Prologue

650 63 15
                                    

Prologue

"Nako, patawarin mo na si Miguel, nalasing lang siya kaya niya nagawa iyon.''

Nakatingin pa rin ako sa tita ni Miguel, marami siyang suot na mga alahas sa kanyang katawan. At isa pa roon nakakatakot ang kanyang awra dahil mukha siyang mataray. Napailing naman ako sa sinabi ng tita ni Miguel, mag asawa kaming dalawa ni Miguel pero ngayon ko natuklasan na marami siyang mga babae dinadala sa hotel. Buti na lamang at sinabi agad ito nglalaki kong bestfriend na si Tyrone.

"Sorry po, tita Miranda pero hindi ko siya mapapatawad ngayon." Sabi ko. Nagkatinginan kami ni Tita Miranda, ewan ko pero biglang lumungkot ang kanyang mukha, kaso nga lang agad naman siyang tumawa.

''Ihja sige na patawarin mo na si Miguel, 'di niya naman sinasadya iyon." Kumunot bigla ang noo ko, bakit ba niya gusto ko siya mapatawad? Dahil ba na mayaman ako, at si Miguel ay co-worker lamang sa kompanya naming?

"Sorry tita Miranda, malinaw ang lahat ng nakita ko, hindi ko siya mapapatawad lalo na at nakita ko silang dalawa naka-hubad sa kama." Sabi ko.

Sabay pahid ng luha ko sa aking mata.

"Hay nako, Rafaela, eh paano ba naman siya hindi magiging loyal sa iyo. Eh ang losyang-losyang mo naman, may salamin at mataba pa? Tingnan mo tuloy si Miguel nakahanap ng mga model na katulad na tipo niya." Ouch-ang sakit mag-salita ni tita Miranda.

"Alam ko naman tita Miranda na pera lang ang habol sa'kin ni Miguel. Pero minahal ko siya eh!" sabi ko.

"Ihja, hush, patawarin mo na si Miguel at tutulungan kita na mahalin ka ni Miguel Anthony Miranda, tutulungan kita ihja. Basta, patawarin mo siya. Trust me ihja, alam ko na ang mga galawan ng lalaking 'yan." Sabi ni tita Miranda.

Pero...

eto ang bobo ko naman, na naniniwala na magkakaroon ako ng tyansa para kay Miguel.

"Sige po, papatawarin ko si Miguel, tulungan niyo po ako na mahalin ako ng asawa kong si Miguel. Mahal na mahal ko po siya." Naiiyak kong sambit, ngumiti naman si tita Miranda sa'kin.

Oo. Alam ko naman na pera lang ang habol sa'kin ni Miguel, ngunit mahal ko siya at ang pera na 'yon ay walang katumbas ng pagmamahal na ibibigay niya sa akin. Hinawakan ni tita Miranda ang nanlalamig kong kamay at tinawagan niya ang kanyang pamangkin.

Tumingin pa sa akin si tita Miranda.

"Oo Miguel, pinapatawad ka na ni Israela."

....At dahil doon, doon nagunaw ang mundo ko. Ginawa ko ang lahat basta mahalin ako ni Miguel, lahat-lahat!

And...

Maybe this is my MISTAKES AND REGRETS to him.

Mistakes And Regrets Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon