Chapter 12

24 0 0
                                    

Ethan’s POV

I Hate You! The both of you! I hate you!

Hanggang ngayon, di pa rin maalis sa isip ko ang mga salitang sinabi sakin ni Iya. Hayy... Ano kayang gagawin ko para mapatawad nya ko?

I’m sorry, but I don’t like you that way. Please. Let’s just be friends.

Ano kayang gagawin ko para magustuhan nya ko?

Masyado pa kong bata para magkaroon ng ganitong mga problema. Kasalanan ko rin naman eh, masyado kong nagmamadali.

Hanggang ngayon, ayaw pa rin nila kong kausapin. Talagang iniiwasan nila ko. Kapag nandito ko sa bahay, lagi silang nagkukulong sa kwarto. Paano ko maayos yung gulong ginawa ko kung di naman nila ko binibigyan ng chance na mag apologize? Alam kong kulang yon, pero I need to start somewhere.

Anong oras na ba? Kailangan ko na palang mag-ayos para pumasok sa school.

Pero di ko pa natatapos yung letter ko.

Dearest Sab,

Di ba yon medyo assuming? Pero iyon ang feelings ko eh.

I know words are not enough to fix everything that I’ve broken. Alam kong kulang ang sorry para mapatawad nyo ko ni Iya. At lalong kulang ang sorry para mabalik ang dati nating pagkakaibigan.

But there’s nothing I can do until you give me another chance. All I can do for now is say I’m sorry, over and over again. To you and to Iya. Everything that’s happened is my own fault. The last thing I wanted in the world was to hurt you. You and Iya both. You are one of the most important people in my life, at ayokong ako ang nagiging dahilan ng pag-iyak, pagkalungkot, at pagsakit ng damdamin mo.

I’m not asking for forgiveness, because I know I don’t deserve one. All I’m asking for is a chance to make things right with you and Iya. And to rebuild, little by little, the trust and friendship that you’ve both given me, and which now I’ve lost because of my own stupidity.

Please give me a chance. That’s all I’m asking for.

 

Yours Sincerely,

Ethan.

Ok na yan. Sana lang basahin nya bago nya punitin o itapon.

Alam ko wala na si Sab, kanina pa pumasok ng school, kaya pinasok ko sa pinto nya yung letter bago ko pumunta ng school.

Nagkita kami ni Maddy nung break time ko. Tumabi sya sakin at nginitian nya ko. Uh-oh. Ganto lang si Maddy pag may hihingin syang favor.

“Hi Ethan.”, sabi nya. Di ako sumagot. “May gusto lang akong itanong sayo.”

“Ano yon?”

“Alam mo ba kung bakit malungkot si Iya? Anong nangyari nung gabing narinig namin ni Carl yung sigaw nya?”

Uh-oh. Paano ko ba to sasagutin. Pag sinabi ko yung totoo, lalo syang magagalit kay Sab. Sigurado si Sab ang sisisihin nya. At ngayon pa lang sila nagkakasundo.

“Uhmm. Ako ang may kasalanan non.”, sabi ko.

Inaantay nya yung susunod kong sasabihin. “And?”, sabi nya.

He's My Hero and I'm His Princess [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon