Chapter 19

12 0 0
                                    

Ethan’s POV

“Sab, hindi ka ba pupunta sa hospital ngayon?”

“Hindi na. Sabi ni tita wag na daw. Sya na daw ang bahala doon. Bakit? Pupunta ka ba?”

“Ha? Hindi. May pasok kasi ako.”

“Ah. Sige. Ingat ka.”

“Pero mamaya pupunta ko pag-uwi ko sa school. Gusto mo sumama?”

“Sige. Anong oras ka ba uuwi?”

“3:30 pm. Sige. Bye.”

Sa school, nakita ko yung mga kaibigan ni Iya. Kaklase pala ni Iya si Brian, na classmate ko nung 4th yr highschool. Pinakilala nya sakin yung iba nilang barkada. Si Denise, Joey, Ken at Nick. Sila yung mga dumalaw sa hospital kay Iya kahapon. Kinakamusta nila si Iya at tinatanong nila kung pwede ba raw silang dumalaw mamaya. Sabi ko oo, pero hindi ko na sinabi na pupunta rin ako.

Pagkatapos ng klase, napansin kong may mga missed call si Maddy. Nakasilent pala yung phone ko kaya hindi ko narinig. Ano kayang meron? Alam ko pumunta ng hospital si Maddy. May nangyari kaya kay Iya?

Habang nagmamaneho ako pauwi, sinusubukan kong tawagan si Maddy, pero hindi sya sumasagot. Tinatawagan ko rin si Sab pero hindi ko sya macontact. Nagmadali akong umuwi sa bahay para malaman kung may nangyari ba.

Pagdating ko, nandoon si Sab, inaantay ako.

“Tara na.”, sabi nya.

“Wait. May mga missed call sakin si Maddy. May nangyari ba? Bakit di kita macontact kanina? Lowbat ka ba?”

“Ha? Hindi ko alam. Hindi naman ako lowbat. Wala ring missed calls.”

 “Sige magpapalit lang ako sandali tapos pumunta na tayo. Kinakabahan ako eh.”

Tumakbo na ko paakyat sa kwatro. Medyo masama kasi ang kutob ko sa mga nangyayari eh. Pagpasok ko, dumampot na lang ako ng isang malinis na shirt tapos nagpalit at bumaba agad.

“Let’s go.”,sabi ko.

“Yung phone ko. Naka off pala yung network. Pasensya na hindi ko napansin.”

“Baka tinatawagan ka rin ni Maddy kanina. Try mo ngang tawagan, hindi sinasagot pag ako eh.”

Habang bumi-biyahe kami, sinusubukang tawagan ni Sab si Maddy, pero hindi rin sinasagot ang phone.

Dahil sa traffic, 5:00 na kami nakarating ng hospital. Pag-akyat namin sa kwarto ni Iya, walang tao doon. Nagpunta kami sa reception at tinanong kung anong nagyari kay Iya. Sabi nila nag check out na daw kaninang mga alas dos.

“Kung kanina pa sila nag check out, di ba dapat nasa bahay na sila ngayon? Tsaka nasan sila Maddy?”, tanong ko.

“Baka naman umuwi si Iya sa kanila.”, sabi ni Sab.

“Pero bakit?”

Tumingin lang sya sakin. Naintindihan ko kung bakit.

Huminga ako ng malalim. “Sab,”,sabi ko. “Ano bang gagawin ko?”

“Yung sinabi mo saming gagawin mo, yun ang gawin mo.”

“Pero nag-aalala ko para sa kanya.”

“Alam ko. Pero wala na tayong magagawa.”

“Meron. Tara puntahan natin sya sa kanila.”

“No Ethan. You promised us. Tara umuwi na tayo. Baka nandoon din sila Maddy kila Iya.”

He's My Hero and I'm His Princess [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon