Chapter 37

426 368 13
                                    

STRESS na stress na si Angel nang araw na iyon.
Marami siyang kinausap na tao na gustong magpagawa sa kanya ng gown.Pagkatapos niyon ay dumiretso siya sa Heart Crib sa Pasig.Hindi na kasi niya nabibisita ang branch dahil sa pagiging abala niya.

     Nakadapa siya sa loob ng kanyang opisina.May sarili iyong kama dahil doon siya nagpapamasahe sa staff kapag gusto niyang ma-relax ang muscles niya sa katawan.

     "Mind if I join you?"
     Napabalikwas si Angel nang marinig ang tinig na iyon.Tumayo siya at mabilis na nagsuot ng roba.Tanging panties lang ang suot niya sa ilalim ng kumot."Paano mo nalamang nandito ako?"

     "Para ano pa at naging asawa mo ako kung hindi ko rin malalaman kung nasaan ka?"Nakasandal si Nico sa pinto.

     "Anong kailangan mo?"Hanggang ngayon ay naiinis pa rin siya sa asawa.Tatlong araw na ang nakararaan nang magkasagutan sila.Mula nga noon ay hindi na sila nagpansinan.

     "Yayain sana kitang kumain sa labas."Lumapit sa kanya si Nico at hinawakan siya sa kamay.

     Pumiksi siya at lumayo."Iba na lang ang yayain mong kumain sa labas.For sure,hindi ka naman mauubusan ng makakasama."

     "Pero hindi ko sila gustong makasama.I want to be with my wife."

     Inirapan ni Angel si Nico pero sa sulok ng kanyang puso ay may nadama siyang saya at kilig."Busy ako.
Si Shiela na lang ang yayain mo."

     "Bakit ko naman pipiliing makasama si Shiela kung nandito naman ang maganda kong asawa?"

     "Hindi 'yan ang nakita ko 'nong isang araw sa tapat ng kwarto mo."

     Imbes na magulat sa sinabi niya ay pilyong ngumiti si Nico."Nagseselos ka?"
     "Of course not!"

     Muling lumapit sa kanya ang asawa.This time,hindi na siya pumalag nang hawakan nito ang kamay niya.
"Tapos na kami ni Shiela bago pa man tayo ikasal.
Kaya wala kang dapat na ipagselos."

     "Alam mo-------"
     "Kung anuman ang nakita mo no'ng isang araw,wala 'yon.Nagkataon lang na hinimatay si Shiela habang nag-uusap kami.Natural lang na buhatin ko siya."

     "At dinala sa kwarto?"sarcastic na tanong ni Angel.
Napangiti ang kanyang asawa.Para na rin kasi niyang inamin ba totoo ngang nagseselos siya kay Shiela.

     "Love,umakyat na ako sa kwarto ko dahil akala ko umalis na si Shiela.Hindi ko alam na sumunod pala siya sa akin.'Tapos no'ng nag-uusap na kmi,bigla siyang nahimatay.Alangan namang ibaba ko pa siya sala,kaya ipinasok ko na lang siya sa kwarto para ilapag sa kama.Pero walang nangyari sa aming dalawa."

     Hindi nakaligtas sa pandinig ni Angel ang ginamit na endearment ni Nico.Hindi niya alam kung paniniwalaan ba niya ang paliwanag nito o hindi.

    " ' Yon ba ang dahilan kung bakit ang sungit mo sa akin?"

     Alanganing tumango siya.Malapad na ngumiti ang kanyang asawa."Sana sinabi mo agad sa akin para hindi tayo nag-away pa."Hinapit siya nito sa bewang.
Napasinghap siya dahil sa ginawa nito.Iyona ang unang pagkakataon na na naging ganoon sila kalapit mula nang ikasal sila.

     "I'm sorry."Kung para saan ang paghingi niya ng sorry ay hindi niya alam.
     "Ako ang dapat na mag-sorry."Pinagdikit ni Nico ang mga noo nila.Titig na titig ito sa kanya.Parang gusto niyang matunaw sa klase ng tingin nito.

     Noon naman biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Trixie.

     "Ay naku,sorry po.Akala ko kayo lang  ang nandito,Ma'am."

     "Okay lang.Ano ba 'yon?"
     Magpapaalam lang po sana ako.Half day lang po sana ako bukas kasi po may sakit ang anak ko."

     "Okay walang problema.Mag-out ka na rin ngayon para masamahan mo siya.Kahit 'wag ka nang pumasok bukas.I-file mo na lang sa leave mo para may sweldo ka pa rin."Pagkatapos magpasalamat ay lumabas narin si Trixie.

     "Ang swerte ko naman sa misis ko.Maganda na nga,mabait pang boss."

     Nakangiting inirapan ni Angel si Nico.Kahit alam niyang bola iyon,tumaba parin ang puso niya.

I'm Falling For You(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon