Chapter 10

26 1 0
                                    

Carl’s POV

“Sab, please buksan mo tong pinto.”, nakita ko si Ethan na kinakalabog ang pinto ni Sab.

“Couz, anong nangyari?”, tanong ko sa kanya.

“Uhmm.. Wala to couz. Si Iya? Umiiyak pa rin ba sya?”

“Oo.”,sabi ko. “Kasama nya ngayon si Maddy sa baba. Narinig namin yung sigaw nya kanina. Ano bang nangyari?”

“Wala. Misunderstanding lang.”

Tinitigan ko syang mabuti.

“Please, couz. Leave it be.”,pakiusap nya.

“No. If it concerns Iya, I wanna know.”

“Then maybe later. But right now, I’ve got problems.”,sabi nya. Halatang ayaw nyang ipaalam kung anong nangyari

Kumatok ako sa pinto ni Sab.

“Sab?”,sabi ko. “Si Carl to. Wala na si Ethan.”

Binuksan ni Sab yung pinto. Bago pa sya makapagsalita, pumasok na kami ni Ethan sa loob.

“Gusto mo malaman kung anong nangyari?”,tanong ni Sab sakin.

“Please don’t.”,sabi ni Ethan.

“What?”.sabi ko.

Tinitigan ni Sab si Ethan ng masama. Baka ayaw nyang nandito si Ethan.

“Nate.”,sabi ko. “Mabuti pa umalis ka muna dito.”

“But-”

“Please. Kung ayaw mo ng gulo.”

Pinakita ko na seryoso ako. Kahit sapilitan ko pa syang paalisin, gagawin ko kung yun lang ang paraan para malaman ko kung ano ba talaga yung nangyari.

Umalis din sya kahit na ayaw nya.

Umupo kami ni Sab sa kama nya.

“Yung ano kasi..”,pagsisimula nya.

Huminga sya ng malalim.

“Mabuti pa simulan ko muna sa umpisa.”,sabi nya.

“Di ba natatandaan nyo yung dating trato sakin ni Maddy? Tapos sinabi ni Ethan na kami daw? Well.. Hindi yon totoo. Sinabi nya lang yon para layuan ako ni Maddy.”,sabi nya.

Actually, hindi ako na surprise sa sinabi nya. May hinala na kasi akong wala syang gusto kay Nate. Parepareho lang kasi trato nya samin dito sa bahay eh. Kahit kay Maddy. Likas lang talagang mabait si Sab. At least from what I’ve observed this past few days. And from what I’ve heard from Iya and Nate too.

Pero si Ethan... I think...

“Pagkatapos noon, nagpanggap nga kami na kami na. Kahit si Iya, hindi nya alam.”, huminto sya dito sandali.

“Kanina, nung umalis kayo ni Maddy, dumating sila. Halos magkasunod lang kayo. Kumain kami at nagkwentuhan. Umakyat si Iya sa kwarto.” Huminto ulit sya, pero medyo matagal na.

“Tapos?”

“Tapos..”

“Ano?”

“Tapos... Si Ethan... ano eh.. kasi...”

“Ano nga?”

Huminga sya ng malalim.

“Sinubukan nya kong halikan.” Hinto ulit. Pa suspense pa kasi oh..

“Tapos? Anong ginawa mo?”

May sinabi syang mahina pero hindi ko naintindihan.

“Ano?”

He's My Hero and I'm His Princess [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon