Chapter 11

18 0 0
                                    

Iya’s POV

It’s been 3 days na hindi ko sya kinakausap. 3 days na hindi kami nagpapansinan. 3 days na hindi ko pa rin sya mapatawad.

Naiinis ako sa sarili ko.

Hindi dahil galit ako sa kanya. Hindi dahil sa nasasaktan ako pag nakikita ko sya o si ate Sab. Hindi dahil sa niloko nila ko. Kundi dahil sa hanggang ngayon, umaasa pa rin ang puso ko na sya pa rin yung hero na kilala ko dati. Yung pinapangarap kong knight-in-shining-armor na magliligtas sa kin. At syempre, yung hero na pro protekta sakin habambuhay.

Nakakainis kasi alam ng isip ko na hindi na yon pwede.

“Hoy!”, si Carl. Nandito na naman sya.

“Hindi ka pa rin ba papasok ngayon?”, tanong nya. Alam kong nag-aalala lang sya sakin, pero naaalala ko si Ethan kapag nakikita ko sya.

“Please, just leave me alone.”, sabi ko.

Wala naman syang magawa kundi umalis.

Haayy.

Ang boring dito sa kwarto. Wala akong ibang ginawa kundi isipin yung mga nangyari 3 days ago.

I need to get out of here.

Nandito kami ngayon ni Maddy sa mall. Nahuli nya kasi ako nung paalis na ko ng bahay. Hindi ko kasi alam na wala pala syang pasok. Ano kayang ginagawa nila Ethan? Hindi ba sya nagui guilty sa ginawa nya sakin? Bakit hindi pa sya nagso sorry? I hate him. Hmmpp!..

“Iya! You’re spacing out again!”, tinititigan ako ni Maddy.

“Sorry. Ano bang papanoorin natin?”

“Bahala ako?”

“Oo.”

Nakatingin sya sakin na makahulugan. Tapos ngumiti sya na parang may binabalak na masama. Uh-oh.

OMG! OMG! OMG! I HATE YOU MADDY!!!!

“AAHHHH!!!!!!!”

OMG!! Ano yung sumigaw??!!! Nakatakip ang kamay ko sa mata ko kaya wala akong makita. Pero naririnig ko yung nakakatakot na sounds! I H-A-T-E THIS!!!

Sumilip ako sa tabi ko. Si Maddy tutok na tutok sa pinapanood. Bakit ba kasi ang tanga ko? Kainis! Dapat ako na lang namili ng movie para hindi horror. Huhu.

“Ano ka ba Iya! Tanggalin mo yung kamay mo at manood ka! Tingnan mo sasaksakin na nya yung lalake!”

“Ayoko! Natatakot ako!”

Pinipilit nyang tanggalin yung kamay ko sa mata ko. Natanggal nya kaya pumikit na lang ako. Grabe ang lakas talaga ni Maddy.

Haayy.. sa wakas! Natapos din yung movie.. phew! Nakakatakot kahit sounds lang ang naririnig ko.

“Alam mo sayang lang yung pera mo. Hindi ka naman nanood eh!”

“Eh bakit kasi horror! You know I hate horror films!”

“Syempre para masanay ka! Haha! College student ka na takot ka pa rin sa horror! Hahaha!”

“I hate you, you know.”, dati pag ganito, pinagtatanggol ako lagi ni Ethan. Sasabihin nya, hindi lady-like kapag mahilig sa horror. And normal lang ang natatakot.

“Hoy! Napapangiti ka dyan?”

“Ahhh. Wala.” Naaalala ko na naman sya.

“Sige. To make it up to you, I’ll let you chose our next film. I’ll pay.”, sabi nya.

This time, romantic comdy yung pinanood namin. Grabe, sobrang tawa ako kay Eugene.

“I’m bored.”, sabi ni Maddy.

He's My Hero and I'm His Princess [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon