Chapter 01

82 1 0
                                    

Wow! Ang ganda naman ng residence hall na to. Sana makakuha ako dito ng room at sana maging friends kami nung magiging roommate ko.

Ang tagal naman nilang mag-usap.

“Sige po dito po tayo.”, sabi ng dorm manager.

Umakyat kami sa 3rd floor at pumasok kami sa isang room na walang tao. Wow!! Mas lalo kong nagugustuhan itong dorm na to.

May sinasabi yung manager about sa mga features ng rooms and nung mismong dorm nila.

“Ano hija?”, sabi ni mommy. “Gusto mo na ba dito?”

Nakangiti akong tumungo sa kanya.

“We’ll take it.”, sabi nya sa manager.

Yes!! Dito na ko magdo dorm!!

Nakababa na kami ulit sa lobby para mapirmahan na yung mga documents.

“AWOOOHHH!!!”, ano yun? Bat may mga sumisigaw?

Pumunta kami sa labas para silipin kung anong meron.

OMG!! May Oblation Run!!

Tumalikod ako kaagad para hindi ko makitang dumadaan sila.

May kumalabit sakin.

Lumingon ako at pinilit kong wag dumilat pero kumakalabit pa rin sya.

Dinilat ko ang mga mata ko at nakita ko ang isang lalaking nakamaskara. Binigyan nya ko ng isang rose at tumakbo na sya ulit.

Grabe sila. Yuck!! I think I’m gonna have a nightmare tonight.

At dahil sa nangyari, nagbago na ang isip ni mommy about sa dorm. Ayaw na nya ko doon!! Sabi nya rin sa UST na lang ako mag-aral!! Waahh!! Nakakainis!!! Ang hirap hirap makapasok dito sa UP tapos gusto nya i forfeit ko yung slot ko dahil lang sa oblation run!! I hate this!! Bakit ba kasi ginagawa nila yun??

Haayyy.. Ano kayang gagawin ko para magbago ang isip ni mommy??

*ring ring*

May nag text..Galing kay Ethan!!!

“Kamusta ang lakad nyo ni tita?”

“Hayy.. Hindi maganda. Gusto nya sa UST na lang ako mag-aral.”

“What happened?”

“Mayroon kasing oblation run kanina, at nakita namin yun kaya nagbago ang isip nya. Huhu. :’(“

“I’m sorry. Kamusta ka naman ngayon?”

“Eto, nag-iisip ng paraan para magbago ang isip ni mommy. May suggestion ka ba?”

Medyo matagal sya nag reply.

“Wala eh. Sorry. Good luck sa school mo. Wala na kong load. Ok lang yan princess. I’m sure tita just wants what’s best for you. :)”

“Haayy.. Sana nga tama ka hero. I hope everything works out for the best. :)”

Sayang naman, hindi ko na sya makakatext ngayon. Nasan na ba si mommy? Kailangan ko pa ring subukan na baguhin ang isip nya.

Pumunta ako sa sala at nakita ko syang may kausap sa phone. Inantay ko silang matapos tsaka ako lumapit kay mommy.

“Mommy!! Please please please!!! I really really REALLY wanna go to UP!!”, malambing kong sabi sa kanya.

“No hija. Nakita mo naman kung anong klaseng mga tao ang meron doon di ba? Sa UST ka mag-aaral.”, matigas nyang sabi.

Nag pout ako ng lips at niyakap ko sya. Sabi ko, “But what’s the difference? I mean, the same kinds of people are in UST, the only difference I see is that the people in UP are essentially smarter than in UST.”, sabi ko sa kanya na malambing ulit.

Tumingin sya sakin na para bang na shock sa sinabi ko.

“What?”, sabi ko.

Lumingon lang sya at naglakad palabas ng garden. Hinabol ko sya pero nakarating na kami ngayon sa garden.

“What did I say?”,sabi ko.

Tumingin sya sakin ng seryoso at sinabi nya, “Your father was a UST alumni.”,sabi nya. Nakatingin na sya sakin ng masama. Na guilty ako bigla. Mukhang may idadagdag pa sana sya pero hindi na nya tinuloy, umalis lang sya.

Nainis ako sa sinabi nya. Yun lang ba ang dahilan kung bakit gusto nya dun ako mag-aral? Paano naman yung gusto ko? Wala na ba kong say sa magiging future ko? Kung gusto nya sa UST, eh di sya ang mag-aral doon! Bat kailangan akong idamay? And besides, kahit naman si daddy, hindi ganoon kagusto ang UST. Natatandaan ko dati lagi nyang sinasabi wag ako doon mag-aral. Kaya never ko kinonsider na mag-aral doon.

“Ma’am telepono po para sa’yo”, sabi sakin ni manang habang hawak yung telepono.

“How many times do I have to tell you, manang? Call me anything but ma’am.”, sabi ko sa kanya sabay kuha sa telephone.

“Ok po. Ma— Mi-miss..”, sabi nya sabay balik sa kusina.

“Hello?”, sabi ko sa reciever ng telephone.

“Princess!”

“Hero! Ikaw pala!”

“Kamusta yung pagkumbinsi mo kay tita?”

“Hero, I think I blew it. Can you help me?”

“Sorry princess, not this time.”, sabi nya na medyo tumatawa. Alam ko gustong gusto nya tong nangyayari sakin.

“You know you’re always like that.”, sabi ko na medyo hurt. “Not helping me when I need you to.”

“It’s not that I don’t want to help you.”, sabi nya. “But I actually agree with tita. About you going to UST rather than in UP”

“But why? Why is it better in UST than in UP?”, sabi ko, medyo naiinis na ko.

“Because then, we’ll be going to the same college.”, sabi nya.

Alam ko sobrang laki ng ngiti nito sa kabilang line. At ganun din ako.

---------------------------------------------------------------------------------------

A/N:

First chapter done!! Sana subaybayan nyo rin to kasi gagawin ko tong isang full length novel. hahaha!!! 

Thank you sa mga readers!! Sana naman nagugustuhan nyo ang mga kabaliwang nababasa nyo. haha! peace out.. God Bless you all... 

He's My Hero and I'm His Princess [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon