Chapter 21

18 1 0
                                    

A/N:

So yeah... Alam ko medyo matagal na... pero here it is! Sorry for my laziness! Please enjoy, comment and like... Thank you!

---------------------------------------------------

Isang linggo bago ako nakalipat sa dorm nila Joey. Ngayon, wala na kong excuse para hindi pumasok sa school.

Grabe ang dami ko nang absences. Nakakahiya nang pumasok.

“Tara na Iya.”,sabi ni Joey.

“Sige. Eto na.”

Nagmadali akong kainin yung almusal namin. Itlog, pancit canton at hotdog. Ganito pala pag nagdo-dorm, either magluluto kayo ng pagkain nyo, o bibili kayo. Pareho kaming hindi marunong magluto ni Joey kaya ganto lagi ang mga kinakain namin sa umaga.

Pagdating namin sa classroom, wala pang professor. Pero pagkakita sakin ng mga kaklase ko, bigla silang nagkagulo. Lahat sila nagsilapitan sakin at tinatanong kung ok na ba ko at wala na kong sakit. Sobrang na touch ako sa pag-aalala nila. Halos maiyak na ko. Nandon na rin si Carl, pero hindi sya nakikigulo sa mga kaklase namin at nakangiti lang na nakatingin samin.

Pagkatapos ng klase, nagkayayaan kaming magpunta sa karaoke hub para magcelebrate. Tinanong ko sila kung pwede ko bang ayain si Maddy at pumayag naman sila. Umalis sandali si Carl para tawagin si Maddy. Matagal kaming nag-aantay kay Carl, pero hindi na sya nakabalik. Nag text na lang sya bigla na mauna na kami. Susunod na lang daw sya mamaya. Nag-alala ko bigla na baka may nangyari kay Maddy kaya tumakbo ako pabalik ng school. Tinatawagan ko si Carl at Maddy pero pareho silang hindi sumasagot.

Nung napagod akong tumakbo, nakita ko si Nick at Ken sa tabi ko. Sinundan pala nila ko.

“Ano na Iya? Tutuloy pa ba tayo?”, tanong ni Nick.

Sasabihin ko sana hindi na dahil baka may nangyari kila Carl, pero biglang tumunog yung phone ko. Si Maddy, tumatawag. Sinagot ko agad.

“Maddy? Asan ka?”, tanong ko.

“Bakit? Ano nangyari?”, tanong nya.

“Ok ka lang ba? Nandyan ba si Carl? Bat di kayo sumasagot kanina?”

“Oo nandito si Carl. Sorry. May ginagawa kasi ako tapos biglang sumulpot tong si frog. Pero ok lang kami. Pasensya na nag-alala ka pa. Sige na umuwi ka na. O magkaraoke kayo kung yon yung plano nyo. Basta ok lang kami.”

“Ano ba yang ginagawa nyo? Hindi ba pwedeng bukas nyo na lang gawin? Gusto ko sana makasama kayo magcelebrate.”

“Hindi eh. Sorry. Pero ingat kayo. Enjoy! Bye!”

Tapos binaba na nya yung phone. Ano bang nangyayari? Pero magkasama sila ngayon ni Carl, right?

“Anong sabi Iya?”, tanong ni Ken.

“Tara na. Hindi raw sila makakasama.”

Yung ginagawa nila, ano kaya yon? Parang gusto kong malaman na ayaw ko. Sa boses ni Maddy, parang tumatakbo sya eh. Hindi kaya.... eeewww! Pero hindi ganong klaseng girl si Maddy. I know her. Or do I? But still... pero hindi eh. Kasama namin si Carl kanina, so kung ano man yung ginagawa ni Maddy, baka nakita lang sya ni Carl. Baka naman project yon? Pero this early in the semester? July pa lang eh.  Pero yun lang yung logical explanation. Nagdesisyon si Carl na tulungan si Maddy sa project nya, kaya hindi sya makakasama. Sabi ni Maddy, hindi pwedeng gawin bukas, so pasahan nila bukas? Weird. Bahala na. Basta bonding moment nila to. At di ko sila pipigilan.

Nagpunta nga kami sa k-hub at nagcelebrate. Sobrang dami kong nainom, naka apat yata ko... ng softdrinks! Haha. For the first time in a long time, nakapag party ako nang hindi nalalasing. Well, not that long. Siguro since nag start yung school. Ang saya talagang magkantahan. Kung maganda lang boses ko, gagawin ko to araw araw, oras oras, at kung saan saan. Pero wala eh. Hindi ako talented sa music.

He's My Hero and I'm His Princess [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon