Chapter 11

51 14 7
                                    

Ang ingay!

Napadilat ako nang wala sa oras. Inilibot ko ang mata ko sa paligid at napansin na wala ako sa kwarto ko. Napatingin ako sa katawan ko dahil nakaswero na ako at naka-hospital gown. Napalingon ako sa gilid ko nang mapansing may nagtatalo roon na parang aso at pusa.

"Punta nga tayo sa EK ngayon! Nakalagay kaya, oh, 'First EK trip'," rinig kong sabi ni Niel, gulo-gulo pa ang mahaba niyang buhok.

Sila pala 'yung maiingay. Napababa ang tingin ko sa hawak niya at napansing hawak niya ang checklist ko. Paano napunta sa kaniya 'yon?

Inilibot ko ulit ang mata ko sa paligid at napagtantong nasa hospital ako ngayon. Tanghaling tapat na rin dahil sa liwanag ng sikat ng araw na nanggagaling sa balcony.

"Siraulo ka ba? Alam mo naman na naka-admit sa hospital tapos pupuntang EK?" rinig kong sagot sa kaniya ni Yvainne. Napatingin ulit ako sa kanila at kunot noong pinanood sila. Nahuli ko pang hinigit ni Yvainne ang tenga ni Niel.

"Aray ko, gago!" reklamo niya agad at inambahan si Yvainne. "Eto, 'First roadtrip'," sabay turo ulit sa checklist ko.

"Gosh, bakit may kaharap akong may sira sa utak?" reklamo rin ni Yvainne. Napailing na lang ako sa kanilang dalawa.

Tatawagin ko na sana sila nang maramdamang may gumalaw sa tabi ko. Natigilan ako nang makita si Luan na nakaupo habang nakayukong natutulog sa kama ko.

Hindi niya suot ang salamin niya ngayon kaya malaya akong pagmasdan ang mukha niya. Naramdaman ata niya na may nanonood sa kaniya kaya nagising siya. Napatingin siya sa akin at nanlaki ang mga mata.

"Sol, anong masakit?" deretsong tanong niya sa akin at inalalayan pa ako. Narinig yata ng dalawa 'yung sinabi niya kaya napatingin din sa akin.

"Tawagin ko lang ang nurse," sabi ni Yvainne at lumabas. Lumapit naman sa akin si Niel, parang basang sisiw. Hinawi niya sa likod ng tenga niya ang buhok niya, malungkot pa rin ang mukha.

"Sorry," malungkot niya pang sabi. Nagtaka naman agad ako. "Sorry kasi nagkagan'yan ka noong lumapit ka sa'kin. Masyado ka yatang naapektuhan sa kagwapu-"

Hindi na niya natapos ang sinasabi niya nang batukan siya ni Yvainne pagkalapit sa amin.

"Aray, ah! Kanina ka pa," naiinis nang sagot sa kaniya nitong baliw na lalaking 'to. Nakanguso na siya ngayon. Nagsalubong naman ang kilay ko sa hitsura niya. Hindi naman siya pinansin ng isa at tumingin na lang sa'kin.

"Tinawagan ko na ang nurse, papunta na sila rito kasama ang Papa mo," sabi ni Yvainne kaya sa kaniya ko na lang itinuon ang tingin ko. Naramdaman ko naman na may humawak ng siko ko kaya napatingin ako kay Luan.

"Anong nararamdaman mo? May masakit ba?" tanong niya ulit.

"A-Ayos lang ako." Pinakiramdaman ko ang sarili ko pero wala na akong maramdamang sakit. Gusto pa nila magtanong pero may pumasok ng dalawang nurse kasama si Papa. Inasikaso naman agad nila ako.

"Anong nararamdaman mo?" pagtatanong ni Papa. Inaayos ng dalawang nurse ang swero at bp ko.

"A-ayos lang naman po. Wala na akong maramdaman na sakit."

"Hindi kinaya ng katawan mo kaya nawalan ka ng malay... isang araw ka ring walang malay. Anak, kailangan mong ma-biopsy mamaya kaya magpahinga ka muna para may lakas ka," sabi niya at hinaplos ang buhok ko. Nang matapos, lumabas na rin sila. Napabuntong hininga na lang ako sa narinig ko.

"Ano 'yung biopsy?" rinig kong bulong ni Niel kay Yvainne.

"Kukuhanan yata siya ng bone marrow mamaya," sagot nito. Maisip ko pa lang ang mangyayari mamaya, hindi ko na kakayanin.

Until Our Next EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon