"Wait till you hear my condition."
Nag-alay sila ng sampaguita sa mga santo at nagsindi na rin ng kandila at panandaliang nagdasal.Pagkatapos niyon ay dumiretso na sila sa Chowking.Doon na nila napagkasunduang kumain dahil iyon ang pinakamalapit na kainan sa simbahan.Magana nilang pinagsaluhan ang lauriat sa mesa.
Black gulaman nama ang inumin nila.
Nagpapapak na lang si Angel ng chicharon nang buksan ni Nico ang paksa tungkol sa kundisyong sinasabi niya."Ano na ang kondisyon mo?"
Umayos ng upo si Angel."Magtatayo na kasi ako ng isa pang branch ng Heart Crib.After doing a little survey,naisip kong mas malaki ang magiging market ko kung mayroon akong branch sa Ayala.From professionals to students,nandoon nang lahat.Kahit mga simpleng maybahay o 'yong mga napadaan lang sa lugar,nandoon na.As of matter of fact,nag-canvass na ako ng mga kakailanganin ko para doon.And..."
"And?"inip na tanong ni Nico.
"And I need your help."
Nagtatanong ang mga matang nakatingin lang sa kanya ang binata,nag-aabang ng iba pa niyang sasabihin.Huminga muna siya nang malalim bago nagpatuloy.
Alam niyang hindi maliit na bagay ang hihingian niya pero kakapalan na niya ang mukha.May nakita na akong magandang pagtayuan ng Heart Crib.Hindi iyon kalakihan pero ayoas na.Tama lang iyon para sa itatayo ko.Nakausap ko na rin ang may-ari ng lupa at under negotiation pa ang presyo n'on."
"So mangungutang ka?"
Sunod-sunod ang ginawang pag-iling ni Angel.
"No,no.Hindi naman talaga utang.Gaya nga ng sinabi ko,nag-canvass na ako at hindi biro ang presyo ng mga materials.Kaya sana,hihingi ako sa'yo ng maliit na discount."Pinagdikit niya ang hinlalaki at hintuturo para ipakita kung gaano kaliit ang hinihingi niyang discount.
Mayroon kasing pagmamay-ari na tatlong sangay ng hardware sa Marikina si Nico.Kung mabibigyan siya nito ng discount ay malaking bagay iyon para makatipid siya."'Yon lang pala,bakit nagpaligoy-ligoy ka pa?Sige,sagot ko na ang lahat ng materials na kakailanganin mo."
Nabigla siya sa naging sagot ni Nico.Hinahanapan niya ng sign ang binata na nagbibiro lang ito.Baka kasi drawing lang ang sagot nito,paraan lang para inisin siya."Nico,I'm serious here."
"Who's joking?"
"If you're not joking,then you must be serious?"
"If you're not makulit,then you must be mas makulit?"panggagaya ni Nico.
"Bansot naman,eh.Hindi nga?"
"Oo nga."
"Pero that's hundreds of thousands."
"I know."
"Malulugi ka."
"Trust me.I won't."
"Discount lang ang gusto ko."
"I'm giving it for free.Basta ba lagi mo akong ililibre ng massage sa Heart Crib,ha?""Oh,Nico."Tumayo si Angel at yumakap ng mahigpit sa binata.Wala siyang pakialam kahit pagtinginan sila ng mga tao roon,kiber niya.Gumanti naman ito ng yakap sa kanya.
"O' ayan,ha,libre na kita.Kaya bago mo ako awayin,isipin mo muna kung gaano kalaki ang gastos ko sa'yo,"pabirong sabi ni Nico nang nakasakay na sila sa kotse pabalik sa bahay.
"Nanunumbat ka na agad wala pa nga," sabi ni Angel ngunit wala naman sa tinig niya ang paninita.
"Paalala lang.Mamaya niyan,bukas awayin mo na naman ako.""Never."May pinalidad sa tono niya nang sabihin iyon.Wala na talaga siyang planong awayin si Nico.
Kahit siguro Ita pa ang itawag nito sa kanya ay hindi siya mapipikon.Sobra pa sa inaasahan niya ang pabor na ibinibigay nito sa kanya.Kaya dapat lang na maging mabuti siya.
BINABASA MO ANG
I'm Falling For You(Completed)
RomanceSanay si Angel na bansag sa knya ni Nico na negra kahit hindi naman siya kaitiman, katamtaman lang ang kanyang kulay. Hindi naman siya nagagalit kapag tinatawag siya ni Nico ng negra dahil matalik silang magkaibigan kumbaga sanay na siya rito.Pero m...