MABILIS na nasimulan ang construction ng bagong branch ng Heart Crib.Malaking tulong ang nagawa ni Nico dahil bukod sa materyales ay ito narin ang nag-provide ng engineer at architect na gagawa ng building.
Pero hindi na pumayag si Angel na si Nico pa rin ang sumagot sa pasweldo para sa serbisyo ng dalawa.Abuso na kapag nangyari iyon.Sobra-sobra naitulong nito sa kanya para sa kanyang negosyo.Katatapos lang magluto ni Angel ng kare-kare.Pagkatapos ng ilang araw na practice ay na-perfect din niya ang lasa niyon.Salamat sa tulong ni Inday at nairaos niya ng maayos ang pagluluto ng mahirap na putahe.
Sinisiguro niyang damihan ng lagay ng giniling na mani dahil iyon ang paborito ni Nico.Pagkatapos maiayos sa isang lalagyan ang ulam ay dumiretso na si Angel sa kabilang bahay.Nagpasabi na siya sa binata na magdadala siya ng pagkain kaya huwag na itong magluto.
Nagtuloy siya sa kusina at sinimulan nang ayusin ang mesa.Nang matapos ay umakyat na siya sa kwarto ni Nico upang tawagin ito.Walang sagot mula sa loob kaya pumasok na siya upang silipin ang binata.Baka kasi tulog pa kaya gigisingin na lang niya.Ngunit wala rin tao sa loob.Iyon ang ikalawang pagkakataon niya na makapasok doon.Tulad ng dati ay maayos parin na nakapatas ang lahat ng gamit.Walang ni isa mang gamit na nakakalat.
Hindi kagaya ng ibang lalaking burara,si Nico naman ay sobrang sinop.Pumihit na patalikod si Angel upang lumabas ng kwarto nang mabangga siya ng matigas na bagay.Nang tumingala siya ay nakita niya si Nico na matamang nakatingin sa kanya.Hindi niya mabasa ang nakasulat sa mga mata nito.
"Hi! Pasensya kana at pumasok na ako dito.Akala ko kasi tulog ka pa.Gigisingin sana kita para kumain."
Umurong siya upang maglagay ng kunting distance sa pagitan nila.Para kasi siyang di-makahinga sa pagkakalapit nila."Lumabas lang ako sandali."
Nailang si Angel dahil sa paraan ng pagkakatitig sa kanya ni Nico."May uling ba ako sa mukha?"natatawang biro niya.Humugot ng malalim na hininga ang binata bago nagsalita."Wala."Itinaas nito ang kamay palapit sa mukha niya.Pero hindi pa man lumalapat ang kamay ni Nico ay agad na nito iyong ibinaba.
"Halika na.Kain na tayo."Hinawakan nito ang kamay niya at sabay na silang bumaba ng hagdan.
"HOW'S the construction?"
Dinampian ni Angel ng napkin ang kanyang bibig.
"Okay naman.Sabi sa akin ng foreman,before the year ends,pwede na akong mag-open.
"Good.Mabuti naman kung ganoon.""Thank you,Nico,sa tulong mo.Ang laki ng natipid ko.Yehey to you."She giggled.
"Wow.Nico na ngayon hindi na bansot?"nakangising tanong nito.
"Di ba sabi ko nga magpapakabait na ako sa'yo?
Kaya 'di na kita aawayin."
"Na-miss ko lang 'yong bansot.Ikaw lang kasi ang tumatawag sa akin ng gano'n."
"Gaya ng ikaw lang din ang tumatawag sa akin ng negra,"nakalabing balik ni Angel.
Nagtatawanan sila."Teka,ikaw ba talaga ang nagluto nito?Baka naman in-oder mo lang ito sa kung saan."
"Hindi,'no!"matigas na tanggi ni Angel."Ilang araw kaya akong nag-practice para diyan.Grabe ang hirap at sacrifice ko magluto lang niyan.Dugo at pawis ang ipinuhunan ko .'Kainis naman kasi,sa dami ng pwede mong maging paborito,bakit kare-kare pa?
