NASA highschool na sina Joel at Nico nang makipag-away si Nico sa kapitbahay nilang si Charles.Ilang pasa rin ang ibinigay ni Charles sa mukha ni Nico.Nang tanungin ni Joel ang kaibigan sa naging dahilan ng pag-aaway ng dalawa ay nagkainitan lang daw dahil sa paglalaro.Kinabukasan lang niya nalaman na si Angel pala ang totoong pinag-awayan ng mga ito.
Noon pa man ay napapansin na ni Joel na overprotective masyado si Nico kay Angel.Pero iniisip lang niya dahil iyon sa sila na ang naging pamilya ni Nico nang iwan ito ng ina.Nang magsimulang maligawan si Angel ay palaging nagagalit si Nico sa mga lalaking umaaligid kay Angel.
Minsang pauwi sila sa bahay ay nakita nila si Angel na may kasamang lalaki.Nakilala nila ang lalaki na isa sa mga manliligaw ni Angel.Lalapitan niya sana ang pinsan upang komprontahin pero naunahan siya ni Nico.Bagsak sa semento si Cezar nang tumama ang kamao ni Nico sa mukha nito.
"Tarantado ka! 'Wag na 'wag ka nang lalapit kay Angel.Kung hindi,hindi lang 'yan ang mapapala mo sa akin,"galit na sigaw ni Nico habang dinuduro si Cezar.
Hindi lang iyon isang beses na nangyari.Nasa college na noon si Angel nang may nagpuntang lalaki sa bahay nila.Si Kean,classmate diumano ni Angel.Hindi pa man nakakapagsalita si Joel ay naunahan na naman siya ng kanyang kaibigan na si Nico.
Galit na hinarang ni Nico si Kean sa gate."Ano'ng kailangan mo kay Angel?"
"Dadalawin ko lang po siya."
"Bakit wala naman siyang sakit?"pilosopong sagot ni Nico."Ibibigay ko lang po sana itong dala ko."Inilahad ni Kean ang dalang kahon ng chocolate at bulaklak.
"Sige,ako na ang magbibigay nito.Makakaalis ka na."Napakamot na lang sa ulo si Kean dahil sa ginawa ni Nico.Umalis ito nang hindi man lang nakikita at nakakausap si Angel.But Joel gave his friend the benefit of the doubt.Baka naman talagang concern lang si Nico dahil bata pa nga si Angel bukod sa nag-aaral pa.Nang maging boyfriend ni Angel si John ay galit na galit si Nico sa lalaki.
Ilang beses pa nga siyang kinumbinsi ni Nico na gumawa sila ng paraan para paghiwalayin ang dalawa.Kapag tinatanong niya kung bakit mainit ang dugo ng kaibigan niya sa boyfriend ng kanyang pinsan ay hindi naman ito makaimik.Pero ipinagwalang-bahala niya ang lahat ng iyon.Naisip niyang hindi naman siguro tataluhin ni Nico si Angel.Pero nagkamali nga yata siya dahil habang panay ang tanggi ni Nico ay iba naman ang nababasa niya sa mga ikinikilos nito habang tumatagal...
BINABASA MO ANG
I'm Falling For You(Completed)
Roman d'amourSanay si Angel na bansag sa knya ni Nico na negra kahit hindi naman siya kaitiman, katamtaman lang ang kanyang kulay. Hindi naman siya nagagalit kapag tinatawag siya ni Nico ng negra dahil matalik silang magkaibigan kumbaga sanay na siya rito.Pero m...