Chapter 18

44 6 0
                                    

Impit kong tinitiis ang sakit ng likod ko rito sa loob ng cr. Tumutulo na rin ang hindi mahintong pagdugo ng ilong ko. Nakahiga lang ako rito, parang lantang gulay. May nakalagay na bimpo sa bibig ko para matakpan ang sigaw ko.

Nagiging malabo na ang paningin ko kaya nanghihinang kinapa ko sa cabinet ang pain reliever ko. Wala pa ring magagawa ang pagmamatigas ko kung titiisin ko lang ito.

Nang mainom, unti-unti nang umayos ang pakiramdam ko. Nanghihina man, tumayo na ako at napahawak sa sink nang manlambot ang tuhod ko. Tumingin ako sa salamin at nakita ang maputla kong mukha na puno ng dugo sa ilong. Masakit ang nararamdaman ko, physically. But, emotionally? Wala kahit ano.

Nilinis ko na ang sarili ko at tinago ang damit na may bahid na dugo. Lumabas na ako ng cr at muntik nang manlambot muli ang tuhod ko nang makita sa harapan ko si Yvainne, seryosong nakatingin sa akin.

"B-Bakit?"

"Ang tagal mo sa banyo, akala ko kung ano nang nangyari sa'yo." Ramdam ko ang pagtagaktak ng pawis sa noo ko kaya lumabas na ako at pasimpleng pinunasan ito gamit ang kamay ko.

"Napatagal l-lang. Bakit ka nandito?" pag-iiba ko ng usapan. Nakahinga lang ako nang maluwag nang makita ang mukha niya, mukhang napaniwala ko.

"Half day! 'Yung strand lang namin," masiglang sagot niya sa akin at humiga sa kama ko. Napakagat naman ako sa labi ko nang makaramdam ng konting guilt.

"Bakit hindi mo na lang tulungan ang Lolo mo?" Tumayo ako at kumuha ng tubig. Paglingon ko sa kaniya, nakasimangot na siya.

"Ayaw mo ba akong kasama, ha? Ngayon na nga lang kita nasolo, e!" Napatawa naman ako nang bahagya at tumalikod sa kaniya. Doon nawala ang mga ngiti ko sa labi. Ang hirap naman magpanggap.

Nang makaharap ulit, andoon na ulit ang pilit na ngiti sa mukha ko. "Sinong katulong ng Lolo mo?"

"Si Mama. Wala naman siyang trabaho," sagot niya habang nilalabas ang cp niya. Umupo na lang ako sa tabi niya kaya umusog siya sa akin para gawing unan ang hita ko. Kinuha ko rin ang cp ko para tingnan ang messages sa'kin ni Luan. Puro pangangamusta lang naman.

Napatingin kaming pareho ni Yvainne sa pinto nang pumasok si Papa. It's either kukumustahin niya ako o magcchemo na ako. Wala nang kaso sa akin 'yon dahil for the past few months, nasanay na ako.

"Chemo mo na, 'nak," maingat na sabi niya sa'kin pagkalapit. Pilit akong ngumiti at tumango na lang. Umayos na rin nang higa si Yvainne at lumipat na lang sa tabi ko para suportahan ako. May pumasok na dalawang nurse at sinimulan na nilang gawin ang trabaho nila.

Ramdam ko ang sakit pero parang manhid na ako. Ramdam ko ang kirot pero wala na akong pakialam. Hinding hindi na talaga ako 'to.

Nang matapos, inayos ko na ang damit ko na parang walang nangyari. Nabigla pa si Yvainne sa ginawa ko.

"Magpahinga ka na muna," pilit pa niya sa akin pero tumayo na ako at lumapit sa lamesa. "Sol naman, e."

"Ayos lang ako. Sanay na ako kaya 'wag kang mag-alala." Sinabi ko 'yon na parang kinagat lang ako ng maliit na langgam. Narinig ko ang buntong hininga niya pero hindi ko na siya pinansin. Tinitingnan ko kung may fried chicken ba at ice cream na nabili si Tatay Nestor.

"Samahan mo na lang akong kumain," bawi ko sa kaniya. Nagtaka pa siya dahil daw ang dami ng pagkain ko.

"Bakit mo bitbit 'yan?" takang tanong niya.

"May promise kasi ako sa kaibigan kong bata sa taas na floor na sabay kaming kakain. Bitbitin mo na lang 'yan icecream."

Wala na siyang nagawa kundi sundin ang utos ko at sumunod sa akin. Nagpaalam muna ako sa nurse at buti na lang ay pinayagan ako dahil kasama ko naman si Yvainne.

Until Our Next EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon