Prologue

179 2 2
                                    

Matagal na kaming magkakilala. At matagal ko na rin syang gusto.

Pero hanggang ngayon. Hindi pa rin nya ko napapansin.

Sinubukan kong sabihin ang nararamdaman ko para sa kanya pero hindi ko magawa. Natatakot akong mawala sya sakin.

Simula pa man noong mga bata kami, close na talaga kami. Marami ngang nagsasasabi na balang araw, magkakatuluyan kami.

Dati naiinis ako pag may naririnig akong ganoon, pero iba na ngayon. Mahal ko na sya at umaasa ako na tama sila sa mga sinasasabi nila.

Pareho kami ng elementary school na napasukan noon. Syempre wala pa kaming alam noon, pero sinet-up talaga yun ng mga magulang namin.

Noong highschool, pinag-usapan namin na parehong school ang papasukan namin, at naging classmates pa kami.

Dito, nagkaroon kami ng ibang set of friends. Pero nakakahanap pa rin kami ng panahon para sa isa’t isa.

2nd year highschool, nagkaroon ako ng bf at sya naman nagkaroon din ng gf, pero nag break din sila.  Dito nagsimula kaming mag grow apart.

3rd year highschool, nagsimula akong magkagusto sa kanya. Namiss ko yung dating closeness namin at dito ko rin na realize na sya pala ang mahal ko.

4th year highschool, nagsisimula nang bumalik yung closeness namin, kaya lang nalipat sya ng ibang section. Nag break kami ng bf ko at sya naman nagkagusto rin sa iba. Masakit sakin na marinig syang magkwento tungkol sa iba pero mas masakit makita syang malungkot dahil may ibang mahal yung girl.

By the time na grumaduate kami, close na kami ulit. Sa celebration naming magkakabarkada, nag confess ako sa kanya. Pero sabi nya infatuated lang daw ako, at parang kapatid lang ang turing nya sakin.

Ouch! Alam ko seryoso sya, at meron ngang possibility na tama sya, pero sigurado ako sa nararamdaman ko. Alam ko na sa loob ng sampung taong magkakilala kami, mahal ko na sya pero hindi ko lang nakita.

Pero ngayong college na kami, I’ve decided. Gagawin ko ang lahat para lang mahalin nya rin ako.

He's My Hero and I'm His Princess [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon