Chapter 22

14 0 0
                                    

Maddy’s POV

“Barbie!!”

“Mad!!”

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya kaagad. Ang saya kasi dito na sya titira sa bahay! Hindi na ko ulit mag-isang girl! Haha!

“I’m so excited! Yung magiging kwarto mo yung dating kwarto ni Sab. Tara samahan kita sa kwarto.”

Tinulungan ko syang dalhin yung mga gamit nya. Umakyat kami at pumasok sa kwarto. Maayos naman yung kwarto, nilinis ni manang kahapon. Medyo weird lang sa pakiramdam na isang buwan nang walang gumagamit nito. And truthfully, bored na ko dito. Walang nangyayari kahit ano simula nang umalis nang magkasunod si Iya at Sab.

“Wow. Ang laki pala ng kwartong to.”, sabi ni Barbie.

“Actually, ito ang pinakamalaking kwarto dito sa second floor. Dati nga gusto ko tong kwartong to eh. Di ba nasabi ko naman sayo?”

“Oo, natatandaan ko. Inaway mo pa nga yung dating may-ari nito eh.”

“Haayy. Pero ngayon, medyo namimiss ko na sila ni Iya.”

“Paanong hindi, eh bored ka na.”, sabi nya.

She has a point. Hindi ko masabing sila talaga yung namimiss ko, rather yung mga ginagawa namin dati. Oh well. It doesn’t matter.

Iniwan ko na si Barbie para makapag-ayos na sya at makapagpahinga. Pumunta ko sa kusina para tingnan kung anong magiging tanghalian namin.

Nadatnan ko doon si Carl na nagluluto.

“Kamusta naman si Barbie? Ok naman ba yung kwarto nya?”, tanong ni Carl.

“Ok naman. Madali namang i-please yon eh. Eh yung kaklase mo? Kailan daw lilipat?”

Yung isang friend ni Carl at Iya, lilipat din dito sa bahay. Sa kwarto ni Iya.

“Si Denise? Ewan ko doon. Tatanong ko kapag nagkita kami.”

“Akala ko ba kaibigan mo yon?”

“Si Denise? Uhmmm...sort of.”

Ha? Ano raw?

“Anong sort of?”, tanong ko.

Hindi na nya ko sinagot. Hmpp! Bahala sya. Wala kong paki.

“Nasan na naman si Ethan?”, tanong ko.

“Nakita kong umalis kaninang umaga. Tinanong ko kung saan pupunta pero hindi ako sinagot eh. Tawagan mo kaya? Tanong mo kung dito sya magtatanghalian.”

“Nako baka mamayang gabi pa yon umuwi. San kaya nagpupunta yon? Hindi ka ba nag-aalala sa pinsan mo?”

“Nag-aalala rin. Pero matanda na si Nate. Alam nya kung anong ginagawa nya. Kailangan nya lang talaga ng space.”

“Sabi sayo sundan natin yon minsan eh. Hindi ka ba nacu-curious?”

“Tigilan mo na nga si Nate. Gusto ko ring malaman kung saan sya lagi tuwing walang pasok. Pero dapat pa rin nating respetuhin yung privacy nya.”

“Paano kung may babae pala sya? O kaya nagdru-drugs? O kaya nagsusugal? Hindi ba dapat alamin din natin para sa ikabubuti nya?”, hindi naman talaga ko nag-aalala na gagawin to ni Ethan, pero gusto ko lang tingnan kung hanggang saan kayang panindigan ni Carl ang pagtatanggol nya kay Ethan.

“Naniniwala ka ba na gagawin nya yon?”, tanong nya sakin.

“Yung Ethan na kilala ko, hindi gagawin yon. Pero ayun na nga eh. Parang hindi ko na sya kilala. Malay mo? Ikaw ba, sa kalagayan nya ngayon, masasabi mo ba nang buong buong pagtitiwala na hindi yon gagawin ng pinsan mo?”, this is it. Haha. Huli ka ngayon Carl.

He's My Hero and I'm His Princess [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon