CHAPTER SIX / Anniversary
◈ ━━━━━━━ ◆ ━━━━━━━ ◈
Everyone is looking at me.
Para akong nasa isang teleserye mukha akong tanga dito na nakatitig sa maamong mukha ni Miguel pero mas sumakit lalo ang bandang dibdib ko ng makitang 'yun din ang suot niya na damit kanina ng nakita ko siya.
Hindi ako makapaniwalang nakatingin kay Miguel, nawala ang maamo niya na mukha ng lumapag ang kanyang titig sa akin. Sa paningin ko, it's like just the two of us.Habang naglalakad ako patungo sa kanya
mas pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Nang hinawakan niya ang aking balikat."What the hell, Rafaela?" Matigas niya na tanong sa akin. Hindi ko alam pero nakaramdam naman ako ng takot sa kanya.
"Why?" I innocently ask.
He frustratedly brush his hair, bigla akong kinabahan ng hawakan niya ang chin ko para ilapit ang mukha sa akin.
"Change your dress, mukha kang pokpok."
Agad akong natawa!
Pokpok? HAHA! A-K-O pa talaga ang mukhang pokpok sa amin. Pagkatapos niya pumunta sa hotel kasama ang sekretarya niya ako pa talaga ang pokpok sa aming dalawa. Hindi ko mapigilan tumawa ng malakas, halos nakatingin na sa amin ang ibang tao dahil sa lakas ng aking tawa.
"Why, what?" seryoso niyang tanong.
"Wala buti may concern ka pala sa akin.'' sabi ko.
"Look Rafaela, I love you so much. Ayaw ko na maagaw ka nila sa akin, lalo na 'yung mga bastos na lalaki na nakatingin ngayon sa'yo."
"Well... sana nga Miguel ganyan ka, sana nga."
Ganyan ka lang naman sa harap ng mga tao lalo na sa harap nila mom and dad, ganyan ka lang naman sa kanila. Hindi na ako magtataka pa kung balang araw, maghiwalay na tayo dalawa.
"Rafaela, look, I know I've hurt you, but promise I really change." sabi niya.
"I won't change my dress, Miguel."
"Uh-okay. Fine.. wag ka lang mawala sa akin. Kung saan ka masaya, masaya na rin ako." Dahan-dahan niya na sabi.
Marami akong gustong sabihin sa kanya katulad ng mga salitang...
'Mahal mo 'yung secretary mo 'no?'
'Di mo ba talaga ako minahal?'
'Sana hindi na lang kita nakilala.'
Pero wala eh.. isa akong mahina na nilalang hindi ko kaya sabihin sa harapan niya at mas pinili ko maging pipi at bulag na tao.
"Miguel glad to see you here!" Naputol ang pag-iisip ko ng makita ko ulit si mom and dad. Niyakap nila si Miguel, ang saya-saya naman nila.
I'm only child, they wanted to have a baby but my mom have a disease. Mom said, they are lucky to have me, kaya masaya sila kasi mas nadagdagan ng isa ang anak nila na si Miguel. They treat Miguel too, like their own child, because he is part of the family now.
"Happy twenty-fifth anniversary tita and tito,"
Tumango ang dalawa at nakipag-kwentuhan pa sila. Nakatayo lamang ako dito sa lamesa. Maya-maya ay nakita ko si Tyrone, kaibigan din kasi ng family niya sina mom and dad. Hindi na ako nagdalawang isip pa at pinuntahan siya. Hindi niya ako napansin agad kaya ako na ang nag-salita.
"Tyrone!" sigaw ko.
"Holy f*ck!" Natawa agad ako kasi nagulat ko si Tyrone, nakasuot siya ng black na T-shirt at pantalon, naka-puting cup din siya.
BINABASA MO ANG
Mistakes And Regrets
RomanceThey both married to each other, they promised to be together forever, but one day, Miguel Miranda fell out of love. He's having a secret relationship with his secretary, Rafaela knew it and still gave him a second chance, one day something happened...