Pwede namang pritong isda na lang."Pinisil nito ang baba niya."Ang cute mo 'pag nagpapatawa.Bagay sa'yo maging clown."
"Ang acute mo naman kapag nagpapatawa,nagiging kamukha mo si Joker,"sabi niya,sabay irap.
O,nang-aaway ka na naman.Akala ko ba wala nang away?"Ngiting-aso ang ginawa ni Angel."Hindi naman nang-aaway,ah.Ang ganda nga ng ngiti ko,eh."Mas nilawakan niya pa ang pagkakangisi.Pinalaki niya rin ang dalawa niyang mata na kagaya ng ginagawa ni Mr.Bean.
"O,'di ba,tuwang-tuwa nga ako?""Maganda ka pa rin khit na mukha kang kengkoy."
Tumatawa si Nico habang sinasabi niya iyon pero hindi maiwasang kiligin ni Angel."Nico,ipinagluto na kita kaya 'di mo na ako kailangang bolahin."
"Magkaiba ang bola sa pagsasabi ng totoo."
Inirapan niya ang binata upang mapagtakpan ang totoo niyang nadarama."Tse!"
"Bakit,'di ka ba naniniwala na maganda ka?"
"Nico,bata pa lang tayo negra at payatot na ang tawag mo sa akin,no."
"Inaasar lang kita para mapansin mo ako.Ang suplada mo naman kasi."
"Ang galing mo namang magpapansin."
"Kapag mabait kasi ako wapakels ka naman.Kaya inaasar na lang kita kasi doon mo lang ako pinapansin."
"Gano'n?"
"Gano'n 'yon.Hindi ko kasi alam kung bakit bigla ka na lang naging suplada sa akin.Dati naman tayong close, 'di ba?"Ibinuka ni Angel ang bibig upang sagutin ang tanong nang bigla may nagsalita mula sa likuran nila.Sabay silang napalingon sa bagong dating.
"Hi,love."Pakendeng na naglakad si Shiela palapit kay Nico.Hinalikan nito sa mga labi ang binata.
Awtomatikong naiiwas ni Angel ang tingin nang maglapat ang mga labi ng dalawa.Tumayo siya."Ahm,I better go.Dadaan pa kasi ako sa Ayala.""Ihahatid na kita palabas."Tumayo na rin si Nico.
"Naku 'wag na,kaya ko naman."
Masama ang loob niya niyang bumalik sa bahay.Naiinis siya dahil sa biglang pagsulpot ni Shiela.Ang ganda ganda nga ng usapan nila,'tapos may asungot namang dumating.Kung makahalik si Shiela kay Nico akala naman nito wala siya roon.Parang gusto ipamukha sa kanya na Shiela na iyon na ito ang nagmamay-ari kay Nico.
Isaksak mo sa baga mo si Nico.Wala namang umaagaw sa kanya,inis niyang sabi habang binubuksan ang gate."Ate,ano'ng sabi ni Kuya Nico sa luto mo?"
"Ewan."Nilagpasan ni Angel si Inday at tuloy-tuloy pumasok sa kwarto niya.Kumuha siya ng dyaryo at humiga sa kama.Kaso wala naman siyang maintindihan sa kaniyang binabasa.Lumilipad sa kabilang bahay ang isip niya.Tumayo siya at nagpalit ng damit na pang-alis.Mabuti nang lumabas kaysa magselos ng walang dahilan wala namang mapapala buong maghapon.
Bakit ka ba kasi nagseselos?Affected?
BINABASA MO ANG
I'm Falling For You(Completed)
RomanceSanay si Angel na bansag sa knya ni Nico na negra kahit hindi naman siya kaitiman, katamtaman lang ang kanyang kulay. Hindi naman siya nagagalit kapag tinatawag siya ni Nico ng negra dahil matalik silang magkaibigan kumbaga sanay na siya rito.Pero m...