NAPAIYAK si Angel pagpasok sa sariling silid.Sa loob ng araw na iyon,kota na siya sa sama ng loob na ang may gawa ay si Nico.Hindi niya lubos na matanggap na wala itong tiwala sa kakayahan niya.Ito pa man din ang inaasahan niyang may bilib sa kanya,dahil mga bata pa lang sila ay naging saksi si Nico sa hilig niya sa pagtatahi.
Hindi niya lubos ma-isip kung bakit nasabi ni Nico ang bagay na iyon.Nagpaligoy-ligoy pa ito,pero ang gusto lang naman nitong sabihin na wala siyang ibubuga kumpara sa ibang mga designer.Alam naman niyang hindi pa sapat ang experience niya sa larangan ng pagdedesign.Pero may kakayahan siya at abilidad, iyon ang importante.
Nang mabuksan niya ang cell phone ay may na-receive siyang message mula kay John.Tuloy raw sila bukas para makilala niya ang mga business associate nito.
Isinantabi niya muna ang mga alalahanin at sinimulan ang pag-drawing ng mga design na babagay sa mga client niya.Kay bilis na lumipas ng oras,madaling-araw na pala.
Nag-inat si Angel at hinilot ang nangalay na batok dahil sa pagkakayuko.Lumabas siya ng silid at nagtimpla ng kape.Hindi pa siya inaantok pero kailangan niya iyon para hindi siya makadama ng antok.Kailangan niya kasing makapag-drawing nang marami para may maipakita na siya sa grupo ni John oras na magkita sila.Kailangan niyang mapatunayan kay Nico na hindi lang siya basta amateur lang.Na meron siyang ibubuga at kaya niyang maging matagumpay na designer balang-araw.With that in mind ay bumalik siya sa silid.Bitbit ang mga gamit at lumabas siya ng bahay.Sa terrace na lang niya ipagpapatuloy ang pagdo-drawing.
ALAS-TRES na nga madaling-araw pero hindi parin makatulog si Nico.Nakokonsensiya siya dahil sa mga nasabi niya kay Angel.Isa siyang malaking istupido dahil sinaktan niya ang damdamin nito.But God knew na hindi niya ibig sabihin na maliitin ang kakayahan ng dalaga.Malaki ang bilib niya rito.Ilang beses na niyang nakita ang gawa ni Angel at alam niyang magaling ito.
Kung magsisikap ang dalaga alam niyang magiging magaling itong designer pagdating ng panahon.Kaya lang naman niya nasabi iyon ay dahil naiinis siya kay John.Kanina habang nag-iisip siya ay ganap na niyang inamin sa sarili na selos ang dahilan kung bakit mainit ang dugo niya sa ex-boyfriend ni Angel.
Nagseselos siya sa pakikipaglapit ni John sa dalaga.Napatuwid ng tayo si Nico nang makita mula sa pwesto niya na lumabas ng bahay si Angel.Madilim sa kinaroroonan niya kaya hindi siya nakikita ng dalaga.
Mayamaya pa ay umupo na ito at sinimulan ang pagguhit.
Malaya niya itong pinanood sa ginagawa.Naroong tumingin si Angel sa kisame upang siguro ay mag-isip ng bagong concept.Naroong pumalakpak ito tuwing masisiyahan sa natatapos na gawa.Naroong lamukusin nito ang papel at ihagis sa basurahan kapag hindi siguro kontento sa iginuhit.Lahat ng iyon ay nasaksihan niya.
Mas pinili na lang niyang manood mula sa malayo kaysa lapitan si Angel.Marami pa namang pagkakataon para makausap at makapagpaliwanag siya sa dalaga.
BINABASA MO ANG
I'm Falling For You(Completed)
RomanceSanay si Angel na bansag sa knya ni Nico na negra kahit hindi naman siya kaitiman, katamtaman lang ang kanyang kulay. Hindi naman siya nagagalit kapag tinatawag siya ni Nico ng negra dahil matalik silang magkaibigan kumbaga sanay na siya rito.Pero m...