CHAPTER TEN

281 30 0
                                    

CHAPTER TEN / Fine

◈ ━━━━━━━ ◆ ━━━━━━━ ◈

Ang saya-saya ko ngayon araw. Tila hiniling ata ng Panginoon ang aking hiling. Napamulat ang dalawa kong mata. Unang bumungad sa akin ang asawa kong si Miguel.

"Good morning, Rafaela." Nakita ko siya.

Ngumti naman ako sa ubod ng gwapo kong asawa. Gulo-gulo pa ang kanyang buhok ngunit hindi naman ito nababawasan sa kanyang kagwapuhan. Napailing na lamang ako sa aking nasa isipan. Napaka-amo ng kanyang mukha at mas naging masaya naman ako ngayon dahil nararamdaman ko sa puso ko at katawan na mahal niya ako.

"Anong ginagawa mo?" Nagtataka kong tanong kay Miguel, nakatingin ako sa kanya may inaayos siya sa TV.

Nagulat ako ng buksan niya ito, ito yung wedding video namin dalawa ni Miguel. Grabe naman ang sweet ng aking asawa pinagmamasdan ko si Miguel, nakangiti siya dito. Medyo natauhan ako siguro nga tama ang sinasabi ng mga matanda.

Kung saan nawala, doon mo makikita ang kulang 'pero ayos lang... Masaya na ako sa ngayon. Sobrang saya ko, wala ng mas makahihigit pa sa aking kasiyahan ngayon.

"Damn, I miss the memories in our wedding, love.'' sabi niya. Napalingon ulit ako sa kanya, nakangiti siya at napakamot sa kanyang ulo. Ngumiti din ako pabalik.

"Me too, love."

Sinubukan ko tumayo saka umupo sa tabi ng aking asawa. Amoy ko ang kanyang pabango at basa pa ang kanyang ilang hibla ng buhok 'kakaligo niya pa lang kasi. Agad niya naman akong niyakap ng mahigpit, medyo nagulat pa'no hindi ko aakalain na ganyan siya ka clingy ngayon.

"Maybe God has reasons why I do stupid mistakes," He whispered in my left ear while hugging me so tight.

My heart melted.

Aww..

Hindi ako umimik, dinadama ko ang mga segundo magkadikit ang balat namin dalawa ni Miguel. Masaya ako saka nagpapasalamat sa Panginoon dahil tagumpay ako. Ako na siguro ang pinaka-swerteng babae ngayon, dahil natupad ang aking dasal. Masaya ako masyado.

Sa sobrang kasiyahan ko habang yakap-yakap niya ang aking buong katawan ng mahigpit, I can just feel the butterflies in my stomach like the other written in a story.

I love Miguel so much I'll do anything just to be with him.

"Hey, why your stiff?" Tanong ni Miguel.

Bigla akong napaisip sa kanyang sinabi, hmmm bakit nga ba? Napaismid ako sa kanya saka nagkibit balikat

"Nothing love."

Tinignan ni Miguel ako sa aking mga mata, hinawakan niya ang pisngi ko, ang lambot ng kanyang kamay. He touch my hair and hug me again like the first time, I'm so happy.

"Promise I will be a better person for us.'' sabi ni Miguel.

I smiled.

"Thank you Miguel, hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon." Medyo naiiyak ako.

Sad?

Nah, it's called tears of joy. I'm happy, masaya ako dahil nasa akin ang aking asawa, finally nagkatotoo ang aking hiling na makasama ng buong puso ang aking asawa.

"Me too, and speaking of my mistress name Beatrice." Medyo napawi ang aking ngiti.

"Ano?"

T-tama ba? Bakit niya naman sinabi 'yon? Mahal niya pa rin ba siya-

"I fired her already 'noong una gulat pa talaga siya pero wala ako magagawa, kailngan ko siya tanggalin." Ngumiti ako sa kanya. Ako na ata ang nagwagi sa aming dalawa. Ewan ko, nasa akin na siguro ang korona.

Mistakes And Regrets Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon