Chapter 6

40 13 3
                                    

"Aray! Bakit ang lakas!? Sa'kin naman mahina, ah," daing ko nang pitikin na naman ako ni Luan sa noo. Naglalaro lang kami ngayon ng tic-tac-toe. Bored na bored na kami kaya kung ano-ano na lang ang nilalaro namin. Late daw kasi ang prof kaya wala kaming magawa.

"Weak," pang-aasar ni Luan. These days, ang hilig na niyang mang-asar. Masungit pa rin naman siya pero sumabay naman ang pang-aasar niya!

"E, kung mata mo ang suntukin ko, ha," panghahamon ko sa kaniya. Porket mahaba ang mga daliri niya. Baka mamaya magka-amnesia na lang ako bigla sa lakas ng pitik niya!

"Talo ka lang, e."

"Nyalo nga lang, e," panggagaya ko sa boses niya. Nagtuloy-tuloy pa ang asaran namin at hindi na nga nakapasok ang prof ng huling subject namin. Saktong nag-bell na para sa break time namin.

Tumingin ako kay Luan na ngayon ay abala sa pagpupunas ng salamin niya. Gusto kong gumanti! Namumula pa ang noo ko sa lakas ng pitik niya! Nakaisip naman ako ng kalokohan kaya nilabas ko ang malupitang acting skills ko.

"Luan, hindi... ako makahinga," sabi ko bigla sa kaniya habang hinahawakan nang mahigpit ang dibdib ko.

"Huh?" nanlalaki ang matang lumingon siya sa'kin, nanlaki rin ang butas ng ilong niya. Gusto kong tumawa pero masasayang ang pag-acting ko! Ngayon ko lang nakitang ganito ang mukha niya!

"Ang sakit ng... dibdib ko. Hindi ko yata kayang tumayo," pagpapatuloy ko pa. Hindi ko na nga alam ang mga sinasabi ko. Halata sa kaniyang natataranta na siya at hindi malaman ang gagawin. Kinakagat ko na ang labi ko dahil sa pagpipigil ng tawa.

"P-Paano? Teka lang." Natataranta na talaga siya!

"Please, ibili mo na lang ako ng pagkain... utang na loob ko sa'yo ang buhay ko," pagd-drama ko sa kaniya. Nag-lag pa siya nang konti kaya hindi ko na napigilan ang tawa ko. Salubong na ngayon ang kilay niya at pipitikin na niya sana ulit ang noo ko nang hawakan ko ang kamay niya.

"Huli ka! Nakakarami ka na! Baka magkasakit ako sa utak kapipitik mo," masamang tinging sabi ko sa kaniya. Ramdam ko naman na natigilan siya sa ginawa ko. Nang mapagtantong nakahawak pa pala ako sa kamay niya, binitawan ko rin ito agad. Sungitan na naman ulit ako nito!

"Uy, okay ka lang?" alalang tanong ko sa kaniya nang makitang hindi siya gumagalaw. Sinundot ko pa ang pisngi niya. Nanlaki naman nang konti ang mata niya.

Umiling lang siya at mabilis na naglakad palabas ng room, iniwan ako ritong nagtataka. Ngayon lang 'yon lumabas ng room mag-isa. Kung kasama man ako, pilit pa madalas kaya sumasama na rin siya kasi wala siyang choice. Nagkibit-balikat na lang ako at hinayaan siya. Siguro may tawag ng kalikasan lang siya.

Napatingin naman ako sa isang kaklase ko na nahuli kong nakatingin sa akin. Nasa harapan ko siya pero nasa gilid kaya kita ko talaga siya. Kumaway naman ako sa kaniya at nginitian naman niya ako, inaalok pa ako ng tinapay niya. Tahimik din siya kagaya ni Luan. Matalino rin siya kagaya rin ni Luan. Intimidating din tingnan kagaya ni Luan.

Teka! Bakit puro ako si Luan?

Napailing na lang ako at mahinang sinampal ang magkabilang pisngi ko. Nakita kong umayos na ng upo 'yung kaklase ko, akala yata nababaliw na ako. Medyo nakakausap ko naman siya. Hindi rin siya umiiwas sa akin, siguro alam naman niya na hindi nakakahawa ang sakit ko.

Habang inaantay si Luan makabalik, napansin kong dumaan na naman si Yvainne sa tapat ng room namin. Tatawagin ko sana siya kaso baka tarayan lang ako kaya tinikom ko na lang ang bibig ko. Hindi ko pa rin naiintindihan 'yung sinabi niya sa akin noong isang araw. Hindi ko naman siya malapitan kasi baka sabunutan na lang ako bigla.

Gusto ko talaga magkaroon ng babaeng kaibigan. Noong bata kasi ako, si Nanay Sita lang talaga ang kalaro ko. Kaso tumanda na rin siya kaya hindi na niya ako nasasabayan. Gusto kong lagi kaming magka-kwentuhan, sabay na pinapanood ang aming mga crush sa tv, nagm-make up, at iba pa kaso wala namang may gustong makipagkaibigan sa'kin.

Until Our Next EclipseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon