Chapter 15

26 0 0
                                    

A/N:

So.. longest chapter so far... may mga nagrereklamo sa takbo ng story... pero promise, d ako magde deviate sa original ending na plano ko... basta I have my reasons... just trust me... enjoy.... :D

---------------------------------------------------------------------------

Iya’s POV

Panibagong araw na naman. Panibagong araw na kailangang makalimutan ko na sya. Nakakainis! Bakit ba kasi kung kailan ako nagdecide na wala na kong pake sa kanya, tsaka pa sya nagsorry.

“Good morning.”, bati sakin ni ate Sab.

“Good morning.”, sabi ko. I knew it wasn’t her fault, but everytime I see her I always remember what happened that night, and with it the person who I’m trying hard to forget.

Sabay kaming bumaba at nag-almusal. Medyo weird kasi walang ibang tao dito kahit 7:30 a.m. pa lang. Ano kayang nangyari kila Carl at Maddy? Kahapon ko pa sila di nakikita eh. Nakauwi ba sila?

 “Manang, nakita nyo po ba sila Carl at Maddy?”

“Si sir Carl, di naman po umuwi. Si Miss Maddy, nasa taas pa po at natutulog.”

Weird. Si Maddy nag-oversleep. Baka napagod kahapon. Sino kaya yung sumundo sa kanya? Tapos si Carl di umuwi. San kaya yon natulog?

“Ah, Manang. Napansin nyo po ba kung anong oras nakauwi si Maddy? Tsaka kung may naghatid ba sa kanya?”

“Nakauwi sya mga 11 ata. Tapos yung naghatid, di ko po nakita. Pero yung kotse kulay pula.”

Ahhh.. So yung sumundo sa kanya, yun din yung naghatid pa-uwi. Kala mo Maddy ah. Aalamin ko kung sino yung lalaking yon. Hehe. Sasabihin ko to kay Ethan.

.

.

.

Haayyy....

.

.

.

“Sige ate Sab, alis na ko.”

“Bye. Ingat ka.”

Papasok kaya si Carl? San kaya yon nagpunta? Bakit kaya di yon umuwi? May emergency kayang nangyari?

Nako bahala na. Basta kailangan ko nang pumasok. 2 days na kong absent.

Pagdating ko sa classroom, yung mga classmate ko nasa labas. Lahat sila nakatingin sakin. Humayo sila ng daan tapos nakita kong may red carpet papasok ng classroom.

“Aaayyyiiieeee!!!”, lahat sila naghiyawan. Kahit di ko alam kung anong nangyayari, napangiti pa rin ako.

Si Carl kaya ang may gawa nito?

Pumasok na ko sa classroom at bawat upuan may mga nakalagay na flowers. Tapos sa harapan, sa teacher’s table, may nakalagay na malaking bouquet ng flowers. Tapos sa board may nakatabing na tela.

Nilapitan ko yung flowers, may nakalagay na card.

“Pull me”, sabi sa card. Tapos may arrow na nakaturo sa dulo ng mesa kung saan may rope na naka connect sa blackboard.

Narinig kong nagpasukan na yung mga classmates ko.

“Bilis na, hilahin mo na!”

“Oo nga Iya. Sige na.”

Grabe naman gusto nyo kayo na maghila. Mas excited pa kayo sakin eh.

Pero secretly, kinikilig din ako at gusto ko malaman kung ano yung nasa blackboard!

He's My Hero and I'm His Princess [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon