Chapter 18

399 375 10
                                    

     "Babe,may gagawin pa tayo,'di ba?"
Malambing na inilingkis ni Shiela ang braso sa bewang ni Nico.
"Sabi mo bibilhin mo para sa 'kin 'yong nakita kong dress sa mall?"

     Hindi mapigilan ni Angel ang pagtaas ng kilay dahil sa narinig.Mukhang hindi nga nagsisinungaling ang pinsan niya.Pera nga lang yata ang habol ni Shiela kay Nico.Halos umabot na sa bumbunan niya ang kanyang kilay nang makitang malambing na yumakap si Nico sa dalaga.

     "Later,Babe."Masuyo pang pinisil ni Nico ang pisngi ni Shiela.
     "Okay, CR lang ako."

     Naibaling na lang ni Angel sa ibang direksyon ang mukha niya nang maghalikan ang dalawa sa mismong harap niya.Sa gilid ng kanyang mata ay nakita pa niya nang hampasin ni Nico ang puwitan ni Shiela.Magiliw na tumawa naman ang babae sa ginawa ng binata.

     Binalingan ni Angel si Nico.Ngiting-ngiti ito habang sinusundan ng tingin ang papalayong babae.
     Pinitik niya ang ilong nito."Hoy, bansot.Tingin pa lang,parang hinuhubaran mo na,"inis na saad niya.
     Nakangiti pa rin si Nico nang tumingin sa kanya.
"Sexy."Sumipol ito habang pinagkikiskis ang dalawang palad.

     "Maniac!"Bigla siyang nainis dahil sa sinabi ni Nico.Tumalikod siya at nagmartsa palabas ng bahay.Mabilis naman itong humabol sa kanya.

     "Negra,wait lang"
     Hindi tumigil sa paglalakad si Angel.Negra na uli ang tawag sa kanya dahil lang nandoon si Shiela sa bahay nito.

     "Negra,ano ba?Kagabi ka pa, ah."Mabilis itong humarang sa dadaanan niya.Isinara din nito ang gate  para hindi siya tuluyang makalabas.

     "Umalis ka na nga diyan.Padaanin mo nga ako."
Itinulak niya ang binata upang makadaan siya pero para lang siyang tumulak sa pader.Hindi man lang ito natinag kahit kunti.

     "Sabihin mo muna kung bakit ang suplada mo?"
     "Ano bang pakialam mo?"singhal niya.
     "Negra naman."

     "Wag mo nga akong tawaging negra,"sita ni Angel.
Dati naman siyang hindi napipikon sa pagtawag sa kanya ni Nico ng negra.Pero nang makita niya kung gaano kaganda si Shiela,feeling niya hindi na lang pang-aasar ang ginagawa ni Nico.Nilalait na rin nito ang itsura niya.

     "Okay.Angel,bakit ba?"
     "Tse!"

     Hindi na niya naisip ang mission number three niya na palaging maging mabait at nakangiti kapag kaharap si Nico.Basta naiinis siya rito.Naiinis siya kay Shiela.Naiinis siya dahil magkasama ang dalawa.Naiinis siya sa lahat.Kung bakit?Ayaw niyang isipin ang sagot.

    

I'm Falling For You(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon