Chapter 13

58 13 8
                                    

"Hay, thank you, Lord! Sembreak na rin sa wakas!" malakas na sigaw ni Yvainne pagkalabas namin ng campus, uwian na. Napatingin tuloy sa kaniya ang ilang dumadaan din.

October na ngayon at parang kailan lang ay unang araw pa lang ng pasukan. Parang kailan lang din noong nagkakilala kaming apat.

Last month lang noong na-discharged ako sa hospital. Simula noon, madalas nang sumakit ang likod ko pero pinagsasawalang-bahala ko na lang kasi sanay na ako. Ayoko rin sabihin sa magulang ko.

Simula rin noon, masasabi kong mas naging malapit kami ni Luan bilang...kaibigan. Hindi ko alam kung anong label pero hanggang bilang kaibigan na lang muna kahit pa na umamin siyang gusto niya ako. Ramdam ko rin ang mga pahaging niya sa'kin. Tulad ng simpleng paghawak sa kamay ko, pagtitig sa'kin tapos kapag nahuli ko siya, iiwas ng tingin at ngingiti mag-isa. Baliw lang.

Hindi ko naman inaamin na ganoon din ang pagtingin ko sa kaniya. Hindi naman na siya nagtanong tungkol doon.

"Asal ba 'yan ng mabuting estudyante, ha," sagot ni Niel, may dala pang milktea. Katabi ko si Luan na tahimik lang na naglalakad. Sasamahan namin siyang sunduin ang kapatid niya. Maaga naman kaming pinauwi ngayon.

"Wow! Nagsalita ang mabait," panggagatong ni Yvainne, pinaparinggan si Niel. Hindi na talaga nagkasundo ang dalawang 'to. Ewan ko na lang kung magkatuluyan 'tong dalawa.

Napailing ako at hinayaan silang magtalo roon. Lumingon na lang ako kay Luan nang mapansing tahimik 'to.

"Tahimik mo." Napalingon din siya sa'kin matapos kong sabihin 'yon. Nginitian niya naman ako.

"Wala."

"May problema ka ba? Pwede ka naman magsabi sa'kin," kunot noo kong tanong sa kaniya.

"May iniisip lang. Bakit? Crush mo na ako?" pabirong sagot niya kaya inirapan ko siya. Tinawanan niya lang ako at mas lalong lumapit sa tabi ko. Maya-maya pa, nagsalita ulit siya.

"Saan ka ngayong sembreak?"

"Sa bahay lang. Ikaw?" Wala naman akong ibang pupuntahan kundi sa bahay lang. Makikipaglaro na lang ako sa kapatid ko at manonood ng movies.

"Pwede ka bang yayain lumabas, Sol? Ipinagpaalam na kita sa Papa mo... noong nasa hospital pa tayo," tanong niya kaya nagulat na napatingin ako sa kaniya. "Gawin natin 'yung nasa checklist mo. May naisip na akong pupuntahan natin," sabi pa niya.

"Tayo lang ba?" pagtatanong ko at tumingin pa sa dalawa na hanggang ngayon ay nag-aasaran pa rin. Nang ibalik ko ang tingin sa kaniya, salubong na agad ang kilay niya. Napakunot tuloy ang noo ko.

"Sabi mo tayo lang dalawa," nakangusong sagot niya. Tumitig ako sa kaniya at kinagat ang loob ng pisngi ko para pigilan ang pagngiti ko.

"Nag-iinarte ka na, ha," natatawang sabi ko sa kaniya. Binigyan niya ako ng masamang tingin bago kunin ang kamay ko at paglaruan. Inipit niya sa dalawang kamay niya ito at tine-trace ang bawat daliri ko. Hindi ko naman iniisip na nagt-take advantage siya dahil umamin siyang may gusto sa akin. Noon pa man, naging ganito na talaga kami kakomportable sa isa't isa.

"Sa'yo lang," natatawa ring sagot niya.

"HHWW, ampucha," rinig kong bulong ni Niel kaya binawi ko agad ang kamay ko kay Luan. Umiwas din ng tingin si Luan at inayos ang suot niyang salamin.

"Inggit ka lang," ani Yvainne sa kaniya.

"Sus, alam kong gusto mo rin hawakan ang kamay ko," sagot sa kaniya ni Niel. Mag-aaway na naman 'to panigurado. "Oh, ito na. Ang dali-dali lang magsabi ng, 'Niel, naiinggi-'"

"Alam mo, kailangan na yatang buhusan ng alcohol 'yang bibig mo. Napakarumi!"

Nagpatuloy pa kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa school ng kapatid ni Luan. Pumasok siya sa loob kaya nag-antay na lang kami rito sa labas. Maya-maya pa, lumabas na rin siya hawak ang kamay ng isang batang babae. Maikli lang ang buhok niya pero naka-full bangs siya. Ang cute!

Until Our Next EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon