Nagmamadaling pumasok sa loob ng bahay si Angel.Nilalamig na siya dahil umuulan sa labas at nabasa siya ng ulan.Kagagaling lang niya sa Heart Crib.Coding siya kapag Huwebes kaya walang choice kundi ang mag-commute.
"O,bakit basang-basa ka, Ate?"nag aalalang tanong ni Inday.
Napailing si Angel. Minsan may-pagkashunga rin ang kasambahay nila.Mas matanda siya kay Inday ng tatlong taon.College pa lang siya namamasukan na ito sa kanila.Hindi nakatapos ng highschool si Inday dahil sa hikahos sa buhay.Iyon marahil ang dahilan kung bakit slow itong mag-isip.
Tulad na lang ngayon,alam na nitong may bagyo sa labas,tinanong pa siya kung bakit basa siya?Paano kaya kung sumagot siya ng,"Nainitan kasi ako kaya naisipan kong mag-shower sa labas ng bahay."Ano kaya ang gagawin ni Inday?Sa naisip ay napangiti siya.Bakit nga ba hindi?"Ahm,naisipan ko lang magpabasa ng ulan,ang init kasi."Ipinaypay pa niya ang kamay sa sarili na tila ba totoong naiinitan.
"Ay teka lang, Ate, at bubuksan ko ang electric fan.
At itinutok nga sa kanya ng kasambahay ang electric fan.Itinodo pa ang lakas ng hangin.Lalo tuloy siyang nanginig sa lamig."Patayin mo na nga 'yan,Inday. 'Kita mo nang basa ako,eh."Niyakap pa niya ang sarili dahil sa lamig.
"Ate,kala ko ba naiinitan ka?Kasi kapag naiinitan ako,nagpapalamig ako sa electeic fan.Minsan nga,binubuksan ko ang ref para lumabas ang lamig.Kasi nakakahiya naman kung papasok ako sa mga kwarto n'yo para lang magbukas ng aircon kaya------"
"Inday,papatayin mo ba 'yang electric fan o ikaw ang papatayin ko?"nanggigil niyang sabi.
Nagkamot muna sa ulo ang kasambahay bago in-off ang electric fan."Ang sabi naiinitan, 'tapos galit naman no'ng may electeic fan.Ano kaya 'yon?Hindi ko maintindihan,"narinig pa ni Angel na sabi ni Inday habang naglalakad ito papasok sa kusina.
Napahugot na lang siya ng malalim na hininga.She made a mental note na hindi na makikipaglokohan na kahit na kailan kay Inday.Dumiretso si Angel sa kwarto niya.Naligo at nagbihis.Pajama set ang sinuot niya.Nilalamig parin kasi siya.Muli siyang lumabas ng bahay para patuyuin ang basang sapatos.Isasampay na rin niya ang mga basang damit.
Malakas ang buhos ng ulan.Sinamahan pa ng kulog at kidlat.Hindi na iyon kataka-taka ayon sa balita ay signal number three na raw sa buong Kamaynilaan.Mabibilis ang hakbang na tinungo niya ang likod-bahay kung nasaan ang laundry area.Pagkatapos maayos na mai-hanger ang mga damit ay tumalikod na siya upang bumalik sa loob ng bahay,nang bigla siyang matigilan dahil may narinig siyang ungol ng tao.Hindi lang bsta ungol,parang may umiiyak pa.Pinakinggan niya kung saan nagmumula ang ingay.Napatili siya ng may magsalita buhat sa kanyang likuran.
BINABASA MO ANG
I'm Falling For You(Completed)
RomanceSanay si Angel na bansag sa knya ni Nico na negra kahit hindi naman siya kaitiman, katamtaman lang ang kanyang kulay. Hindi naman siya nagagalit kapag tinatawag siya ni Nico ng negra dahil matalik silang magkaibigan kumbaga sanay na siya rito.Pero m...