Chapter 10

431 389 6
                                    

     Nahirapan siyang tumayo nang tuwid  dahil sa sugat niya."Aray ko,ang tuhod ko,"daing niya.
    Lumuhod si Nico para makita nang mabuti ang tuhod ni Angel."Ang laki ng sugat mo.Tumayo ito at tinangkang buhatin siya.Pero dahil mas matangkad siya ay hindi siya kayang buhatin.Inalalayan na lang siya nitong maglakad.

     "Kapag inaasar n'yo pa ulit si Angel,malalagot na talaga kayo sa akin,"pahabol na  banta pa ni Nico kina Lyn bago sila tuluyang bumalik sa bahay.
    
"Okay na ba 'yang sugat mo?"tanong ni Nico makalipas ng tatlong araw.
      "Medyo masakit pa rin pero pagaling na daw sabi ni Tita."
     "Mabuti naman kung ganoon.Sa susunod ,'wag ka nang makipaglaro do'n kina Lyn.Aawayin ka lang ng mga iyon."
     "Kanino naman ako makikipaglaro?sila lang naman ang mga kalaro ko."
    
     "Sa akin."
     "Paano kaya 'yon?Eh,lalaki ka ,tapos babae ako."
     "Pwede naman,ah."
     "Promise?"
     "Promise."
     Tinupad naman ni Nico ang pangako kay Angel.
Mula noon ay hindi na humiwalay sa kanya si Nico.

     "Nico,laro tayong agawang base."nakangiting aya ng kapitbahay nilang si Charles.
     Tumingin muna si Nico kay Angel bago sumagot.
Wala kasing makakasama dito si Angel.
     "Pambabae naman 'yang laro n'yo."Tinapunan ni Charles ng tingin ang nilalaro nilang doll house.

     "Sige na,Nico sumama kana,"sabi Angel.Ayaw kasi niyang dahil sa kanya ay hindi makapaglaro si Nico.Palagi naman niya itong nakakasama.
     "Charles,dito na lang ako.Sa susunod na lang ako sasali sa inyo."
     "Sige bahala ka."Iniwan na sila ni Charles.

  "Bakit 'di ka sumama?Baka mamaya asarin ka na naman nila,"worried na sabi ni Angel.Ilang beses na kasi napapaaway si Nico dahil sa kanya.Madalas kasi na inaasar itong bakla dahil dahil siya ang palagi nitong kasama.
     "Eh,mas gusto kitang kasama kysa sa kanila."
     Nakayuko si Nico habang sinasabi iyon.Mabuti na lang para hindi nito mapansin ang masaya niyang ngiti.

Angel and Nico were the best of friends then.Dahil sa closeness nila kaya naging mag-bestfriend sina Nico at Kuya Joel.But good things don't last forever.
     Hindi sinsadyang narinig ni Angel si Nico na may kausap.Aalis na sana siya dahil alam naman niyang masama ang mag-eavesdrop.Ngunit narinig niya na binanggit ang pangalan niya.

     "Yong tungkol kay Angel,Nic.Ano, umamin ka na?Totoo ba?"
     Nakilala ni Angel ang tinig ni Kevin.Lalo pa niyang pinag-igi ang pakikinig sa dalawa.
    "Hindi nga.Wala nga akong crush kay Angel.Iba ang crush ko"mabilis na sagot ni Nico."Wag kang maniniwala kay Charles,nagsisinungaling lang iyon.
Imposibleng maging crush ko 'yon.Bukod sa negra na nga,payatot pa,"patuloy nito.

Napasinghap si Angel dahil sa sinabi ni Nico.Hindi niya mapigilang umiyak.Mabilis tinakpan niya ang knyang bibig pra hindi siya marinig ng mga ito.

     "Sino pala ang crush mo?"Si Kevin ulit.
     "Basta,pero hindi si Angel."
     "Eh,bakit kayo palagi ang magkasama?"
     Hindi sumagot si Nico ,waring nag- iisip pa ng isasagot.
    
     Hindi na rin naman naghintay si Angel ng sasabihin ni Nico.Tumakbo siya pabalik sa loob ng bahay nila.Iyak lang siya ng iyak.
     Mula nga noon ay isinumpa niya sa sariling hindi na makikipagkaibigan kahit kailan kay Nico.Napakasama nito.
     Kunwari lang pala ang lahat ng kabutihan na pinakita nito sa kanya......
    

I'm Falling For You(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon