" Kuya,don't get me wrong.Pero panahon na rin siguro to let your friend get a dose of his own medicine.Ilang babae din ang lumuha dahil sa kanya.It is time to get even,"taas-kilay ng saad niya."And besides,matanda na si Nico.Kahit na ano pa'ng gawin mo,kung talagang gusto niya 'yong Shiela,wala kang magagawa.Kaya kuya hayaan mo na lang siya."
"But you promised?"
Sunod-sunod ang ginawang pag-iling ni Angel."Naku,Kuya.Kahit na ipakain mo ako sa buwaya,hinding hindi kita matutulungan sa problema mong 'yan.Nico alone already spells trouble.What more kung may babae pang involve?Naku,giyera-patani na'yon pag nagkataon.At gusto mo pa talagang idamay ako,huh?"Hindi na muli pang nagsalita si Kuya Joel.Basta na lang umalis nang walang paalam.
Alam ni Angel na nagtampo sa kanya amg pinsan.Para sa isang tulad nitong playboy,masyado itong matampuhin.Pero wala siyang magagawa.Talagang ayaw lang niyang madawit sa anumang aktibidades na kasama si Nico.Hanggang maaari ayaw niyang makasama ang binata.
Bata pa lang sila ay magkakilala na silang dalawa.Monster ang tingin niya kay Nico.Wala na kasi itong ibang alam kung hindi ang i-bully siya.Palagi siya nitong inaasar na negra dahil sa kulay niya at walis-tingting naman dahil payat siya.Hanggang sa lumaki na siya ay nakatanim parin sa isip niya ang mga pinagsasabi ni Nico.Aso't pusa,iyon ang marahil ang tamang definition para sa samahan nila.
Kaya never siyang pumayag sa hiling ng kanyang pinsan.Kahit na ano pa iyon,basta may kinalaman kay Nico ay hindi siya papayag.Alam naman niyang hindi rin siya matitiis ng pinsan sa bandang huli.Hindi magtatagal papansinin din siya nito.
"Inday,si Kuya Joel?"tanong ni Angel sa kasamabahay nila pagkauwing -pagkauwi niya.May dala siyang Mocha cake from Goldilocks.Iyon kasi favorite ng pinsan niya.
Three days na mula nang hingiin ni Kuya Joel ang tulong niya na hindi naman niya napagbigyan.Three days narin mula nang huli siya nitong kinausap.Nasa iisang bahay lang sila nakatira,pero tinalo pa nila ang hindi pa magkakilala dahil matindi pa sa magkaaway ang ginagawang pag-iwas sa kanya ng pinsan.
Naiinis na siya sa pagiging immature ni Kuya Joel,pero wala namn siyang magagawa.Sadyang matampuhin na ito mga bata pa lamang sila.Kunting hiling na hindi mapagbigyan,ngtatampururot na agad,pero mas mature pa siyang mag-isip.Palibhasa lumaki itong spoiled ky Tita Marga dahil nga nag -iisang anak.
"Kanina pa ba?"Inilapag ni Angel ang dalawang kahong cake sa mesa,ska kinuha ang spare key na nasa drawer sa cabinet.Sigurado kasi siyang nakalock iyon at kahit mamuti pa ang mata niya sa pagkatok ay hindi siya pagbubuksan ni Kuya Joel.
"Kanina pa,Ate.Lumabas lang iyon para kumain,tapos pumasok na ulit.Nagbilin lang siya na ayaw niya may iistorbo sa kanya".
BINABASA MO ANG
I'm Falling For You(Completed)
RomanceSanay si Angel na bansag sa knya ni Nico na negra kahit hindi naman siya kaitiman, katamtaman lang ang kanyang kulay. Hindi naman siya nagagalit kapag tinatawag siya ni Nico ng negra dahil matalik silang magkaibigan kumbaga sanay na siya rito.Pero m...