" Kuya!" Lumaylay ang mga balikat niya.Tuluyan na siyang nawalan ng gana na makinig sa sasabihin pa ng pinsan.Kaya naman pala OA ito sa pamimilit para mangako siya.
"You promised.At kapag di mo tinupad ang pangako mo ay ipapakain ka sa malaking buwaya."
Napasimangot si Angel.Laro nila iyon noong mga bata pa sila.Kunwari ipapakain sa buwaya ang di maruning tumupad sa pangako."
Ano ba kasi problema mo na may kinalaman sa magaling mong kaibigan?""May girlfriend kasi siya------ "
"Kuya,kailan ba naman nawalan ng girlfriend ang isang iyon?Pareho lang naman kayo,diba?Hindi ko nga alam kung may secret mission ba kayo na magparamihan ng girlfriends,eh,"putol niya sa sinasabi ng ng pinsan."Angel iba ito .Serious na kasi si Nico.Mukhang in love na kay Shiela".
Natahimik siya.Bago iyon sa pandinig niya."So ano namang problema kung mainlove man siya do'n sa Shiela na iyon?Mabuti nga iyon ng para mabawasan na ang mga playboy dito sa mundo.""Pero hindi siya pwedeng ma-inlove kay Shiela",kontra ng pinsan niya.
"Kuya don't tell me na may gusto ka kay Shiela at ayaw mong mapunta siya kay Nico?Teka, di ba may usapan kayo na hindi kayo magiging magkaribal kahit na kailan?"Umayos ng upo si Kuya Joel."Sira ka talaga.Hindi iyon,okay?Malabong magkagusto ako do'n sa Shiela na iyon,"puno ng disgustong sabi nito.
Napakunot-noo si Angel.Curiousity was written all over her face.So ano ang inaaayaw ng pinsan niya sa Shiela na iyon?"Bakit naman?""She doesn't deserve Nico,"maigting sabi ni Kuya Joel."Numero unong playgirl si Shiela."
Napabunghalit siya ng tawa.Naihampas pa niya ang kanyang kamay sa kanyang hita sa labis na katuwaan."Wow Kuya,hiyang hiya naman ako sa inyong dalawa.Kung makapagsalita ka,akala mo santo kayo.Virgin lng ang peg?"
" Tumigil ka nga muna sa kakatawa and hear me out first,"napipikon na saad nito.
Tumahimik naman si Angel.Kapag ganoon na ang tono ng pinsan niya ay dapat na talaga siyang magseryoso."As I was saying,Shiela doesn't deserve Nico.Dahil sa bukod playgirl ay gold digger pa siya.Isang kita ko pa lang sa kanya,alam kong pera lang habol n'on sa kaibigan ko.Minsan nakita ko siya na may ka date na ibang lalaki.No'ng nilapitan ko nga,ni hindi ko man lang kinikitaan na nahiya siya sa akin.Tuloy parin sa sila ng ka-date niya na parang wala ako doon."
"Anong sabi ni Nico ?"
"Wala.Okay lang daw kung makipagdate man sa iba si Shiela.He understand daw."Tumango-tango si Angel kahit na gusto niya mapailing.Ang mga lalaki nga naman talaga,hindi gusto na nalalamangan sila.Kapag ang lalaki nagloko,okay lang.Pero kapag ang babae nagloko,masama na agad ang tingin ng lipunan.Buhay nga naman."Okay lang naman pala sa kanya.so what's the big fuss?"
"Aren't you listening?Lolokohin lng n'on si Nico at iiwang luhaan."
BINABASA MO ANG
I'm Falling For You(Completed)
RomansSanay si Angel na bansag sa knya ni Nico na negra kahit hindi naman siya kaitiman, katamtaman lang ang kanyang kulay. Hindi naman siya nagagalit kapag tinatawag siya ni Nico ng negra dahil matalik silang magkaibigan kumbaga sanay na siya rito.Pero m...