DINALA ni Nico si Angel sa isang seafood restaurant sa Ayala Avenue sa Makati.Namangha si Angel nang salubungin siya ng staff ng restaurant na may bitbit na banner.
Please forgive your husband,Mrs.Gomez.Iyon ang nakasulat sa banner.
Nagtatakang nilingon niya ang asawa.
Nagkibit-balikat si Nico."Akala ko kasi hindi mo ako mapapatawad agad kaya 'ayan."Nilapitan sila ng isang waiter."Goodevening, Mr.and Mrs.Gomez.This way please."
Inalalayan si Angel ni Nico sa siko habang nakasunod sila sa waiter.Tumigil sila sa tapat ng pabilog na mesa.Punong-puno iyon ng iba't ibang putahe ng seafoods.Lahat ay pawang mga paborito niya.
May iniabot sa kanyang bouquet ng red roses ang isang waiter.Binasa niya ang note na nakaipit doon.
Beautiful flowers for my beautiful wife.
"Nico?" Parang hinipan ng hangin ang puso ni Angel dahil sa paglobo niyon.Tila siya kakapusin ng hininga.
Nakangiting hinapit siya sa bewang ng kanyang asawa.Hinawi nito ang ilang piraso ng buhok na tumabing sa kanyang mukha.
"I'm sorry for yelling at you.Sorry if I was such a bad husband."
Parang sasabog ang utak niya sa kakaisip.Hindi niya sukat akalaing magagawa ni Nico na mag-effort nang ganoon para lang magkabati silang dalawa.Her husband was so full of surprises.
Lumamlam ang mga mata nito nang makita ang kanyang naging reaksyon.Ipinaghila siya nito ng upuan.
Magkaharap silang mqgkasalo sa pagkain nang makaaalis na ang waiter."Musta na ang araw mo?Ang sabi sa akin,nanggaling ka daw sa Ayala?"tanong ni Nico sa pagitan ng pagnguya.
Gustong matawa ni Angel sa nagiging takbo ng pag-uusap nila.Para silang matagal na hindi nagkita samantalang magkasama naman sila araw-araw.
"Okay naman.Busy parin."
"Tuloy ka ba sa Davao?"
"Oo.Mas matatagalan nga lang ako doon.Instead na two days,magiging five o baka nga maging six days pa.Depende sa magiging resulta ng bidding."Hinintay ni Angel na muling ulitin ni Nico ang pagyaya sa kanya na samahan ito sa Davao pero wala naman siyang narinig mula rito.Disappointed pero hindi niya ipinahalata sa kanyang asawa.Kasalanan din naman niya dahil ng yayain siya noong una ay tumanggi pa siya.
Pakipot pa kasi,ano'ng napala mo tuloy?
"Nico?Angel?"
Sabay silang napatingin sa tumawag sa kanila.Isang matangkad na lalaki ang palapit sa kanila.Hindi kilala ni Angel ang lalaki pero pamilyar ang mukha."Si Charles 'to,"nakangiting pakilala nito.
"Charles?"magkasabay nilang ulit."Oo.Kamusta na?"Nakatingin si Charles sa mga daliri nilang may suot na wedding ring."Kayo din pala ang nagkatuluyan.Sabi ko na nga ba,eh."
"Oo nga.Ikaw,kamusta na?"tumatawang sagot ni Nico.
"Okay naman.Kauuwi ko lang from Dubai.
Bakasyon lang."
"Ganoon ba?""Oo.Paano mauuna na ako.Paalis na rin ako.
Nilapitan ko lang talaga kayo.Ingatan mo 'yang si Nico, Angel.Ilang pasa sa mukha at katawan ang nakuha niyan para sa pagmamahal mo,"tumatawang pahabol ni Charles.Nagtatakang tingin ang ibinigay ni Angel kay Nico na sinuklian lang nito ng pagkibikit ng balikat.
BINABASA MO ANG
I'm Falling For You(Completed)
RomanceSanay si Angel na bansag sa knya ni Nico na negra kahit hindi naman siya kaitiman, katamtaman lang ang kanyang kulay. Hindi naman siya nagagalit kapag tinatawag siya ni Nico ng negra dahil matalik silang magkaibigan kumbaga sanay na siya rito.Pero m...