi mo pala sasabihin sa'kin? Gustong gusto kong itanong sa kaniya 'yan pero tahimik na umiling na lang ako. Baka maweirduhan siya sa akin. Tunog demanding. Sabay na kaming pumasok sa room at iniwan ang dalawa roon na nag-aaway pa rin.

Nang makaupo, pinagmasdan ko agad siya na naglalabas lang ngayon ng libro. Napansin niya sigurong nakatingin ako kaya humarap din siya sa akin.

"Kanina ka pa. May sasabihin ka ba?" pagtatanong niya. Pinagmasdan ko muna ang mukha niya at tiningnan kung may pasa ba siya roon. Buti naman at wala kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Pumunta ako sa pinagt-trabahuhan mo kahapon," sabi ko sa kaniya at napansin kong natigilan siya.

"Ah. Alam mo na pala. Sinong nagsabi sa'yo?" mahinahong pagtatanong niya sa'kin.

"Bakit ka naka-jacket?" tanong ko sa kaniya, inignora ang tanong niya sa'kin. Umiwas siya ng tingin sa akin at tumingin sa kaniyang libro.

"Trip ko lang," sagot niya. Umiwas na lang din ako ng tingin at hindi na siya pinansin. Dumating na rin ang prof at nagsimula na.

Alam ko na kung saan siya magaling, sa pagtatago. Akala ko sa klase lang siya magaling, dito rin pala. Hindi ko pa malalaman kung hindi pa may magsasabi sa akin, e. Ganoon ba siya katamad magsalita para lang mag-open up minsan?

Gusto kong mainis pero mas iniisip ko na baka hindi niya lang talaga ugaling magkwento. Wala pa rin naman akong masyadong alam sa kaniya kaya ayokong manghusga agad. Baka makapagsalita pa ako sa kaniya ng kung ano-ano kaya nanahimik na lang ako.

"Ano 'yan?" tanong ni Niel doon sa kulay black kong notebook.

Huling araw na ng punishment namin ngayon. Nilabas ko kasi ang mga gamit ko para mag-aral. Tapos na kaming maglinis at magbabantay na lang.

"Checklist ko," pagturo ko sa tinatanong niya.

"Para saan 'yan?"

"Wala lang. Gusto ko lang gawin. First and Last tawag ko d'yan. And'yan 'yung mga una kong ginawa at gagawin pa lang sa buong buhay ko. Tingnan mo."

Inabot ko sa kaniya 'yon. Halatang bored na rin siya kaya nangingialam na ng mga gamit ko. Nakaclip pa nga siya ngayon na pink, e. Si Yvainne naglalagay no'n sa buhok niya.

Nakitingin din si Yvainne sa kaniya. Wala naman din siyang ginagawa at nakatambay lang din. Nasa cafeteria naman si Luan, bumibili ng snacks namin.

"First time mahulog sa kanal?" natatawang pagbasa ni Yvainne sa nakagalay sa checklist ko. Napailing na lang ako nang pagkaisahan nila ako.

14 years old ako at that time. Nag-aaral pa lang ako mag-bike no'n. Pauwi na ako nang magdere-deretso ako sa kanal. Hindi umilag 'yung kanal, e. Kasalanan ko pa ba 'yon.

"First guidance," malakas na tawa ni Niel. Wala akong nagawa kun'di ilagay 'yon kasi unang experience ko talaga na ma-guidance. Tulay rin 'yon ng pagkakaibigan naming apat. Napangiti ako nang palihim. Agad ding nawala noong may mabasa si Yvainne.

"First crush," maloko niyang sabi at tumingin sa'kin. Nanlaki naman ang mata ko at agad na hinablot ang checklist ko sa kanila. Dapat talaga hindi na ako pumayag na ipahiram 'to, e!

Until Our Next EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon