Chapter 13

18 0 0
                                    

Nagbigay ako ng letters pero tingin ko hindi naman nila binasa.

Nagbigay ako ng gifts pero tinapon lang nila.

Kinantahan ko na sila pero pinagsaran lang ako ng pinto.

Nagsabit pa nga ko ng malaking “I’m sorry” na tarpaulin sa tapat ng bahay namin eh.

Pero lahat ng yon, walang effect. Kahit anong gawin ko, di nila ko pinapansin.

Ano na bang gagawin ko? Wala na ba talaga kong pag-asa?

Di ko na alam kung anong dapat kong gawin. Naiinis na ko dahil ang hopeless ko. Bad trip! Mabuti pa itulog ko na lang to.

7:00 a.m. na, pagluto ko kaya sila? Magpapatulong ako kay Carl.

Pagbaba ko, nandoon na si Manang at malapit nang mag-umpisang magluto.

“Manang, kami na lang po ni Carl ang magluluto.”

“Naku pano kayo magluluto eh umalis na si sir Carl kaninang alas sais pa lang.”

“Ha? San po nagpunta?”

“Sorry sir. Di naman nya sinabi kung saan. Gusto mo pa rin bang magluto sir?”

“Uhmm.. gusto ko po sana, kaya lang di po ako ganoon kagaling magluto.”, nahihiyang sabi ko.

“Naku sir Nate, akong bahala sa inyo. Tuturuan ko kayo ng secret recipe ko.”, nakangiting sabi ni Manang.

“Talaga manang? Naku thank you po. Sige po ano po bang lulutuin natin?”, excited kong tanong.

At nagluto nga kami ni Manang. Grabe ang hirap palang magluto, ang daming ginagawa. Gusto ko kasing masabi na ako ang nagluto kaya inako ko lahat ng gagawin. Si Manang, tagabigay lang ng instruction.

Natapos kaming magluto ng mga 7:45 a.m. Inayos na namin ni Manang ang lamesa at inantay namin silang bumaba.

Unang bumaba si Maddy.

“Is that sinigang? That’s my favorite! Thank you Manang!”

Bumababa na rin si Iya sa hagdan.

“Naku hindi po mam. Si sir Nate po ang nagluto nyan.”, sagot ni Manang kay Maddy.

“Really? Kailan ka pa natutong magluto Nate?”, tanong ni Maddy.

“Ngayon lang.”

Umupo na si Iya sa mesa. Umupo na rin si Maddy.

Si Sab pababa na rin ng hagdan.

Pag-upo ni Sab, umupo na rin ako.

Nag pray kami tapos kumain na kami.

“Wow Nate. In fairness masarap tong luto mo.”, sabi ni Maddy sakin.

“Thanks. Recipe yan ni Manang.”, sabi ko.

Akala ko ok na, pero biglang tumayo si Iya.

“Sorry. I need to leave early. May biglaang gagawin pa kami ng groupmates ko. Sorry. Bye.”, and just like that, umalis na sya.

Ouch! Ang sakit! Pinaghirapan ko to para sa kanila, pero di man lang tinikman ni Iya. Napatingin ako kay Sab. Tahimik syang kumakain. Pero parang tumitikim lang. Thankful ako na hindi sya umalis ng mesa at kahit papano, tinikman nya yung luto ko.

The rest of the morning passed uneventful. Nagsipasukan na kami sa mga classes namin. Hindi nga ko makapag concentrate dahil iniisip ko pa rin kung paano ko maayos yung gulong ginawa ko sa bahay. Ayoko na ng awkward situations kung san di kami nag-uusap. Namimiss ko na yung kakulitan ni Iya at yung sweet smiles ni Sab.

He's My Hero and I'm His Princess [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon