Chapter 23

10 0 0
                                    

Ethan’s POV

01:28 pm na. 1:00 pm ang labas nya sa klase ngayon. Siguro malapit na sya ngayon sa dorm.

Kailangan tatagan ko ang loob ko at kausapin ko sya.

Ang tagal ko na tong ginagawa pero hanggang ngayon, natatakot pa rin akong lapitan sya.

Tinitingnan ko lahat ng pumapasok sa building.

Kinakabahan ako. Anong sasabihin ko sa kanya? Paano kapag nagalit sya sakin, o kaya hindi nya ko pinansin? Pero hindi. Hindi sya ganoong tao. Sigurado, kakausapin nya ko kapag nilapitan ko sya. O kung hindi man, makikinig sya sa sasabihin ko.

Nakita kong bumaba sya sa jeep.

This is it! Go Ethan. Kaya mo yan!

Naglakad ako papalapit sa kanya, pero napahinto ako bigla.

May kasama kasi syang lalaki. Hindi ko kilala. Baka kaklase nya.

Bumalik ako sa pinagtataguan kong puno sa tabi ng building at inantay kong umalis yung lalaki.

Bakit ba hindi pa yon umaalis? Sino ba yon?

Nakatayo lang sila sa tapat ng building at nag-uusap.

Ngumiti sya at tumawa.

Bakit? Anong sinabi nya na nakakatawa? Dati ako nagpapangiti sayo, mababalik ko pa ba yon?

Ang sakit sa puso! Nagseselos ako! Parang bumalik ako sa highschool, nung nireject ako ng first love ko.

Pakiramdam ko, hindi pa kita kayang harapin ngayon. Mas ok na sakin yung ganito, na nakikita kita kahit nasa malayo.

Umalis na ko pagkatapos nilang pumasok sa building.

Haayy...

Ano bang gagawin ko?

Pag-uwi ko sa bahay, nakita ko si Carl at Maddy sa kusina. Papasok sana ko para kumuha ng pagkain, pero narinig ko yung pangalan ko sa usapan nila. Ayokong pakinggan kung ano man yung mga sinasabi nila.

Bumalik ako sa sala.

“Hindi ka ba nag-aalala sa pinsan mo?”, malakas na sabi ni Maddy.

Alam ko nag-iisip din sila kung saan ako lagi nagpupunta. Pero hindi ko pwedeng sabihin dahil alam kong magagalit lang sila.

Umakyat na lang ako sa kwarto para hindi ko na sila marinig.

Nilabas ko ang phone ko para makinig ng music, pero nakita kong ng text pala sya.

Nakita kita kanina sa tapat ng dorm. Bakit ka nagpunta?

Sabi ko na hindi yon magagalit sakin eh. Nag reply ako.

I need to talk to you.

Inantay ko yung reply nya hanggang sa makatulog na ko sa kama.

Paggising ko, gabi na. At may reply na rin sya.

Bakit? Dito mo na lang sa text sabihin.

Ouch! Ayaw nya pa ring magkita kami. Pero kailangan ko talaga syang makausap ng harapan. Tinawagan ko sya.

Ayaw nyang sagutin. I-off nya yung phone nya.

Ano bang gagawin ko? I’m so lost and confused. I need to see her.

Kinabukasan, pagkatapos ng klase, nagpunta ko ulit sa dorm nya. Hindi ko alam kung may klase sya ngayon o kung anong oras sya uuwi, basta ang alam ko lang, kailangan ko syang makausap.

He's My Hero and I'm His Princess [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon