Chapter 04

43 1 0
                                    

Ethan’s POV

Nasan kaya si Iya?

Bakit hindi nya sinasagot ang phone nya?

“Ethan let’s go. Baka inaantay na tayo ni Clarence.”, sabi ni mommy.

“Ma, kasama ba ni tita si Iya? Hindi ko sya ma-contact eh.”

“Hindi po sir Ethan. Naiwan po si miss Iya sa hotel kanina nung umalis si madam.”, sagot naman ni Sab.

Baka natutulog pa yun. May naisip ako. Hehehe.

Pagbalik namin sa hotel, hinanap ni mama si Carl, sinamahan ko naman si Sab paakyat sa room nila ni Iya.

“Mabuti pa Ethan dito ka muna. Baka kasi magalit sakin si Iya kapag nakita mo syang bagong gising.” Pag kami lang dalawa, casual lang kami mag-usap. Naiilang kasi ako kapag tinatawag nya kong sir eh magkasing edad lang naman kami.

“Basta akong bahala sayo. Hindi yun magagalit Sab, promise.”

Pumasok kami pero walang tao sa loob. Nasan na ba sya?

Tumawag sakin si mama para sabihing wala rin si Clarence sa hotel, lumabas daw na may kasamang girl. Siguro may girlfriend yun at nakipag date. Pero nasan kaya si Iya? Baka naman namasyal na mag-isa. Pero parang hindi naman nya yun ugali eh. Anyway bahala sya. Hindi na sya makakasama sa pamamasyal namin.

Bumaba na kami sa lobby kung nasan si mama.

“Hijo mabuti pa kayo na lang ni Sab ang mamasyal ngayon. Tumawag sakin ang tito mo at gusto makipag meet. Mag-ingat kayo ha. Enjoy yourselves! Bye. Love you.”

“Love you too ma. Ingat.”

“Bye po madam”, sabi ni ate Sab.

“Pano ba yan Sab, mukhang magde date tayong dalawa. Hahaha.”,sabi ko pag-alis ni mama.

“Date? Haha. Patawa ka Ethan.” Pabirong sabi nya, pero namumula na sya. Ang cute nya mag blush.

Ganito yung nangyari sa ‘date’ namin ni Sab. Dahil 1st time nya sa Italy, nagdecide ako na itour sya sa lahat ng lugar na gusto nyang mapuntahan. Nagpunta kami sa Naples kung san kumain kami ng pizza tapos tumuloy kami sa Sicily. Pinuntahan namin yung mga temple at museums hanggang sa abutin na kami ng hapon at kailangan na naming bumalik.

Ang saya palang kasama ni Sab. May sense lahat ng sinasabi nya at witty sya kaya naging kumportable ako kaagad sa kanya. Sana maulit tong ‘date’  namin.

Kumain ulit kami sa Naples bago kami bumalik sa Rome. Pagpasok namin sa hotel, nakita kaagad namin si mama at si tita.

“Hello hijo, how was your day?”, tanong sakin ni mama.

“It’s good.”,sabi ko. “Wala pa ba si Iya?”

“Oh she’s with Clarence. Sinaman syang mamasyal. Akala ata iniwan natin. They said they’re on their way back.”, sabi ni mama.

What? Sila yung magkasama? Kaya ba naka off yung phone nya? Alam ko type ni Carl si Iya, sinabi nya sakin kahapon. Pero hindi ko alam na si kagaya pala ni Carl ang type ni Iya. Wag lang saktan ni Carl si Iya, kundi...

“Sab come here. Dahil first time mo dito sa Italy, we’ve decided to buy you something to remember this trip by. Take it.”, may binigay na box si tita kay Sab.

Binuksan nya at may lamang isang silver necklace na may diamond pendant.

“Thank you po madam, pero hindi ko po matatanggap to.”,sabi ni Sab. Binabalik nya yung box.

“Oh nonsense. I will not take no for an answer. You’ve been like a daughter to me all these years and gusto ko tawagin mo na kong tita from now on.”,sabi ni tita.

“Thank you po mad--, tita.” Medyo naiiyak na sabi ni Sab.

“Well try it on hija” sabi ni mama. “Ethan will you please do the honor?”

Kinuha ko yung necklace sa box, pumuwesto ako sa likod ni Sab at isinuot ko sa kanya yung necklace.

“Hija how was your day?”, sabi ni tita.

“It was wonderful.”, narinig ko ang boses ni Iya mula sa likod ko.

Magkasama sila ni Carl.

“Oh good. Where did you go?”, tanong naman ni mama.

“Nagpunta kami sa Florence and then sa Venice. Wow ate Sab! Ang ganda naman nyan.”, sabi ni Iya.

“Regalo to sakin ni mad--, tita.”, medyo nahihiyang sabi ni Sab.

“Naunahan pala ako ni mommy. Eto may gift din ako para sayo.”

May inabot din syang maliit na box kay Sab.

“Friendship ring yan, katulad sakin.”, pinakita nya yung silver ring na may engraved names nila ni Sab.

Nag-usap naman kami ni Carl tungkol sa mga ginawa namin. Kinuwento nya ang date nila ni Iya at ako naman yung samin ni Sab.

“Grabe Nate, ang saya talagang kasama ni Iya. May pagka childish sya pero cute sa kanya.”, sabi ni Carl. “All these years magkakilala kayo, bakit di mo sya niligawan? Di mo ba sya type?”

“Parang kapatid lang ang turingan namin sa isa’t isa. Sabi mo nga may pagka childish sya. Ako yung tumatayong parang kuya nya. Kaya kapag sinaktan mo sya..”

“Don’t worry. I promise I won’t hurt her. Seryoso ako sa kanya. That’s why I’ve decided, sa Philippines na ko mag-aaral.”,sabi nya.

“That’s good, Carl. Sa UST ka rin ba?”

“Yup. Nag exam na ko doon kaya kailangan ko na lang mag enroll. I need to call my mom first to tell her about my decision. Oh and Nate, please don’t say anything yet. I’ll tell them tonight at dinner.”, sabi nya.

“Of course.”,sabi ko.

Nagdinner na nga kami at sinabi na ni Carl yung news nya. Lahat sila excited sa pagstay ni Carl sa UST.

“We have news too.”,sabi ni tita at mama. “May regalo kami ni tita nyo para sa pagpasok nya ng college.”, sabi ni mama.

“May binili kaming bahay sa Manila ang nagdecide kami na dun na kayo tutuloy habang nag-aaral kayo sa UST!!”, sabi nila saming dalawa ni Iya. “and since sa UST na rin mag-aaral sa Clarence, pwede rin syang tumuloy doon kung gusto nya.”

What? Makakasama ko sa bahay si Iya at si Carl? Gusto ba nila akong gawing bantay ng dalawang love birds na to?

“And I have news too.”,sabi naman ni Sab. This should be good.

“Tita talked to me a while ago and she wants me to transfer to UST, para may kasama si Iya sa pagpasok nya sa college.”

Yes! Kasama rin namin si Sab. At least hindi lang ako yung magbabantay sa mga love birds.

“Thank you mommy!”,sabi ni Iya. “Buti na lang kasam ko na si ate Sab. Akala ko ako lang yung magiging girl doon sa bahay.”

Nagtinginan sila mama at tita. Feeling ko may tinatago sila samin.

The rest of the trip passed by pretty much the same. Busy sila mama at tita at kami ni Sab ang laging magkasama tapos si Carl at Iya. Nung last day lang kami nakapamasyal ng kumpleto.

Pagbalik namin sa Philippines, meron na lang kamin 1 week bago mag pasukan. Nagsimula na kaming maglipat sa bahay na titirhan namin sa Manila. Malaki yung bahay, parang rest house na din. May 3 floors dito. Sa 1st floor syempre yung living room, kitchen, dining room, servant’s quarters (may 2 katulong kami at 1 gardener/driver) at dalawang bathroom. Sa 2nd floor may 3 kwarto, yung isa may sariling bathroom, isang TV room, music room at bathroom. Sa 3rd foor naman 3 rooms ulit at lahat ng room may sariling bathroom. May malaking balcony din doon. Sa grounds may isang basketball court, isang tennis court at isang swimming pool. Hindi naman to bahay eh, mansyon to.

Nagdecide kami na sa 3rd floor na ang girls at kami naman sa 2nd floor. Hindi namin gagamitin yung master bedroom sa 2nd floor para fair.

3 days before school starts, someone unexpected arrived.

Iya’s childhood rival, Madeleine.

He's My Hero and I'm His Princess [on-hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon