SAPO ni Angel ang ulo nang magising siya.Iyon ang ayaw niya kapag nag-iinom,ang masaklap na hang-over.
Nasilaw siya sa sikat ng araw nang tumama iyon sa mga mata pagmulat niya.Tanghali na siguro dahil pumapasok na sa bintana ng kwarto ang liwanag.Teka,paanong nakapasok ang liwanag sa bintana ng kwarto niya,eh,palaging makapal na kurtina ang gamit niya?Palagi kasi siyang nagigising kapag maliwanag na sa labas.At kahit gusto pa niyang matulog,hindi na rin siya makabalik ng tulog kapag nagising siya nang wala sa oras.Kaya naman para maiwasan iyon ay nagsabit siya ng makakapal na kurtina nang sa gayon ay hindi pumasok sa kwarto ang sikat ng araw.
Nagtangkang bumangon si Angel ngunit tila may mabigat na bagay na nakadagan sa kalahati ng kanyang katawan.Nang alisin niya ang kumot ay nakita niya si Nico na mahimbing na natutulog sa kanyang tabi.
Naitakip niyang muli ang kumot sa bintana dahil wala itong saplot sa katawan.Nang tingnan niya ang sarili ay napasigaw siya ng malakas.Nagmamadali na pumasok sa loob ng kwarto si Kuya Joel.
Si Nico naman ay halatang naalimpungatan lang sa sigaw ni Angel."Angel,ano ba at nagsisigaw ka diyan?"Inaantok pa na tinapunan siya ni Nico ng tingin.Muli rin itong pumikit
at bumalik sa sa pagtulog pero agad ding nagmulat ng mga mata.Tinitigan siya nito ng mabuti,sabay bigkas ng malutong na mura."Anong ibig sabihin nito?"galit na sigaw ni Kuya Joel habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa.
"Kuya?"tanging nasambit ni Angel.Naguguluhan siya sa mga pangyayari.Paano nangyari na nandoon siya sa kwarto ng pinsan niya at katabi pa si Nico?Sinapo niya ang ulo dahil parang sasabog iyon sa sobrang sakit.
Hinila niya ang kumot at ibinalot sa katawan,sabay takbo sa loob ng banyo.Doon siya nagsuka nang nagsuka habang binabalikan sa isip ang pangyayari nang nagdaang gabi...Maraming nasiyahan sa mga ipinakitang sample designs ni Angel kaya marami sa kasamahan ni John ang nagpagawa sa kanya.Nakilala na niya si Roxanne,ang girlfriend ni John.Bukod sa maganda ay napakabait pa ni Roxanne.
Ni hindi nga niya nakitaan ng kaunting selos ang babae kahit ex niya ang boyfriend nito.Pati nga ito ay nagpagawa sa kanya.Dahil tumaas ang demand niya,kailangan niyang mag-hire ng mga tao na tutulong sa kanya.Kumuha siya ng lima na mananahi.Pansamantala rin siyang nagrenta ng isang commercial space para doon na lang magtatahi ang mga tauhan niya.Halos ilang linggo rin siyang busy dahil sa napakadaming orders.Pero wala isa man sa mga iyon ang tinanggihan niya dahil alam niyang kakayanin naman iyon basta magsipag lang sila.
Pinabago na rin niya ang blueprint ng ipinapagawa niyang building sa Ayala.Balak kasi niyang magtayo ng boutique sa tabi ng Heart Crib.Doon niya idi-display ang mga design niya.Hindi na siya mahihirapan pang i-supervise ang dalawang negosyo dahil magkatabi lang ang mga iyon.Umaayon na ang lahat sa kanyang plano at masaya siya.
Nang yayain si Angel ni John na dumalo sa company anniversary ng Avon Empire ay hindi na siya tumutol pa.Pagkakataon na niya iyon para makipag-socialize.Para narin may makilala siyang bagong kliyente.
At hindi nga siya nagkamali dahil bago natapos ang gabi ay ilang negosyante na ang kumuha ng number niya at nagsabing magpapagawa sa kanya.Maraming pumuri sa gawa niya na labis niyang ikinasiya.Kaya hindi niya namalayang masyado na pala siyang nagpapakasaya na pati pag-inom ng alak ay hindi na niya na-monitor.The next thing she knew ay nahihilo na siya at naduduwal.Sumunod niyang natandaan ay inalalayan siya nina John at Roxanne pasakay sa kotse.Pagkatapos niyon ay blangko na,wala na siyang maalala.Hindi na nga niya matandaan kung paano siya napunta sa kwarto ng pinsan niya...
Halos thirty-five minutes na sa loob ng banyo si Angel pero hindi pa rin siya lumalabas.Hindi niya alam kung anong mukha ang ihaharap niya sa pinsan,lalo na kay Nico.Kung pagbabasehan ang itsura nila ni Nico nang magising sila,hindi na maitatangging may nangyari nga sa kanila nang nagdaang gabi.Isama pa ang hapding nararamdaman niya sa pagitan ng dalawang hita niya.Kung paano nangyari iyon ay malabo pa rin sa kanya.
"Angel,lumabas ka na diyan.We need to talk, "puno ng awtoridad na utos ni Kuya Joel.
Magmamatigas pa sana siya pero alam niyang wala rin namang saysay kung gagawin niya.Kailangan pa rin niyang harapin ang sirkumstansya ng mga pangyayari.Yuko ang ulo na lumabas siya ng banyo.Hindi siya makatingin nang diretso sa kanyang pinsan.
"Magbihis ka na.Sa sala na tayo mag-usap.
Naghihintay sa atin si Nico."
Lumabas na ng silid si Kuya Joel habang si Angel naman ay mabilis na nagbihis.Nang mapasulyap siya sa kama ay nakita niya ang mantsa ng dugo sa bedsheet.God!What have I done?
"Angel,matagal ka pa ba?"
Nagmamadaling lumabas na siya ng kwarto.
BINABASA MO ANG
I'm Falling For You(Completed)
Storie d'amoreSanay si Angel na bansag sa knya ni Nico na negra kahit hindi naman siya kaitiman, katamtaman lang ang kanyang kulay. Hindi naman siya nagagalit kapag tinatawag siya ni Nico ng negra dahil matalik silang magkaibigan kumbaga sanay na siya rito.Pero m...