CHAPTER EIGHT

246 34 1
                                    

CHAPTER EIGHT/ Old Promises

◈ ━━━━━━━ ◆ ━━━━━━━ ◈

' FLASHBACK '

Noong maliit pa ako, naalala ko pa,ako ay nag-i-isa lamang sa malaki namin na bahay kasama ang mga yaya at kasambahay namin.

I don't have any playmates here in our big house.

Wala kaming kapitbahay dahil nasa probinsya ako nakatira kasama ang mga magulang ko na si mom and dad. In our big house, I had many dolls and toys.

But doon ko lang naman narealize na walang kwenta lahat ng laruan na 'yon kapag wala akong playmates.

Nag-iisa lang akong anak ni mom and dad kaya strikto sila sa akin. Palaging may nakabantay sa akin na CCTV at may kasama palagi akong yaya.

One time habang nag ho-home school ako bilang nursery, nagiging malungkot ako dahil wala akong kasama na iba dito.

Ang tanging magagawa ko lamang ay makinig at mag-aral ng mabuti.

Ang hirap ng buhay ko.

Pakiramdam ko ay nakakulong ako sa isang malaking bahay.

Minsan nga lang umuuwi dito si Mom and Dad, at ng isang araw... habang naglalaro ako ng dollhouse sa malaking sala namin.

May isang maliit na lalaki kasama ang yaya namin. Nakatago ang lalaking bata sa likuran ng yaya namin, para siyang nahihiya pa.

"Rafaela..." nakangiting wika ng kasambahay namin.

Nakatingin ako sa dalawa ng walang kaalam-alam. Lumapit ang yaya namin.

"May kalaro ka na, hindi ba ito 'yung hiling mo sa mom at dad mo?" sabi niya.

Napatingin ako sa batang lalaki, nahihiya siya para tumingin sa akin. Nakatingin lamang ako sa kanila.

"But I want a girl playmate!" sigaw ko.

Nagulat sila pati na rin ako. Bakit? Ano ba itong inaasal ko? Bakit biglang naging choosy naman ako bigla? Sa buong buhay ka ay wala pa naman akong naging kalaro sa buong buhay ko ah.

"Rafaela, meet my son, Miguel..." Nagulat ako ng magsalita ulit 'yung kasambahay namin.

Kahit na bata pa lamang siya, napakatangos na ng kanyang ilong at kasing puti katulad ng niyebe. For short, gwapo.

Napatingin ako sa kanya, hindi na siya nahihiya katulad kanina. Nakatingin na siya sa'kin at hindi na nakatago sa likuran ng kanyang mama. Hindi ko alam, but my heart suddenly beat faster. I suddenly hpynotise in his handsome face. He's taller than me, too.

Do I have a crush on him? Hell no!

"Let's go, let's play!" Panggagaya niya sa english ko.

"Miguel, hindi ko alam na marunong ko mag-english na." Natutuwa 'yung nanay.

Medyo napasimangot ako ng lumapit siya sa akin. Pero ang puso ko pa rin ay tumutugtog ng kay lakas na halos marinig ko na. Ano ba 'to nararamdaman ko?!

Mistakes And Regrets Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon