Chapter 02

60 1 0
                                    

*beep beep*

*beep beep*

Yung alarm clock!!

Yes nagising kaagad ako!! Kailangan ko na lang ayusing yung iba kong gamit na hindi ko naayos kagabi.

May kumakatok sa pinto ko.

“Miss Sophia?? Gising na po kayo.”, si ate Sab pala, maid namin.

“Tuloy ka ate.”, sabi ko.

Pumasok sya at nakita nya na nag-aayos ako ng gamit.

“Naku Miss, ako na lang po ang gagawa nyan.”,sabi nya habang kinukuha na ang mga gamit ko para sya na ang maglagay sa maleta.

“Hindi na ate. Mabuti pa ipagluto mo na lang ako ng pagkain.”,sabi ko sa kanya na nakangiti.

“Sige po. Ipagluluto ko po kayo ng pabirito nyong almusal.”,sabi nya at lumabas na ng kwarto.

Natapos ko na rin ayusin ang mga gamit ko kaya bumaba na ko para kumain. Grabe nasa sala pa lang ako naamoy ko na ang masarap na luto ni ate Sab. Lalo tuloy akong nagugutom.

Pumasok ako sa dining room at nakita ko doon si ate Sab na naghahanda ng mga gamit sa pagkain.

“Miss kumain na po kayo habang mainit pa.”,sabi nya nang makita nya ko.

“Asan si mommy?”,sabi ko.

“Hindi raw po sya gutom, kaya mamaya na lang daw po sya kakain.”,sabi nya.

“Ok. Mabuti pa ate Sab, sabayan mo na lang ako.”,sabi ko sa kanya.

“Uhmm.. Kasi po hindi pa ko tapos mag-ayos ng gamit ko eh.”,sabi nya.

“Eh di kumain ka muna tapos tutulungan kita. Ayoko kumain mag-isa kaya Please? Sabayan mo na ko”,sabi ko sa kanya na nagmamakaawa.

Natawa sya sa itsura ko at umupo na rin sya para sabayan akong kumain. Ganito talaga kami dito sa bahay. Kahit amo at katulong ang relasyon namin, close friends kami ni ate Sab. Siguro kasi hindi ganoon kalaki ang age gap namin sa isa’t isa.

Habang kumakain kami, kwentuhan lang kami ng kwentuhan ng kung ano ano. Grabe nakakatuwa talaga kausap si ate Sab. Malakas ang sense of humor at sobrang talino pa.

“Sayang ate Sab hindi tayo magiging school mates.”,sabi ko sa kanya na medyo malungkot.

“Ok lang po yun miss. Alam ko magugustuhan mo rin sa UST, lalong lalo na at nandoon din po si sir Ethan.”,sabi nya.

“Eeeiii~~!! Sana nga lagi kaming magkita doon. He’s the only one I’m looking forward to in UST.”,sabi ko sa kanya.

Napansin ko na parang may tao sa sala. Pagtingin ko, si mommy pala. Kabababa lang nya galing sa kwarto nya.

“Wow ang bango naman. Sab ikaw ba ang nagluto nyan?”,sabi ni mommy.

“Opo ma’am. Kain na rin po kayo. Ikukuha ko po kayo ng plato.”,sabi ni ate Sab.

“Oh sige at nagutom ako sa pag-aasikaso ng mga papeles. Pati na rin yung mga commodities na kailangan natin.”,sabi ni mommy.

Umalis nga si ate Sab at kumuha ng plate and spork para kay mommy.

“How’s your morning hija?”,tanong nya sakin.

“Ok lang po mommy. Happy so far.”

“Well I think you’ll be happier with what I’m about to tell you.”

Napatingin ako sa kanya. Meron syang held back excited look. Ano kayang ibabalita nya?

“What is it?”, tanong ko.

He's My Hero and I'm His Princess [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon