Chapter 05

29 1 0
                                    

“I said I want this room!”

“Eh room na nga to ni ate Sab eh!! Dun ka na lang sa kabila!”

Wala pang limang minuto, nagbabangayan kaagad sila.

“But I like this room better!”

“No!”

Bumaba ako sa kusina para tingnan kung may pagkain na. Nandoon din si Carl, naghahanda ng tanghalian. Lumapit ako para tumulong.

“Nate, ok lang ba sila Iya? Ang ingay nila eh.”

“Oo couz, wag mo silang pansinin. Ganyan talaga sila pag magkasama.”

“Then why did auntie decided to bring her here? Doesn’t she know they hate each other?”

“No actually, she doesn’t. Kapag may ibang tao, especially elders of the family, they always behave themselves. In private lang sila ganyan.”

“Huh..That’s interesting.”

“What?”

“Huh? Nothing.”

Nagluto kami ng adobong  manok, nilagang sitaw at kangkong para sa side dish, at egg pie para sa dessert.

“Marunong ka palang magluto, Carl”

“My mom taught me. Pero konti pa lang ang alam kong lutuin.”

“Sandali tatawagin ko na sila.”

Umakyat ako para tawagin sila. Wala na kong naririnig na bangayan. Pagsilip ko sa kwarto ni Sab, nandoon si Iya umiiyak, tapos yung mga damit ni Sab nakakalat. Pinipulot ni Sab. Hindi nila ako napansin sa may pintuan.

“What happened?”, tanong ko.

Napatingin sakin si Sab, si Iya tuloy pa rin sa pag-iyak. Hindi naman talaga iyakin si Iya, kaya naisip ko na baka sinaktan sya ni maddy. Plus yung nagkalat na damit ni Sab. Medyo nainis ako.

“What did she do this time?”, tanong ko. “Did she hurt you?”

Lumapit ako sa kanya. Hindi pa rin sya sumasagot.

Naipon na ni Sab lahat ng damit nya sa kama. Umupo sya sa tabi ni Iya.

“Sab anong nangyari?” ,halata na sa boses ko na naiinis ako.

Nag-isip muna sya bago sya sumagot.

“Pinipilit ni Madeleine na makipagpalit sakin ng kwarto, pero ayaw ni Iya. Ok lang naman sakin pero nagkasagutan sila. Tapos pumasok dito si Madeleine at pinaghahagis lahat ng damit ko. Sinubukan syang pigilan ni Iya pero tinulak nya si Iya. Muntik na silang mag-away ng tuluyan, pinigilan ko lang si Iya.”

Nagalit ako sa narinig ko. Sobra na yung ginawa nya. Dapat syang mag-apologize. Pupunta na sana ko sa kwarto ni Madeleine pero pinigilan ako ni Sab.

“Don’t. She’s not worth it.”,sabi nya. “Dito ka na lang at i comfort mo si Iya. Titingnan ko lang kung may pagkain na sa baba.”

“Meron na. Nagluto kami ni Carl.”

Napatingin silang dalawa sakin na para bang hindi makapaniwala. Napangiti ako sa reaction nila.

“Ok ok. Nagluto si Carl at tinulungan ko lang sya.”

Biglang tumawa si Iya. Para talaga syang bata, ang bilis magbago ng mood. Pati si Sab napangiti rin at medyo tumawa ng konti.

Bumaba na kami at nandoon na rin si Maddy sa dining room. Napatingin ako kay Carl at napansin nya na mapula yung mata ni Iya. Tatayo sana sya pero sumenyas ako na ok na si Iya.

He's My Hero and I'm His Princess [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon