Chapter 19

31 5 0
                                    

Siguro talagang humigpit na ang turnilyo sa utak ko simula noong nangyari iyon. Nakakatawang isipin na saka ko lang pinahalagahan ang buhay ko nang malamang maaari nang magkakataning ang buhay ko.

Simula rin noon, pinatawad ko na ang sarili ko at mas minahal pa ito.

Isang buwan na rin ang nakakalipas magmula noong nalaman nila ang mga ginagawa ko. Sa loob ng isang buwan na 'yon, tuluyan na akong hindi kinausap ni Yvainne. Hindi ko na siya nakita bagaman dumadalaw pa rin ang dalawa sa akin.

Nagkausap na kami ng mga magulang ko at nilinaw sa akin ang lahat. Hindi raw kakayanin ng katawan ko ang transplant dahil tuluyan na itong sumuko. Kung kakayanin man, mahirap makakuha ng magma-match sa akin. 'Yung gamot na tangi kong iniinom ang susi para malabanan ang sakit ko, pero binalewala ko pa. Ngayon, hinaharap ko ang kabayaran ng ginawa ko.

Napatingin ako kay Luan na ngayon ay paikot-ikot sa harap ko habang may binabasa sa libro.

Napangiti naman ako sa ginagawa niya. Nakakunot ang noo niya at kagat niya ang dulo ng salamin niya habang mahinang nagsasalita, nagmememorize.

Magmula noon, mas hinigpitan na ang pagbabantay sa akin lalo na ni Luan. Bawat araw ay nandito siya para alagaan at bantayan ako. Gaya ng lagi niyang sinasabi, hindi na niya kakayanin kung gagawin ko raw ulit iyong mga nagawa ko dati. Napailing na lang ako.

Nakita niya yatang nakatitig ako sa kaniya kaya mula sa seryosong mukha ay nagliwanag ito at lumitaw ang ngiti sa labi niya. Lumapit siya sa akin.

"Kaya pa?" nakangiting tanong ko sa kaniya. Bumuntong hininga siya bago sumimangot sa harap ko. Lagi na niyang ginagawa ito at sobrang nacucute-an ako ro'n.

"Kakayanin. Last exam na tapos bakasyon na. Mababantayan na kita nang maayos," nakangusong sagot niya.

Tumagilid naman ako sa kama at humarap sa kaniya bago ibuka ang dalawang braso ko. Nakita ko pa ang pagpigil ng ngiti niya bago lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap. Pinaikot ko ang braso ko sa bewang niya habang nakapatong ang ulo ko sa dibdib niya.

"Araw-araw na ang trabaho mo sa bakasyon 'diba?" mahinang tanong ko. Tumingala ako kaya yumuko siya para matitigan ako. Kahit sa anggulong ito, ang gwapo-gwapo niya.

"Hindi na ako magtatrabaho. Napromote si Papa sa kumpanya kaya pinatigil na niya ako."

Nagtatrabaho kasi siya para lang makaipon sa pangcollege niya. Against naman si Tito Ralph dito pero sadyang makulit lang itong isa. Natigil lang ang moment namin nang may pumasok na asungot.

"Puta, lagi na lang 'yan ang nadadatnan ko tuwing papasok ako," reklamo ni Niel bago pabagsak na umupo sa couch.

Kumawala na ako kay Luan at tumitig sa pintuan, umaasang may papasok pa. Napatingin ako kay Niel, nangangausap. Umiling lamang siya kaya napapabuntong hiningang yumuko na lamang ako.

Nagpaalam muna si Luan na may bibilhin daw siya kaya naiwan kami ni Niel dito. Kagaya ni Yvainne, nagtampo raw siya noong malaman ang ginawa ko noon. Nahihirapan din siya dahil hindi naman niya maiwanan ang isa. Hindi ko alam kung anong mayroon sila dahil hindi naman siya nagkwekwento sa akin tungkol sa kanila.

"Niel," pagtawag ko sa kaniya. Lumingon siya sa akin at tinaasan ako ng kilay, nagtatanong. Gaya ko, kapansin-pansin na rin ang maiitim na eyebags niya. "Kumusta?"

Napatawa pa siya nang mahina bago bumuntong hininga. Nilagay niya ang batok niya sa likod ng couch at tumingala.

Napakagat naman ako sa labi ko at inalala ang mga pinagsamahan namin. Kahit kasi saling-pusa lang naman 'to noon sa amin, aaminin kong malulungkot kami nang sobra dahil isa siya sa bumubuhay sa samahan namin.

Until Our Next EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon