Chapter 15

443 381 8
                                    

"MAGPAPAAKIT ka ba kung sakali?"
      Tila isang DVD na paulit-ulit naririnig ni Nico ang tinig ni Angel.Kanina pa siya sa opisina pero wala naman siyang nagagawa.Laman ng kanyang isip ang dalaga at ang hitsura nito nang abutan niyang natutulog sa ibabaw ng kama niya.

     Kalalabas lang niya ng banyo ng makitang mahimbing na natutulog si Angel.Akala nga niya noong una ay namamalikmata lang siya.Hindi niya alam kung gaano katagal niyang pinagmasdan ang mukha ng dalaga.Ilang ulit din na nagtalo ang isip niya kung hahawakan ito o hindi. Sa huli ay nanaig din ang kagustuhan niya.

     Hinaplos niya ang pisngi Angel.Dahan-dahan lang para hindi ito magising.Napakalambot niyon.Hindi naman nakapagtataka dahil alam niyang vain si Angel pagdating sa pagpapaganda.Worth it naman ang lahat ng beauty regimen nito dahil sa magandang resulta niyon.

     Hindi pa nasiyahan ay dinampian niya ng halik ang pisngi ni Angel.Sandali lang iyon,natakot kasi siyang baka mahuli siya.Siguradong aawayin na naman siya nito.Tila may malakas na pwersang humihila sa kanya para lalo pang lumapit sa dalaga.Palapit nang palapit hanggang sa halos mahalikan na niya.Noon naman ito biglang nagising.Bigla siyang natauhan nang itulak siya nitong palayo.

     Napangiti si Nico sa pag-alala na naging takbo ng pag-uusap nila.Kung anuman nakain ni Angel kung bakit bigla ito naging mabait sa kanya ay hindi na mahalaga.Basta ang mahalaga ay iyon na ang simula para manumbalik ang maganda nilang pagkakaibigan.

     Matalik naman talaga silang magkaibigan noong mga bata pa sila.Nagulat na lang siya isang araw dahil hindi na gaya ng dati si Angel.Palagi na itong nakaangil sa kanya.Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa kanya kung bakit ito biglang nagbago.

     "Sir,may nagpadala po nito."Inilapag ng secretary niya ang kahon sa ibabaw ng mesa.
     "Salamat,Dona."
     Kinuha ni Nico ang nakaipit na card at binasa ang nakasulat doon.

              Thank you sa masarap na
              breakfast.
              Mocha cake for you.
             Hope you like it.
                                                    Angel!!!

     Napangiti siya pagkatapos mabasa ang note.Agad niyang binuksan ang kahon.Hindi na siya nag-abalang kumuha ng tinidor.Gamit ang daliri ay dumaklot siya ng cake at isinubo iyon.

I'm Falling For You(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon