Chapter 6

512 391 21
                                    

     "Tulungan n'yo po ako.Parang awa n'yo na po."Boses iyon ng batang babae na umiiyak.
      Lahat na yata ng balahibo ni Angel sa katawan ay nagtayuan.Gusto niyang tumakbo paalis pero hindi niya maigalaw ang mga paa.Nanginginig ang mga iyon dala ng takot at kaba.

     Iyon pa naman ang kahinaan niya.Nasa kindergarten siya nang minsan siyang makapanood ng horror movie.Ilang linggo siyang hindi makatulog nang walang katabi dahil doon.Mula nga noon ay sumumpa siyang hindi na manonood ng mga nakakatakot na palabas.

     " Sino ka?"Pilit binale-wala ni Angel ang takot na namahay sa kanyang dibdib.Pero kahit na ano ang gawin ay hindi pa rin mawala ang takot na nararamdaman niya.

     "Isa po akong batang  babae na walang awang pinatay ng mga taong hindi ko kilala.Tulungan n'yo po akong makamit ko ang hustisya."

     "Bakit ako?Hindi kita matutulungan."Nakagat niya ang mga kuko.Sari-saring eksena ang pumasok sa isip niya.Baka pinatay ang bata pagkatapos gahasain at bsta na lang itinapon sa kanilang lugar.Marahil ilang taon na itong hindi matahimik sa kinaroroonan kaya humingi na ng tulong sa kanya.Shit.May nagmumulto nga sa bahay nila.
    
      "Parang awa n'yo na po.Para sa aking kaluluwa.Para makaakyat napo ako sa langit."

      Tinamaan naman si Angel sa sinabi ng multo.Anong klaseng nilalang siya kung hindi niya magagawang tulungan ang isang kagaya nito?Kahit naman takot siya sa multo,obligasyon niyang tulungan ang isang nangangailangan.

     "Hindi ako sure kung tama bang ako ang nilapitan mo".Nangalog ang buong katawan niya ng tila may mga kamay na humahaplos sa kanyang batok pababa sa likod.

     "I'm very sure that you're the right person to help me."
     Aba,sosyal ang multo.Spokening in dollar pa.At may accent in fairness.

     "Okay,tell me what to do,"desididong saad ni Angel.Tutal ay nandoon na rin lang naman na siya,tutulong na siya para sa ikatatahimik ng kaluluwa ng multo.

     "Dapat po kayong maging mabait sa unang lalaking makikita n'yo pag alis n'yo dito,"sagot ng multo.
      "What?"kunot-noong tanong niya.
      "Mangako po kayo."
      "Okay.Pangako.Cross my heart and hope to die."

     "Wag n'yo pong aawayin ang pinakagwapo n'yong kapitbahay,"dagdag ng multo na tila natatawa.
     Bigla siyang napaisip.May multo bang natatawa habang nanghihingi ng tulong sa iba?At bakit ganoon ang mga sinasabi nito sa kanya?Ano ang kinalaman niyon sa pag-akyat ng kaluluwa nito sa langit?
 
     "Palagi n'yo rin pong ngingitian ang kapitbahay n'yo."
     Narinig ni Angel ang hagikgik mula sa multo.Bigla siyang napalingon sa pinanggalingan ng boses upang magulat lang.Dahil hindi multo ang nasa likuran niya kung hindi si Nico na mukhang tuwang-tuwa sa panibagong prank sa kanya.

     Nang makabawi sa kabiglaan ay inipon niya ang lahat ng lakas at pinagsusuntok ang binata.
     "Bwisit ka talaga kahit kailan."Isang malakas na uppercut ang pinakawalan niya.Malas lang dahil magaling umilag ang loko.Tumakbo ito palayo.

I'm Falling For You(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon