Chapter 21

377 380 12
                                    

     Kagagaling lang ni Nico sa bahay nina Angel.As usual,sinamahan niya ito sa paglalaro.Mula ng madapa kasi si Angel at i-bully nina Lyn ay palagi na siyang kalaro nito.Ayaw kasi niyang may umaaway kqy Angel kaya minabuti niyang samahan ito sa lahat ng oras.Palagi na nga siyang tinutukso ng mga kaibigan niya.
Kesyo bakla siya.May iba naman na hayagang nagsasabi na idinadahilan lang niya ang friendship nila ni Angel para mapalapit sa batang babae.Isa na roon si Charles na wala ng ibang ginawa kundi ang inisin siya.

     "Uy,nandiyan na si Nico."Sinadya ni Charles na lakasan ang boses para umabot sa pandinig ni Nico.

     Alam ni Nico na aasarin na naman siya kaya nilagpasan lang niya ang grupo.

     "Bakit 'di niya kasama si Angel?"tanong ni Alvin na kapatid naman ni Charles.

     "Baka nag aalaga sa mga anak nila."
     "Bakit?Mag-asawa ba sila?"Si Marlon naman.
     "Hindi pa, pero kaya nga sila laging magkasama dahil mag-asawa na sila,eh.Tingnan mo nga palaging bahay-bahayan ang nilalaro ng dalawa.Si Angel ang nanay at si Nico naman ang tatay ."

     Narinig ni Nico ang tawanan ng grupo.
     "Nagki-kiss din ba sila?"
     "Oo naman.Nakita ko yata sila,"mayabang na sagot ni Charles.

     Hindi na nakapagpigil si Nico at binalikan si Charles.
Malakas na inundayan ito ng suntok sa mukha.Tumumba agad ito sa semento.Nang makabawi ay gumanti ng sapak si Charles.Nagsigawan ang mga batang nakatambay,waring tuwang-tuwa sa pag-aaway nila.Narinig pa nga niyang nagpustuhan ang mga ito kung sino ang mananalo.

     Kung hindi pa dumating ang mga magulang nila at hindi sila maaawat sa pagsasapakan.Kapwa may dugo ang kanilang mga mukha nang magkahiwalay sila.Galit na galit si Charles kay Nico.Ganun din naman si Nico kay Charles.

     Okay lang sana kay Nico na tuksuhin siya ng grupo ni Charles,tutal sanay na siya roon.Pero ang gumawa si Charles ng kwentong wala namang katotohanan laban kay Angel ay hindi niya matatanggap.Hindi niya mapapalampas ang pambabastos ng mga ito sa kaibigan niya.

     "Nico,what the hell is wrong with you?Sabi sakin ng mga kalaro mo,ikaw daw ang naunang nanapak kay Charles?"galit na tanong ng mommy niya nang makarating sila sa bahay.

     "Bakit ba, eh,sila naman ang may kasalanan,"nayayamot na sagot niya.Pabagsak siyang umupo sa upuan sa gitna ng sala.

     "Don't use that tone on me,Nico,"puno ng awtoridad na sabi nito.Noon,kapag ginagamitan na siya ng mommy niya ng ganoong tono ay natatakot na siya.Pero ngayon wala na siyang pakialam.

I'm Falling For You(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon